Chap. 9

885 87 3
                                    

Chap. 9 

AN : Bilisan ko na ang eksena..

Parang gustong hambalusin ni Donna ang asawa matapos marinig ang sinabi nito.

“Eh di sana nag-asawa ka na lang ng puta; pinahirapan mo pa ang sarili mo. Tarantado ka!”

Bulyaw ni Donna.

Umiling si Ludwig.

“ Alam mo Donna..tulad ng sabi ko sa ‘yo ikaw ang pinakapaborito ko sa lahat. Kaya hindi kita bibitawan at pakakawalan..WALA KANG KAWALA SA AKIN DONNA..WALA.” Sabay ang pagtalikod ni Ludwig.

Masamang titig ang makikita sa mga mata ni Donna.

Mga bandang tanghali may dumating na panauhin sa bahay nina Donna. Dumating si Vicky.

“Vicky, mabuti at napadalaw ka.” Masayang sinalubong ni Donna ang kaibigan.

“May pinuntahan kasi ako sa Assuncion kaya naisipan kong dumaan dito.” Sabi ni Vicky. Niyaya Donna na pumasok sa loob ng bahay si Vicky,

“Ganda naman pala ng bahay n’yo. Moderno ang designs.” Ang sabi ni Vicky habang iniikot ng mga mata nito ang buong paligid.

“Nasaan ang magaling mong asawa?” Tanong ni Vicky kay Donna.

“Umalis kanina.”

“Don, wala ba kayong balak na magkaanak ni Ludwig? Kasi sayang naman ang pagsasama ninyo kung wala kayong mga chikiting.”

“Wala akong balak na bigyan s’ya ng anak.”

“Ha? Pero bakit?”

“Hindi ko kayang sagutin ang tanong na ‘yan..basta ayaw ko.”

“Ang labo mo naman.”

“Vic, I have my reasons. At this point, I can't tell you. Darating din ang araw na malalaman mo.”

“Ang ibig sabihin ba n’yan ay may pinuprotektahan ka? sa sarili mo? O ibang tao?”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Donna, kilala kita. It’s okay kung sarili mo ang pinuprotektahan mo. Kahit sino naman siguro kung katulad ni Ludwig ang ugali..mas pipiliin na lang makipagrelasyon sa bakla o sa tulad nating lesbiana. Tsaka, ba’t ka nga ba nagtitiis sa hinayupak na ‘yon? Wala namang ginagawa kundi palamunin mo.”

“Shhhhh..tumigil ka nga.” Saway ni Donna sa kaibigan.

“Saan na nga pala si Cydric?”

“Ahh..nasa bahay nila..malapit lang dito sa amin,”sagot ni Donna.

“Sayang ang kumag na ‘yon..super gwapo pero kalahating EBA at ADAN. Teka, may narinig nga ako ng balibalita eh..ito palang si Cydric eh..may erectile dysfunction. ”

“Owwww...saanmo naman nabalitaan?”

“Sa mga kaibigan kong beki...”

“Ibig sabihin nun walang lakas si Cydric kung sakaling mag----?”

“Walang buhay syempre..AATRAS ANG ALAGA N’YA..KUNG BAGA SA SUNDALO —SURRENDER AGAD HINDI PA NAKARATING SA LINE OF DUTY.”

Napataas ng kilay si Donna.

DONNA’S POV

Eng? Malinaw pa sa isipan ko noon..walang deperensya si Cydric. Lalaking lalaki si Cydric. Kung may erectile dysfunction s’ya may dahilan kaya?

IWASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon