Chap. 4

1.1K 91 2
                                    

Chap. 4

Nang makaalis sina Cydric at Donna..

"Sinasabi ko na nga ba bakla si Cydric Madrigallanes.." Malaking boses ang lumabas sa bibig ni Gregory.

"Ha ha ha ha ha..halatang halata nga eh." Dagdag ni Nick.

"Kuya naman paano n'yo nalaman? Sayang naman." Sabi ni Janeth.

"Nakita n'yo naman..sa paghawak palang ng tinidor at kutsara kanina..sa paghawak ng baso..sa pagpunas ng napkin sa bibig.. at paghawak ng pawn..'yong pilantik palang ng mga daliri..ha ha ha ha ha daig pa ang mga babae." Halos mamula mula ang mukha ni Darson sa sobrang tawa.

"Yong kamay ang lambot pa." Singit ni Ludwig.

"Pero 'yong boses n'ya lalaking lalaki naman." Tila ayaw sumang-ayon ni Janeth.

"Hay naku, syempre maging lalaki talaga ang boses n'ya..dahil ayaw n'yang pahuli." Sagot ni Nick.

"Waaaaa..ayaw kong maging beki si Cydric..Crush ko na s'ya." Napasimangot tuloy ang mukha ni Janeth.

Tuloy tuloy parin ang tawanan ng lahat.

"Naku, patay ang lahi nila kung isa s'yang bading." Tawa ng tawa si Darson.

"Kuya naman nakakabuntis din ang mga bading. Lalaki parin sila." Singit ni Janeth.

"Magsitigil kayo. Walang masamang ginagawa si Cydric..pinagdidiskartehan pa ninyo." Saway ng ama ni Donna.

Saka lamang tumahimik ang lahat.

-----------------------------------------------------

Hinatid ni Cydric si Donna sa bahay nito at..

"Salamat Cyd." Sabi ni Donna at nagpaalam sa binata.

"Don, pwede ba tayong magkita muli? Baka kasi tatagal ako dito sa San Isoldor. Wala ako masyadong kakilala dito. 'Yong mga dating kaklase ko ..wala na eh."

"Ganun ba? Sige." At dahan dahang bumaba si Donna sa sasakyan.

Kumindat pa si Cydric sa kanya.

Nang marating ni Cydric ang bahay hindi parin s'ya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanya..

CYDRIC'S POV

"This is totally crazy..Nagmamahal ako sa isang babaeng minsan ko lang nakilala..nagawa ko pang makipagtalik dala ng tukso. Kung tutuusin maling mali ang lahat. Pero wala nang magagawa dahil tapos na 'yon. Dapat ilibing na sa limot..pero hindi ko nagawa. Akala ko hindi s'ya magbabago..mali pala ako. At heto, nakatali na s'ya sa iba. There's no chance for me. But at least, we can be friends. Hindi naman n'ya alam ang totoo eh. Damn! Walang patutunguhan ang lahat ng ito."

Sa bahay ni Donna..

DONNA'S POV

"Hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ni Cydric. Bakla pala s'ya. I thought he was a straight guy..but that's a lie. He hides himself to everyone. Pero iba ang kinikilos ni Cydric noong may nangyari sa amin. Kahit matagal na napanahon ang dumaan..RAMDAM KO PARIN ANG KAKAIBANG SENSASYON SA KANYA..Gosh! Ginayuma kaya n'ya ako?"

Ilang oras ang lumipas may dumating na isang sasakyan. Alam ni Donna na dumating na ang asawa dahil nakita n'ya ang liwanag sa may bintana at ang ingay ng kotse.

BLAG

Isang malakas na pagsara ng pinto ng kotse ang narinig ni Donna. Alam n'yang lasing na naman ang asawa nito. Rinig n'ya ang mga yabag ng paglakad nito sa loob ng pamamahay. Bumangon si Donna sa pagkahiga mula sa kama. Alam n'yang nasa labas na ng pinto ng silid ang asawa. Tinungo ni Donna ang pinto upang pagbuksan ang asawa. Nang pumasok na si Ludwig..

IWASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon