Chap. 5

941 89 5
                                    

Chap. 5

Sa loob ng 3 taon na nagsasama sina Ludwig at Donna; pakiramdam ni Donna nagsasama sila ni Ludwig sa papel lamang. At 'yon ay batid ni Ludwig. Gustong takasan ni Donna ang kanilang pagsasama ng asawa ngunit na ngangamba s'ya sa posibleng mangyayari. Ngunit umaasa parin si Donna na darating ang araw na lalaya rin s'ya sa buhay na pinasukan n'ya.

Buo ang loob ni Donna nang tinanggap noon ang pagpapakasal kay Ludwig. Inisip n'ya noon ang kaligayahan ng kanyang ama. At naniniwala si Donna na natututunan ang pagmamahal kahit pa sabihing isa s'yang lesbiana; may puso s'yang babae na hindi n'ya pwedeng ipagkaila..ngunit ang lahat ng 'yon ay taliwas sa kanyang inaakala...

Tulad ng dati maagang nagigising si Donna. Magluto at maghanda ng makakain ang unang ginagawa sa umaga. Meron naman silang katulong ngunit hindi hinahayaan ni Donna na tumira sa loob ng kanilang bahay. Dumarating lamang ang katulong tuwing alas-syete ng umaga kasama ang asawa nito na kanilang driver. At tuwing alas-syete naman ng gabi umuuwi ang mag-asawa.

Naglalagay na ng makakain si Donna sa mesa nang..

"Mmmmmm..ang sarap naman ng ulam natin. Mapapakain ako ng marami nito." Nagitla si Donna sa isang yakap mula sa kanyang likuran..Ramdam n'ya ang pag-amoy ng asawa sa kanyang buhok.

"Mmmmm..Pero sa tingin ko mas masarap ka pa sa ulam na niluluto mo, Hon." Bulong ni Ludwig.

"Ludwig, pwede ba h'wag na sa mga oras na ito darating na ang katulong natin." Sagot ni Donna.

"Natatakot ka? Bahay natin ito. We can do what we want." Sabi ni Ludwig habang nakayakap parin sa asawa.

"Ludwig..mahiya naman tayo.."

"Well, I don't care. If I want to do it with you..then...you have to obey me. Or else ..you know what will happen.." Bulong nito.

Agad itinaas ni Ludwig ang laylayan ng damit ni Donna. Pinigilan agad ni Donna. Iniisip n'ya ang paparating na mga kasambahay.

"H'wag mo akong pigilan Donna...C'mon!" Kinalakad si Donna ni Ludwig at ipinasok sa isang bakanteng silid..

"No!" Pilit inaalis ni Donna ang kamay sa pagkahawak ng asawa.

BLAG

Agad sinaraduhan ni Ludwig ang pinto. Binalibag si Donna sa kama. Ngunit..

"Um!" Isang malakas na tadyak sa tiyan ang ibinigay ni Donna.

"Shit! Ano ba?! Donna, sa loob ng ilang taon tayong magkasama wala tayong matino na pagtatalik!" Sigaw ni Ludwig.

"Ludwig..WALANG MATINO SA 'YO!!"

PAK PAK PAK

Sunod sunod na sampal ang tinamo ni Donna...Sabay na dinaganan ni Ludwig ang asawa. Nagpupumiglas si Donna. Hindi na magawang kumilos ni Donna dahil hinawakan na ng mahigpit ni Ludwig ang kanyang mga kamay.

"Let me tell you this..I LOVE SEEING YOU IN PAIN...Kaya h'wag ka nang pumalag.."

"You bastard!"

Mabuti na lang...

"Maam...Maam.." Narinig ni Donna ang boses ng katulong nila.

"Shhhhh..h'wag ka nang sumagot." Sabi ni Ludwig.

"Maam...Maam.." Patuloy parin ang katulong tila nasa labas lamang ng silid.

Nakita ni Ludwig na parang nababahala si Donna kaya umalis ito sa ibabaw ni Donna. At nahiga na lang. Agad bumangon si Donna at inayos ang sarili. Dali dali s'yang lumabas ng silid.

"Good Morning Maam.." Nagitla ang katulong nang makitang lumabas si Donna sa silid. Ngumiti lamang si Donna.

"Maam..napano po ang mukha ninyo?" Tanong ng katulong.

IWASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon