15

203 14 0
                                    

A RUTHLESS MAFIA LORD
By: Deymwutt

Chapter 15

Continuation:

Tinanggal ko ang pagkakayapos sa'kin ni Amethyst para magkaharap kaming dalawa. It looked innocently into my eyes as we faced each other. Ngayon ko lang din napagtantong bumabagay sa kulay tsokolate niyang mata ang pagiging mapungay ng mata nito. It also has thick lashes and eyebrows. A rosy cheek that matches to her normal pinkish kissable lips.

What a beautiful definition of beauty.

"Anong kalokohan na naman ba 'tong ginagawa mo, Amethyst?"

I was slightly surprised when she removed her hands from my grasp. Parang bata ito na ngumuso habang pinag-cross ang dalawa niyang braso. What's going on this woman? Hindi naman ata siya pinakain ng panis na pagkain habang wala ako dito.

"Napaka manhid mo talaga, Icarus" she pouted. "ang sabi ko namiss kita!"

Huminga ako ng malalim. Hinilot ko rin ang aking sentido at muling binalingan ng tingin ang babaeng kaharap ko. Okay, she's having a tantrum or mood swing, but what should I do to alleviate that? Hindi naman kasi nagkaganito si Sabina noong panahon na nagbubuntis siya kaya ngayon ko lang talaga 'to maiexperience.

"I don't know what I should do to make you feel good. But if you want to eat or do something, just tell me, Amethyst?"

Noong una'y normal siyang tumingin sa akin pero kalaunan ay bigla na naman itong sumimangot tsaka ngumuso. Naguguluhan na talaga ako. Ano bang dapat kong gawin sa buntis na ito ng sa ganun ay hindi siya nagkakaganito?

"I'm talking to you, Ame--"

"Give me a cuddle, Icarus" buong loob na utos niya sa akin.

"What?"

She looked at me again, deadly.

"I said, I want a cuddle!"

Mas lalong tumalim ang titig ni Amethyst. Tila nakaramdam naman ako ng kakaibang kaba na s'yang dahilan kung bakit bigla na lang akong pumayag sa bagay na gusto niyang gawin ko.

"O-okay" utal na saad ko at mistulang bata siyang pumalakpak sa tuwa.

Humiga ito sa kama at malapad ang ngiting tinapik ang natitirang espasyo sa kanyang tabi senyalis upang doon ako humiga. Dahan-dahan akong kumilos at tinabihan siya. Bahagya pa akong nagulat ng kunin niya ang isang braso ko para higaan 'yun tsaka nagsumiksik sa aking dibdib kasabay nang pagyakap ng isang braso nito sa akin.

I confusedly watched the woman who's currently hugging me. I could even feel how she could smell me. At ng bigla itong tumingin sa akin, ang dilim na naman ng kanyang awra. Did I do something wrong to make her mad? Wala naman, ah.

"You are drowning your body too much in alcohol, Icarus, do you want to get sick?!" galit na bulyaw sa'kin ni Amethyst.

"Nasanay na ako sa gano'ng klase ng sistema, Amethyst. And did I tell you to care about my life? Hindi naman, diba"

Kung kanina'y madilim ang kanyang awra, ngayon naman ay mistulang iiyak 'to ano mang sandali.

"B-bakit ba palagi mo na lang akong sinusungitan? Hindi mo ba ako kayang tratuhin ng tama, Icarus?"

Her tears began to drip and I suddenly felt anxious. Akmang magsasalita pa sana ako pero mabilis na kumilos si Amethyst patalikod mula sa'kin.

Did I hurt her feelings? Ah, maybe yes? I don't know.

𝐀 𝐑𝐔𝐓𝐇𝐋𝐄𝐒𝐒 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐋𝐎𝐑𝐃 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon