18

244 24 6
                                    

A RUTHLESS MAFIA LORD
By: Deymwutt

Chapter 18

Continuation:

Agad kong pinunasan ang aking luha matapos kong marinig ang pagbukas at sarado ng pintuan. Umayos din ako sa pagkakaupo at naghintay na lamang sa paglapit ng kung sino man ang pumasok dito sa silid kung saan ako kasalukuyang ikinulong ni Icarus.

“Hanggang kailan mo balak magpalipas ng gutom, Amethyst?”

Wala akong planong sagutin siya kaya't nanatiling tikom ang aking bibig habang nasa sahig ang focus ng aking tingin. Naalala ko rin ang nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay bitbit ko pa din ang poot na nararamdaman sa kahayupang ginawa ni Icarus sa matalik kong kaibigan at katrabaho.

Labis ko siyang kinamumuhian.

Alalahanin mo ang batang nasa sinapupunan mo, Amethyst. Kumain ka na!”

Narinig ko ang mga yapak patungo sa gawi ko. At dahil hindi ako natutuwa sa presensiyang hatid ni Icarus, walang pag-aalinlangang umiwas ako sa pamamagitan ng pagbabago sa aking posisyon. Ayokong nakikita ang pagmumukha niya kaya't minabuti ko na lamang na talikuran ito.

“What the fuck is your problem, Amethyst?! Balak mo bang patayin sa gutom 'yang sarili mo pati ang batang dinadala mo?!”

Nagpakawala ako nang pag-ismid. Concern pala siya sa batang nasa sinapupunan ko, eh bakit hindi niya manlang cononsider yung mararamdaman ko bago niya patayin si Sanjo. Masyado siyang makasarili. Walang kalaban-laban yung tao pero kung ipapatay niya 'ay para bang isang hayop lang ito na walang kasilbi-silbi.

“Don't pissed me off, Amethyst!”

Pabayaan mo na ako, Icarus. Busog ako!”

“No, whether you like it or not, kakain ka!”

Naramdaman ko ang paglapat ng kamay ni Icarus sa aking balikat. Dahil sa kanyang ginawa ay agad akong nagpumiglas at sumiksik sa pinakang dulo ng kama. We both stared each other. Bakas ang masidhing pagtitimpi sa kanyang itsura habang nasa kanang kamay nito ang tray na may pagkaing laman.

Hayaan mo na lang akong mamatay sa gutom, Icarus!”

“Of course I won't, Amethyst!”

“Kung ganun 'wag ka ng umasa pang kakainin ko 'yang nasa tray! Dahil mas pipiliin ko pang mamatay na lang kaysa magdusa habangbuhay kasama ka!”

“Ganyan ka na ba kadesperada para magpadalos dalos sa pagdedesisyon, Amethyst? Ni hindi mo manlang iniisip ang batang ipinagbubuntis mo!”

Isang mapaklang ngiti ang gumuhit sa'king labi. Kahit gamitin niya pa ang batang ipinagbubuntis ko, wala na akong dahilan pa para magpauto pang muli kay Icarus. Pagod na ang aking katawan. Sukong-suko na ako. At hindi ko na alam kung paano pa ako lalaban para lang pilitin pa ang aking sarili na mamuhay sa mundong ito.

“Kung mamatay ako, siguro d-doon mo lang mauunawaan ang tunay kong nararamdaman, Icarus”

𝐀 𝐑𝐔𝐓𝐇𝐋𝐄𝐒𝐒 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐋𝐎𝐑𝐃 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon