Chap. 8

944 86 1
                                    

Chap. 8

Gulat na gulat si Donna sa ginawa ni Cydric. Hindi n'ya nagawang kumilos.

"Bye, Don." Agad umalis si Cydric. Parang blangko ang utak ni Donna. Narinig na lamang n'ya ang tunog ng kotse saka..

"Cyd..." Hinabol ni Donna si Cydric ngunit mabilis itong nakalayo.

"Shit!" Napamura pa si Donna. Pumasok s'ya sa loob ng bahay at kinuha ang cell phone. Tinawagan n'ya si Cydric..

( Hello..)

"Cyd..sumusobra ka na! Hindi na nakakatuwa 'yong ginagawa mo."

( Mmmm..parte ito ng secret natin. )

"Tarantado ka talagang bakla ka!"

( Chooss! For your information, gumanti ka rin sa halik ko. Ni hindi mo nga ako sinapak, di ba? It means to say you like it, too.)

"Tang *** mo! Ang sarap mong tadyakan.."

( Mamatay ka sa inis..)

"Pag nakita kita..gagawin kong puwet ng manok 'yang labi mo."

Isang malakas na tawa lamang ang narinig ni Donna sa kabilang linya. Kaya sobrang asar ni Donna ay pinatay ang cell phone.

"Walang hiyang bakla! Traidor.." Singhal ni Donna.

------------------------------------------------

Isang oras ang lumipas..habang sinusubukang buuhin ni Donna ang puzzle..dumating si Ludwig. Pumasok si Ludwig sa loob ng bahay at si Donna agad ang unang hinanap ng kanyang mga mata.

"Sir, dumating na po pala kayo.." Sabi ni Rosy. Tila walang narinig si Ludwig at agad tinungo ang balcony. Doon inabutan n'ya si Donna na mag-isang binubuo ang puzzle.

"Hello, Hon." Sabi ni Ludwig habang papalapit sa asawa.

Napatingin naman si Donna.

Lumapit ang asawa at hinalikan ang pisngi ni Donna.

Napatingin si Ludwig sa puzzle.

"Mag-isa ka lang ba na gumagawa n'yan? Nasaan si Cydric?" Tanong ni Ludwig sa asawa.

"Umuwi na kanina." Sagot ni Donna.

Napatingin si Ludwig sa asawa.

"Don, anong ginawa mo sa loob ng 2 araw na wala ako?"

"Wala." Hindi umamin si Donna.

"At si Cydric?"

"Sinamahan lang n'ya ako dito."

Nahalata ni Donna na tila naghihinala ang asawa.

" You know what, I feel something wrong with Cydric. I just can't explain. It seems like HE'S AN ANGEL IN DISGUISE."

"Why?"

" It's my instinct. I smelled something fishy..the way he stared at you. And I don't like it."

"You're paranoid." Agad umiwas ng tingin si Donna sa asawa.

"Hey, I just want to warn you...Alam kong bakla s'ya..pero sa oras na may makita akong hindi kanais nais sa kilos n'ya..I WILL BURY HIM ALIVE."

Umirap lang si Donna.

----------------------------------------------

Gabi...Mahimbing na natutulog ang mag-asawa nang tumunog ang cell phone ni Donna. Mabuti na lang at hindi nagigising si Ludwig. Tinignan ni Donna ang cell phone..at nakita n'yang tumatawag si Cydric.

IWASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon