Chap. 11

929 83 2
                                    

Chap. 11

Bumalik si Donna sa bahay nila. Inabutan n’yang nakaupo sa balcony ang asawa at tila may iniisip.

“Saan ka nanggaling, Don?”

“Sa may talon. Gusto ko lang mapag-isa.”

“Merong dumating na imbitasyon para sa atin. May dadaluhan tayong party sa makalawa. Mag-ayos ka naman ng mabuti para hindi tayo pagtawanan. Ayaw kong may masabi ang mga tao sa atin.”

Umirap lamang si Donna.

Sa pamamahay ng mga Madrigallanes..

“Sir, merong imbitasyon po ipinabibigay sa inyo.”

Binasa ni Cydric ang invitation card.

SAN ISOLDOR BALL

Napangiti si Cydric alam n’yang darating sina Donna at Ludwig sa party na ‘yon. Dahil nakita n’ya ang pangalan ng mag-asawa sa listahan ng main sponsors.

“Ramrampa na naman si Donna bukas. I wonder what’s she going to wear? Mabuti pang matawagan baka sakaling wala s’yang taste sa fashion ng mga babae.”

(Hello. )

“ Donna, rarampa ka pala sa party..meron ka nabang stylist?”

( Bakla, hindi ko na kailangan ‘yan. )

“Gaga, anong gusto mo mukha kang eng-eng? I want you to look good.”

( No need. )

“Magpapadala ako ng stylist d’yan. Kung wala ka pang susuotin magpapadala rin ako.”

( Meron akong susuotin. At h’wag kang mag-alala keri ko ang girly look. )

“Eh papano ang lakad mo?”

(‘Yon lang wala akong guts. )

“Ha ha ha ha ha ha..gusto mo padalhan din kita ng CATWALK INSTRUCTOR?”

( Cydric, tumigil ka na! Kakalbohin na kita. )

“Choooss! Love kita kaya concern ako sa ‘yo.”

( Yikes! kinilig ako sa ‘yo Bakla! )

“Yong byuti ritual h’wag kalimutan.”

( Ikaw anong outfit mo sa party? )

“Syempre casual looks, ganun lang kasimple. Gentleman ang dating.”

IWASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon