03

272 16 2
                                    

A RUTHLESS MAFIA LORD
By: Deywmutt

Chapter 03

Continuation:

Pagkamulat ng aking mga mata ay agad kong inilibot sa paligid ang paningin ko. Nais kong malaman kung buhay pa ba ako o tuluyan ng binawian ng buhay since grabeng pananakit ang tinamo ko dahil sa kagagawan ni Icarus.

Napabuntong hininga na lang ako ng mapagtantong buhay pa naman ako at kasalukuyang narito sa sariling silid.

Napakalupit niya, sobra!

At kahit may kaunting sakit pa na iniinda, I tried to get up. Maingat akong bumangon at naupo sa gilid ng kama. Sinuot ko rin yung kulay pink na slippers dahil balak ko sanang dumiretso sa CR ngunit bigla na lamang akong napaiktad ng may boses akong naulinigan.

"Jusko, akala ko hindi ka na magigising!"

Bumaling ako ng tingin sa pinagmulan ng boses na 'yun at dito ko nakita si Lylia. Agad siyang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko. I can see how worried she is. Nginitian ko naman siya ng bahagya na agad ring napalitan ng pag-ngiwi matapos hawakan ni Lylia ang aking braso.

Ang sakit pa din ng mga sugat at pasa ko.

"Shocks! S-sorry, Aori" hinging paumanhin ni Lylia.

"Ayos lang.... a-ayos lang ako, Lylia" wika ko.

"Sorry talaga, ah. Pero teka, nagugutom ka na ba? Gusto mo bang magpahatid ako dito ng makakain mo?"

Bilang kasagutan ay umiling ako.

Naisip ko lang din na pagkatapos ng nangyari sa akin ay maswerte pa rin akong nabuhay. Ganun na lang ba kung umayon ang aking kapalaran sa kasamaan ni Icarus? Tsk. Sana'y dinadalaw pa ng antok ang lalakeng iyon sa kabila ng mga kahayupang pinaggagawa niya.

"Honestly, pinakaba mo talaga ako Aori. Tatlong araw ka kayang walang malay, duh!"

Hindi ko maiwasang mabigla sa sinambit ni Lylia.

Three days?

Tatlong araw akong walang malay? As in? Seryoso ba siya?

"Binalaan na kita diba? Ang sabi ko sayo maiksi lang ang pasensiya ni sir Damien. At kung ano man yung kasalanang ginawa mo, sana'y hindi mo na lang itinuloy pa!" pangaral sa akin ni Lylia at bumuntong hininga.

"Pasalamat ka na lang talaga at nagising ka pa!" tumayo ito at naglakad sa isang gawi upang kunin ang box ng first aid kit.

"Take this..." inilahad ni Lylia sa aking harapan ang hawak na ointment. "Hanggat hindi pa naghihilom ang mga sugat mo, mabisa kung 'yan ang gagamitin mo para sa mabilisang paggaling at iwas peklat na din!"

Nahihiya man ngunit kinuha ko pa rin ang bagay na ibinibigay sa akin ni Lylia. Buti pa siya kahit papaano'y kaya akong pakisamahan sa maayos na paraan. Hindi kagaya ni Icarus at ng ibang kasambahay na narito- masyado silang malupit sa pagtrato sa akin. Sana lang ay hindi magbago ang pakitungo ni Lylia. Sana lang talaga. Dahil kung pati siya ay magiging malupit, hindi ko na alam kung paano pa ako mamumuhay ng normal sa mansion na ito.

𝐀 𝐑𝐔𝐓𝐇𝐋𝐄𝐒𝐒 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐋𝐎𝐑𝐃 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon