Chap. 22

806 74 7
                                    

Chap. 22

Dinala si Cydric ng mga kasambahay nito sa mansyon ng mga Madrigallanes at ginamot ang mga sugat at galus na tinamo sa magkapatid na Montreal.

"Senyorito, mabuti pong h'wag na muna kayong mamalagi dito sa mansyon. Mainit po ang mga Montreal sa inyo. Hindi natin alam kung baka pati ang pamilya Pregio ay makikialam narin."Sabi ng isang katulong.

Ilang sandali lang ang lumipas may dumating na isang sasakyan sa tapat ng mansyon.

"Senyorito, dumating po ang ama ni Donna. Nasa labas po ng gate. Gusto po daw kayong kausapin." Tawag ng isang gwardia sa intercom.

"Papasukin n'yo." Lakas loob na sinabi ni Cydric.

Pinapasok ng mga taga-bantay ang ama ni Donna. Sinalubong ng dalawang katulong ang ama ni Donna at iginayak sa loob ng bahay.

"Ano po ang kailangan ninyo sa akin?" Panimulang tanong ni Cydric.

"Cydric, ayaw ko ng maraming pasakalye. Nasaan si Donna?"

"Bakit n'yo hinahanap si Donna sa akin?"

"Cydric, sabihin mo sa akin ang totoo kung nasaan si Donna. Ayaw kong magkagulo tayo dito sa San Isoldor."

"Hinahanap ko rin po s'ya." Sagot ni Cydric.

Napapikit ng mga mata ang ama ni Donna. Hindi alam nito kung paniniwalaan n'ya ang sinasabi ni Cydric o hindi.

"Kung hindi mo alam kung nasaan si Donna? Sino ang kasama n'ya? Ikaw lang naman ang karelasyon n'ya." Tila uminit na ang ulo ng ama ni Donna.

"Bakit hindi n'yo tanungin si Ludwig? Hindi n'yo ba alam na mapanganib na tao ang asawa ng anak ninyo?"

"Tumigil ka Cydric. Sinisiraan mo lang si Ludwig."

"Alam n'yo ba kung bakit ipaglalaban ko si Donna sa inyo?Dahil gusto ko s'yang lumaya sa kamay ni Ludwig. Baliw si Ludwig."

"Tumigil ka! Wala kaming nakikitang kakaiba kay Ludwig. Mabuting tao si Ludwig. Ang lahat na paratang n'yo ni Donna ay gawa gawa lamang ninyo..para ano? Matupad ang plano n'yong magsama. Kahit mali."

"Nagsasabi ako ng totoo. Nahihirapan si Donna kay Ludwig. Sinasaktan n'ya si Donna."

"Stop it!" Bulyaw ng ama ni Donna.

Tumigil si Cydric.

"Hindi kita gusto para sa anak ko..At kahit maghiwalay sina Ludwig at Donna ng dahil sa 'yo..hindi ko ibibigay si Donna."

"Fine, Mr. Montreal. Mag-unahan nalang tayo na makita si Donna. Dahil sa oras na matagpuan ko s'ya. Hindi n'yo s'ya makukuha sa akin."

Akmang susunggaban ng ama ni Donna si Cydric ngunit agad pumagitna ang ilang tauhan upang awatin si Mr. Montreal. Umuwi ang ama ni Donna na umaapaw ang galit kay Cydric.

Parang naupos na kandila si Cydric nang iwanan s'ya ni Mr. Montreal. Lalo s'yang nag-aalala kung nasaan si Donna. Naisipan ni Cydric na bumalik ng Santa Catalina; baka sakaling may isa sa mga kaibigan ni Donna ang makakapagturo sa kanya kung nasaan ito.

----------------------------------------------------

Muling dumaan ang mga araw; habang patuloy lumalaki ang tiyan ni Donna..

"Ms. Montreal, lalaki po ang magiging anak ninyo." Ang sabi ng doktor. Agad binigyan ng litrato ng bata si Donna ng doktor.

"Ang gwapo naman yata ng magiging anak mo, Don. Ang tangos ng ilong." Nakita rin ni Vicky ang kuhang larawan.

IWASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon