EPILOGUE

1.7K 134 55
                                    

EPILOGUE

Hindi makapaniwala si Cydric sa babaeng nakita sa loob ng bahay. Dahan dahan s'yang humakbang.. Hindi s'ya makapaniwalang nakikita n'ya si Donna na buhay kasama ang kanilang anak..

"Cydric.." Tumayo si Donna at lumapit sa kanya. Napaiyak bigla si Donna nang muli silang magmakita.

Agad nagyakap ang dalawa. Sabay silang napapaiyak ng husto.

"Don..akala ko hindi na kita makikita?" Garalgal na boses ni Cydric.

"Cyd, nilabanan ko ang lahat ng sakit na dinanas ko..hindi ako pwedeng sumuko." Humagulgol si Donna. Maging si Vicky ay napapaiyak sa isang sulok.

"Paano nangyari ito? Akala ng lahat patay ka na?" Tanong ni Cydric habang pinupunasan ang mga luha ni Donna.

FLASHBACK

Agaw buhay si Donna nang dalhin sa hospital. Halos hindi alam ng kanyang mga kapatid at ama kung anong gagawin upang mailigtas si Donna.

"Please, help her." Sabi ng ama ni Donna sa doktor.

"Don't worry, Sir. We will do our best."

Matagal ang operasyon sa loon ng emergency room. Lahat at nangangamba sa mangyayari kay Donna. Alam nilang maraming dugo ang nawala kay Donna at maliit lamang ang tsansang mabubuhay s'ya.

"Dios ko, tulungan ninyo ang anak ko.." Paulit ulit na sinasambit ng ama ni Donna.

Habang ang kanyang mga kapatid ay napapaiyak na sa isang tabi. Hindi nila alam kung anong sasabihin. Nararamdaman nila ang pagsisisi na ipinagkasundo nila ang kanilang kapatid sa taong naging sanhi ng paghihirap nito.

"Donna, I'm sorry..." Bulong ni Darson.

Habang sina Nick at Gregory ay hindi na mapakali sa kinauupuan.

Tumagal ang operasyon ni Donna ng ilang oras..

Hanggang..

"Mr. Montreal..this is a miracle. The operation was successful..." Hindi paman natapos ang sinabi ng doktor napatayo ang ama ni Donna at napayakap sa mg anak nito.

Ipinasok si Donna sa loob ng silid nito. Bagamat walang malay si Donna pinagbawalan ng ama nito ang tumanggap ng mga bisita. Inilagay si Donna sa isang pribadong silid.

Sinamantalang tinungo ng ama ni Donna at mga kapatid nito si Doña Elisa habang wala pang malay si Donna sa hospital.

"Anong kailangan ninyo?" Tanong ng matanda.

"Nandito kami upang pag-usapan natin ang lahat." Sabi ng ama ni Donna.

"Makikinig ako."

IWASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon