Chap. 10 LUDWIG'S SECRET 1

909 80 6
                                    

Chap. 10

Tinulak ng bahagya ni Donna si Cydric.

“Cyd, ang minsan nating nagawang mali h’wag nating dagdagan. Alalahanin mo sekreto natin ‘yon. Pangalagaan mo naman ang sarili mo.”

“At ano? Hahayaan kitang saktan n’ya. Donna, mali na kung mali. Kailangan mo ring iligtas ang sarili mo.”

“Cydric, Pwede ba h’wag mong pasukin ang masalimuot kong buhay kay Ludwig.”

“Donna..seryoso ako.”

“Cyd..ayaw kong masaktan ka ni Ludwig.”

“Pwes, ayaw ko ring masaktan ka n’ya dahil Mahal kita.

Napatakip ng mukha si Donna.

Hinawakan ni Cydric ang balikat ni Donna.

“Hindi lahat ng mali ay mali..hindi lahat ng tama ay tama..Mali kung susundin mo ang batas ng tao..Tama kung iisipin mo ang sarili mo dahil gusto mong maging ligtas ka. Mali kung hahayaan mong saktan ka nya habang meron namang ibang paraan para lumaya ka.”

Napayuko si Donna at muling napaiyak. Napayakap si Cydric sa kanya at sinabing..

“Hindi na kailangan pa ng mahabang paliwanag Donna..walang pagkakaiba ang nararamdaman ko sa normal na lalaki..walang pagkakaiba sa ibang babae ang nararamdaman mo..GANITO TAYO ISINILANG...WALANG MALI SA ATING DALAWA.”

“Cyd..ano bang napasok sa utak mo..Cyd, naman hanggang ganito nalang tayo..pwede? Walang mararating ang lahat. Tahimik ang buhay mo.”

Umiling si Cydric..

“No...not this time..”

“Cyd, please..umalis ka na lang dito.”

“Binalik ako dito ng pagkakataon..hindi pwedeng sayangin.”

Narinig na lang nila nang may humintong sasakyan sa labas.

“Cyd, nandyan na s’ya. Please pretend that you don’t know anything.”

Napakuyom ng kamay si Cydric.

Naupo sina Donna sa sofa nang pumasok si Ludwig.

“Hello, Cyd.” Bati ni Ludwig na tila normal lamang ang kilos. Lumapit ito sa asawa at hinapit ang baywang ni Donna.

Sabay hinalikan si Donna sa harap ni Cydric,

“ You taste sweet, Honey.” Sabi nito. Nagkatitigan lamang sina Donna at Cydric.

“Donna, I have to go.” Malumanay na boses ni Cydric.

Tumango si Donna.

Nang hinatid ni Donna sa pinto si Cydric..Nagkataon namang umakyat si Ludwig.

“Magkita tayo sa talon mamaya..hihintayin kita doon..” Pabulong na sinabi ni Cydric.

-------------------------------------------

Hapon..

Pumuslit si Donna sa labas ng bahay, ginamit n’ya ang bisikleta at tinungo ang talon. Doon nakita n’yang naghihintay si Cydric.

DONNA’S POV

Tama ba itong ginagawa ko? Naguguluhan ako. May parte sa isip ko na gusto kong lumaya ngunit natatakot ako sa mga gagawin ni Ludwig. Bakit ganito? Mas gusto kong makasama si Cydric..Nakakalimutan ko ang tama at mali tuwing s’ya ang kasama ko.

Nagmadaling lumapit si Cydric kay Donna.

Tila may isip ang mga kamay nila..Pareho silang napayakap sa isa’t isa.

“Cyd,bumalik ka na sa inyo at kalimutan natin ang lahat.”

“Paninindigan ko ito Donna..”

“Cyd, bawal maglaro ng apoy. Lalaya akong mag-isa sa kanya.”

“Lalaya ka sa kanya kung patay ka na! ‘Yan ang mga nakikita ko sa mga kilos n’ya.”

Napasinghap si Donna. Naupo sila ni Cydric sa isang malaking bato. Pinasandig ni Cydric ang ulo ni Donna sa kanyang balikat. Inakbayan nito at hinawakan ang kamay ni Donna.

“I love you, Don.. I save my love for you. ” Hinalikan ni Cydric ang ulo ni Donna.

Ngumiti si Donna. Isiniksik nito ang ulo sa leeg ni Cydric. At nagdesisyon ni Donna..

“Hindi ko mapapatawad ang sarili ko Cyd, kung masasaktan ka ni Ludwig.” Bulong ni Donna.

“Bakit s’ya pa ang pinakasalan mo? Hindi mo ba nakita ang tunay na ugali n’ya bago ka nagdesisyong pakisamahan s’ya?”

“Pinagbigyan ko si Papa sa kahilingan n’ya. Matagal nang may gusto si Ludwig sa akin noon..kaso nga lang hindi natutuloy ang panliligaw n’ya dahil hindi ko binibigyan ng pansin. Tsaka, hindi ako interesado sa kanya. Nawala si Ludwig mga ilang taon din. Hanggang, dumating ‘yong panahon na hinanapan ako ng mapangasawa nina Kuya Nick. Nakarating ang balita sa pamilya ni Ludwig. Palibhasa kaibigan nina Kuya si Ludwig, pinagkatiwalaan nila na mabuting tao ito kaya natuloy ang pagpapakasal ko sa kanya.

Mabait naman s’ya sa akin noong una. Pero may natuklasan ako, Cyd... ”

“Anong natuklasan mo?” Interesadong malaman ni Cydric.

Nagsimulang magkwento si Donna...

“Naglilinis ako noon ng bahay..Wala si Ludwig dahil may nilakaran sila nina Kuya. Madalas silang pumunta ng Santa Catalina. Habang naglilinis ako ng silid, binuksan ko ang aparador namin. Inayos ko ang mga damit ni Ludwig. Nang hinila ko ang mga damit may nahulog na isang brown envelope. Pinulot ko at tinignan ang nakapaloob. Nasindak ako sa aking nabasa..Galing ang brown envelope sa isang Psychiatric Hospital.

Nakasaad sa papel na may sakit si Ludwig sa pag-iisip. Mataas ang obsesyon n’ya sa sex. Pinakasalan lamang n’ya ako upang pagtakpan ang katotohanan. Hindi ko alam kung may ibang bagay pang ginagawa si Ludwig na hindi normal. Noon ko rin nalaman, na ilan sa mga kamag-anak ni Ludwig ang meron ding ganitong kondisyon. Wala s’yang pakiramdam kapag inaatake s’ya ng kanyang sakit.. Kaya hindi rin s’ya makapag trabaho dahil kahit anong oras pwede s’yang magwala at magalit ng husto. Hindi ko nagawang isumbong kina Kuya dahil nga't nag-aalala ako baka ano pang magawa ni Ludwig kung sakaling ipaghiwalayin kami nina Kuya.”

“Then you have to prepare yourself anytime. H’wag kang magtiwala sa kanya.”

“Cyd, ayaw kong dumating sa punto na matuklasan n’ya ang tungkol sa nakaraan natin.”

“I’ll find a way to save you.”

“Cyd, hindi mo alam ang pinagsasabi mo.”

“Donna, WALANG MALI. MALI KUNG PATULOY MO IKUKULONG ANG SARILI MO SA KANYA.”

“He’s obsess with me.”

“His obsession will kill you.. Ayaw kong makita kang sinasaktan ka n’ya. ”

Napailing si Donna.

“Gusto mo tumakas na lang tayo? Sumama ka na sa akin. ” Sabi ni Cyd.

“H’wag nating gawing komplikado ang lahat.” Sagot ni Donna.

Hinawakan ng dalawang kamay ni Cydric ang mukha ni Donna.

“Sabihin mo sa akin ang nararamdaman mo Donna.. KAHIT MAGIGING BUHOL BUHOL ANG BUHAY KO HINDI AKO NATATAKOT.”

Hindi nakapagsalita si Donna..

“Cyd..natatakot ako...pero..” Hinawakan ni Donna ang mukha ni Cydric at hinalikan ng biglaan.

“Your love is my haven..” - Donna

 ----------------------------------------------------------------------------------------------------

AN : BITIN

IWASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon