23

249 28 3
                                    

A RUTHLESS MAFIA LORD
By: Deymwutt

Chapter 23

Continuation:

“Boss, may panauhin po kayo”

Alessandro smoked the remaining cigarette butts before turning the swivel chair in front of the man who spoke. He was not in the right mood to talk to anyone. But when he saw the entry of a well-known person, the boredom he felt immediately disappeared from his mind.

Pilyong ngumiti ang binatilyo habang pinapasadahan nang mapanuksong tingin ang babaeng inaakala ng karamihan ay matagal nang namayapa. He was glad to see this woman again but he still had to look not eager to see Sabina again, because he knew it would make her think again how crazy he was every time they met.

S'yang tunay naman talagang baliw na baliw si Alessandro pagdating kay Sabina. Bakit? Sino nga ba naman ang tangang hindi malilinlang sa taglay na ganda't kapusukan ni Sabina. She looks like a doll that lives in a human body.

Maganda.

Maputi.

Mapilantik ang mahahabang pilik mata at may mapupulang labi na siyang mas humulma sa mala-anghel na itsura nito. In short, taglay ni Sabina ang kagandahang naging puhunan nito sa lahat ng pelikula't proyektong natamasa niya sa industriyang showbiz.

At bago pa man niya makilala si Icarus Damien Montreal, dumaan na siya sa mga kamay ni Alessandro Beneventi— Sabina's first love that Icarus didn't even know.

“Felice di rivederti, Sabina!”

Umikot ang dalawang bilog na itim sa magkabilang mata ni Sabina habang nabuburyong tinapunan nang tingin ang lalakeng prenteng nakaupo sa swivel chair. Alessandro has changed a lot. Kung dati'y isang weirdong alalay lang ito ng kanyang tatay sa kompanyang pinagtatrabahuhan, ngayon ay kayang kaya na rin nitong makipagsabayan sa mga lalakeng may matitipunong pangangatawan.

Alessandro looked very handsome even though he was still wearing glasses with thick grades. Hindi na ito nakakasawang tignan gayung ang patpatin nitong pangangatawan noon, mistulang kasing tigas na ng kahoy ngayon— sapat na para masabing nag matured na si Alessandro makalipas ang mahabang panahon matapos siyang iwanan ni Sabina para lang magpakabanal sa harapan ni Icarus.

“It's good that you still know me, Sandro”

“Well, sino nga ba naman ang hindi makakalimot sa isang Sabina De Villa na former wife ni Icarus Damien Montreal.... At kasintahan ko noon!”

Sa dulong bahagi ng lamesa, inabot ni Alessandro ang bote ng Sauvignon Blanc wine at nagsalin sa dalawang pares ng wine glass. Nanunuyong inalok pa nito ang isa kay Sabina pero ismid na tinanggihan lang siya ng dalaga. Wala pa ring pagbabago sa ugali ng babaeng minsan na niyang minahal— tila'y isang tigre pa rin ito na akala mo'y araw araw may buwanang dalaw.

Ano nga palang sadiya mo at bakit ka napadpad sa lungga ko, my dear ex-girlfriend? Hindi ba't huli mong sinabi noon sa akin ay hinding hindi ka na babalik sa nakakasuka't nakakadiring lugar na ito, tama ba?” pagkatapos magsalita ay sumimsim siya ng alak tsaka ngumisi.

“Ang nakaraan ay nakaraan na, so can we forget it, Sandro?”

“Fine!” he inhaled and exhaled. “But what are you up to, Sabina? Alam ko namang 'di ka mapapadpad dito ng walang dahilan.”

𝐀 𝐑𝐔𝐓𝐇𝐋𝐄𝐒𝐒 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐋𝐎𝐑𝐃 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon