Chap. 19

786 74 0
                                    

Chap. 19

Hindi makapaniwala si Vicky sa narinig mula sa kaibigan.

“Alam na ba ng pamilya mo ang tungkol sa tunay n’yang pagkatao?”

“Hindi. Walang alam sina kuya at Papa. Ang mga psychopath na katulad n’ya ay magaling magsinungaling. Wala siyang pakiramdam. Noon pa man, marami na akong nahahalata sa kanya. Ang pagiging makasarili n’ya; ang pagiging bayolente n’ya; kadalasan iniisip n’ya na mas matalino s’ya sa kahit sino man. Wala s’yang kapaguran; ayaw n’ya tanggapin ang kanyang pagkakamali; madalas s’yang gising sa gabi. Ilan lamang ‘yan sa mga ugali ni Ludwig.”

“Paano ‘yan buntis ka? Anong gagawin mo?”

“Hindi ko alam.”

“Donna, malaking gulo ang haharapin mo.”

Huminga ng malalim si Donna..napapaisip s’ya kung anong gagawin n’ya.

-------------------------------------

Habang pabalik sila ni Rosy sa bahay..

“Rosy, ang narinig mo kanina sa usapan namin ni Vicky ay ilihim mo. Nag-iisip pa ako kung anong gagawin ko.”

“Maam, mabuti pa tumakas na lang ho kayo. Sumama kayo kay Sir Cydric.”

“Rosy, hindi. Paano kung kay Ludwig talaga ang dinadala ko. Karapatan ni Ludwig na malaman.”

“Eh, paano naman po kung kay Sir Cydric?”

“Ipagdasal ko na lamang na hindi malalaman ni Ludwig. At hinding hindi ko ipapaalam kay Cydric. Dahil alam kong hindi papayag si Cydric na di makuha ang bata. Magkakagulo parin.”

‘Pero Maam, hindi po ba may sakit si Sir Ludwig sa utak..paano kung mamanahin ng bata?“

“Rosy, walang kasiguraduhan ‘yan. At kung magkaganun man, gagawa ako ng paraan na maging maayos at normal ang buhay ng anak ko. Habang maaga pa ipapagamot ko ang bata.”

Ngunit may naiisip na ibang paraan si Donna.

“Rosy, paano kaya kung aalis na lang muna ako? Habang hindi pa alam nina Cydric at Ludwig ang pagbubuntis ko. Babalik na lang ako kung malalaman ko na kung sino sa kanila ang ama.”

“HO?!”

“Ayaw kong malaman nila ang tungkol sa pagbubuntis ko.”

“Maam mali naman yata ang iniisip n’yo.”

“Kung sakaling kay Cydric ang batang ito..ibibigay ko kay Cydric. Alam kong kukunin ni Cydric ang bata. Mahalaga ito para sa kanya. At isa pa, ayaw kong malaman pa ni Ludwig na nagbunga ang kataksilan ko sa kanya. Mabuti pang wala s’yang alam. Saka ko nalang iisipin kung paano ako makakalaya ng tuluyan. Importante ligtas ang bata.”

IWASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon