Chap. 2 DONALD MONTREAL

1.4K 93 15
                                    

( Eksena nina Cydric at Donald sa talon )

DONALD'S POV

Matapos ang nakakapagod naming activity ni Cyd, pakiramdam ko naubos ang buong lakas ko. Naidlip ako ng sandali. Alam kong napagod din s'ya. Nagising na lamang ako nang marinig ko ang tibok ng kanyang puso..

DUB DUB DUB DUB..

Nakahilig pala ako sa kanyang dibdib. Napabangon agad ako. Kitang kita ko ang buong katawan ni Cydric. Agaw pansin sa akin ang kanyang sandata. Lupapay na rin at tila isang uod na nawalang kain. Gusto kong humalakhak pero naisipan kong baka magising pa si Cydric.

Kinuha ko ang kanyang mga damit at inilagay sa isang tabi. Sumagi pa nga sa isipan ko baka may mapagawi sa lugar na 'yon at makita s'yang nakahubad. Kaya naisipan kong takpan ng t-shirt n'ya ang kanyang sandata na walang malay.

Dahan dahan akong tumayo at nagbihis. Sumulat ako sa isang kapirasong papel. Inilagay ko sa isang tabi at pinatungan ko ng bato upang di malipad ng hangin. Kinuha ko ang bisikleta at umalis sa lugar na 'yon. Alam kong, naghihintay na sa akin sina Papa at Lola upang ihatid ako sa Santa Catalina.

Dumating ako sa bahay at nakita kong naghihintay sa sala sina Lola at ang aking ama.

"Saan ka ba nanggaling?"

Tanong sa akin ni Papa.

"Namasyal lang po."

"Magbihis ka na at aalis na tayo, ngayon din." Dugtong ni Papa.

Agad akong pumanhik sa hagdan at tinungo ang aking silid upang magpalit ng damit. Nakahanda na rin ang mga gamit kong daldahin. Patapos na rin ang bakasyon kaya kailangan ko nang bumalik ng Santa Catalina dahil doon ako nag-aaral. Siguro naman, hindi magkakainteres si Cydric sa akin na hanapin ako at alamin kung na saan ako naruruon.

---------------------------------------------------

Nang dumating si Donald sa Santa Catalina, agad n'yang tinawagan ang kanyang mga katropa. Minsan pa, muli silang nagkitakita sa bar.

"Donald, kumusta ang bakasyon mo?"

"Hoy, meron akong balita sa inyo." Nakangiti pa si Donald na ibinalita sa kanyang mga barkada.

"Ano?" Mukhang excited ang lahat ng katropa ni Donald.

"I'M NOT A VIRGIN ANYMORE."

"Holy Shit!" Napasigaw ang ilan sa mga kaibigan ni Donald.

"What the ****!"

"Donald...Sinong lumapastangan sa 'yo?"

"Dude, niRape ka? O ikaw ang gumahasa?"

Kasunod ng tawanan ng lahat.

"Mga ulol! Syempre sa panibagong level na ako ng buhay. Alangan namang sa ISANG SEX TOY lang magtyatyaga at hanggang pantasya na lang ako. Gusto ko ring maranasan 'yong mga katulad ng ginagawa n'yo."

"Waaaaa...totoo ba 'to?!"

Muling nagtawanan ang lahat.

"Eh sino namang nakabinyag sa 'yo?"

Napatigil si Donald. At nawala ang ngiti sa labi.

"Secret na lang." Tanging sagot ni Donald.

"Ang daya mo naman."

"Mmmmmm...basta hindi na importante 'yon. Pareho lang kaming virgin eh." Dagdag ni Donald.

"Wow! Nagbinyagan kayo..Ganun?" Muling nagtawanan.

Tumango si Donald.

"Naku, may proteksyon ka ba?"

"Oo naman. Syempre, kailangan 'yon. Mahirap na malagay sa alanganin." Sagot ni Donald sabay hawak ng batok n'ya.

IWASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon