20

178 16 0
                                    

A RUTHLESS MAFIA LORD
By: Deymwutt

Chapter 20

Continuation:

Kakalabas ko lang mula sa boutique na pinasukan namin ni Icarus. Bitbit ko pa ang ilan sa mga kasuotang pinamili namin na siya mismo ang pumili. Pero dahil bigla itong nakatanggap ng tawag ay nagpaalam siya sa'king sa labas na lang daw niya ako hihintayin, sa parking lot mismo. Siguro'y masyadong personal yung pag-uusap nila kaya doon na lang niya naisipang maghintay.

At habang palapit ako nang palapit sa parking lot, biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Nahiwagaan ako kung bakit. Wala naman akong iniisip na kahit ano pero pakiramdam ko'y para akong hinihila pailalim— nasasaktan ako na nalulungkot. Ngunit dahil buntis ako, inisip ko na lang na baka isa 'to sa mga sintomas na maaaring maramdaman ng isang buntis na tulad ko.

Huminga nang malalim upang ibsan ang bagay na bumabagabag sa isipan ko at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako ng parking lot. Si Icarus agad ang hinanap ng mga mata ko, nakita ko siyang nakatayo malapit sa sasakyan. Pero dahil nakatalikod ito, hindi niya manlang namalayan ang paglapit ko.

I sneezed to let Icarus know I was here. Bahagya akong ngumiti ng ito'y humarap. Pero 'di ko naman maiwasang magulimihanan dahil bakit parang ang seryoso ng kanyang itsura. Ayos lang ba siya? May nangyari bang hindi maganda sa naging usapan nila? If ever na meron, ano naman kaya iyon?

Ayos ka lang ba? Or, is there something bothering your mind?”

“Wala 'to, ayos lang ako” walang ganang sagot ni Icarus, “By the way, is everything okay?”

Bilang kasagutan ay tumango na lamang ako. Walang pasabing kinuha ni Icarus ang ilan sa paper bags na bitbit ko at inilagay sa trunk. Nagtatakang pinagmasdan ko ang bawat kilos niya hanggang sa makasakay ito sa loob ng cabriolet. What is his problem? Parang kanina lang ay napakaayos ng pakikitungo niya sa'kin, hindi makabasag pinggan. Pero ngayon mistulang wala s'yang kasing lamig base sa galaw o kilos nito.

Maybe he just wasn’t in the mood? Ah, I don't know. Ganyan naman siya parati. Kung totoosin nga'y talo pa niya ang totoong babae na may buwanang dalaw sa t'wing nagtatrantums siya. So bakit pa nga ba ako aasa na mababago pa yung way of treatment sa'kin ni Icarus kung minu-minuto'y nagbabago yung mood niya. Parang suntok sa buwan kung aasa pa ako na mangyayari yun.

Napaka imposible.

Hindi na ako naging mausisa pa at sunod na sumakay sa cabriolet. Kapuna-puna man ang pagiging tahimik ni Icarus ngunit gaya nga ng nabanggit ko ay hindi na ako naging mausisa pa sa tunay na dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. Inaasahan ko din na diretso pabalik na kami sa rest house, But I was consumed with wonder why our trip back to the rest house seemed so long.

Napilitan akong magtanong kay Icarus.

“Hindi pa ba tayo babalik sa rest house?”

He didn't bother to answer my question, sa halip iniliko niya ang sasakyan sa isang eskinita.

Ano? Huhulaan ko na naman ba kung saan tayo magtutungo, Icarus?”

Ewan ko ba kung ugali na n'yang gawin sa'kin 'to, yung tipong magdedesisyon siya ng hindi ko manlang nalalaman kung ano yung pinaplano niyang gawin. Palagi na lang. Nakakainis. Mukha ba akong manghuhula para lahat na lang ay ilihim niya sa'kin. Bwesit siya, ah.

“Edi don't kung ayaw mong sab--”

“We're on a vacation, Amethyst, so obviously kung ano yung ginagawa sa isang bakasyon ay siyang gagawin natin!”

𝐀 𝐑𝐔𝐓𝐇𝐋𝐄𝐒𝐒 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐋𝐎𝐑𝐃 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon