Chap. 15 FLAME

980 78 2
                                    

Chap. 15

Nakanganga lamang sina Cydric at Oliver nang sumama si Donna sa mga Security Guard.

"Cyd, malalim na explanation ang kailangan ko sa 'yo? Hindi absorb ng utak ko ang nangyayari ngayon." Pinapaypayan pa ni Oliver ang sarili.

"Gaga! What you see is what you get." Sabay pamaywang ni Cydric.

Hinila ni Oliver si Cydric at naglakad silang palayo. Pumunta sila sa dalampasigan.

"Game. I'm ready to listen. Now, tell me what's going on. Totoo ba lahat ang pinagsasabi ninyo o isa lamang kadramahan ito."

"Oli, I said we're in a relationship. WE'RE IN LOVE, OKAY. I mean, that's not a big question anymore."

"Ayyy! Lola anong nakain mo? Saan ang brain? Pakiexplain."

"Matagal na namin kilala ang isa't isa. Oli, may nangyari na sa amin noon. Hindi ko pa man tanggap ang pagiging bakla. Nagsimula ang lahat sa isang laro. Nagawa namin ang isang bagay na..hindi namin dapat ginawa. Hindi ko alam kung bakit natukso ako sa kanya..Siguro, marahil dahil hindi ako sigurado sa kasarian ko. Alam kong isa na s'yang Lesbiana noon pa man.

Matagal na panahon na iniiwasan ko talagang mapadaan sa San Isoldor. Kasi naaalala ko s'ya. Pero hindi nating masasabi ang takbo ng panahon..muli akong bumalik doon. At nagkita kami. Akala ko kinalimutan n'ya na ako..hindi rin pala. Matagal na panahon na inilihim namin ang nangyari sa amin. NGAYON NAMIN NAPATUNAYAN..MAHAL NAMIN ANG ISA'T ISA..KAHIT MAGING MALI NA. HINDI NAMIN KAYANG BITAWAN ANG MERON KAMI NGAYON. PAGBAWALAN MAN NILA KAMI..GAGAWA AT GAGAWA KAMI NG PARAAN NA MAGSAMA.

Oli, sabihin mo man sa akin na KATANGAHAN..KASALANAN ITONG NANGYAYARI. PERO KINAKAILANGANG ITULOY KO ANG LAHAT NG ITO. KAILANGAN AKO NI DONNA UPANG MAKALAYA SA ASAWA N'YA."

Napakunot ng husto ang noo ni Oliver.

"Ang ibig mong sabihin..totoo ang mga balibalita na hindi masaya si Donna sa asawa n'ya? Bakit naman?"

"SINASAKTAN N'YA SI DONNA. MERONG MENTAL ILLNESS SI LUDWIG."

"What?!! OMG!"

"Nakita ko na minsan ang mga tinamong pasa ni Donna kay Ludwig."

"Eh, ba't hindi isumbong ni Donna sa mga kapatid at magulang n'ya? O kaya lumayas s'ya?"

"Hindi magagawa ni Donna 'yon. Iba ang pinapakita ni Ludwig sa harap ng pamilya ni Donna. Merong obsesyon si Ludwig sa kanya. At isa pa, kaibigang matalik ni Ludwig ang mga kapatid ni Donna. Hindi nila pinapakinggan si Donna dahil paniwalang paniwala sila na matinong tao si Ludwig. Alam kong may kinatatakutan si Donna sa kinikilos ni Ludwig."

"Yon naman pala. Ba't pati ikaw dinamay n'ya sa problemang ito?"

"Ginusto namin itong pareho."

"Cyd, wala ka paring kadala dala. Kung anu-anong problema ang pinasok mo."

Napangiti si Cydric..naaalala n'ya ang mga nangyari sa buhay n'ya. Hindi n'ya pinagsisisihan ang lahat na dinanas n'ya.

Maliwanag sa isipan n'ya ang..

Pagtulong n'ya sa kanyang pinsan na magkaroon ng anak..

( MY BABY COST 10 MILLION STORY )

Ang pagpanggap n'ya na bilang asawa ng kanyang kaibigan na si Grayzyl..

( Mr. & Ms. Gray Story )

Lahat sila naging parte si Cydric sa mga buhay nila..Naayos ang mga problemang kinasangkutan n'ya..pero ngayon sa kanyang kalagayan..sa sarili n'yang kwento sa buhay..hindi n'ya alam kung MAAYOS BA.

IWASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon