Chap. 21

787 76 2
                                    

Chap. 21.

LUDWIG’S POV

Ipapanatag ko ang sarili ko ngayon Donna. Makikipaglaro ako sa ‘yo. Pasasaan ba’t babalik karin dito. Sa oras na mahuli kita; ipapakita ko sa ‘yo kung paano kita durugin ng paulit ulit. ‘Yan ang kabayaran ng pag-iwan mo sa akin. Sinasabi ko naman sa ’yo AKIN KA LANG. WALANG MAKIKINABANG SA ‘YO KUNDI AKO.

Dumating ang mga kapatid ni Donna sa bahay nina Ludwig.

“Wiggy, nababahala na kami sa pagkawala ni Donna. Kailangan na nating ireport ito sa pulisya.” Diretsahang sinabi ni Gregory.

“Oo, nga. Sa tingin ko makakatulong ito na mapadali ang paghanap sa kanya. Nag-aalala narin si Papa.” Dugtong ni Nick.

“Hindi naman siguro ito kidnap for ransom dahil wala pa naman tayong natatanggap na tawag mula sa mga kidnapper kung meron man.”

-Darson

“Sige, kayong bahala. Sa ngayon, mag-aatas ako ng mga tauhan na maghanap kay Donna.” Kampanteng sinabi ni Ludwig.

“Ipapahanap natin s’ya. Mag-aatas din kami ng taong maghahanap sa kanya. Kung sama sama tayo mas madali nating mahanap kung saan man s’ya naroon.” Dagdag ni Nick.

“Ludwig, wala ba kayong pinag-awayan ni Donna?” Tanong ni Darson.

“No. Everything was fine between us.” Sagot ni Ludwig.

“Do you really love her?” Biglang tanong ni Nick.

“Of course. She’s my wife. For Pete’s sake! Why are asking such question? She’s all I have. No one will stand between us. I accepted her with all my heart. And I won’t allow anyone to hurt her.”

Napaniwala naman ang magkakapatid.

“Paano kung nagkasala si Donna sa ‘yo? Alam mo namang, pwedeng magkagusto si Donna sa isang babae.”

“Look, if she has a relationship with a woman; then it’s fine for me. HINDI NAMAN S’YA MABUBUNTIS SA KAPWA BABAE. AKO PARIN ANG ASAWA N’YA. AT HINDI S’YA MAGTATANGKANG MAKIPAGRELASYON SA ISANG LALAKI, HINDI BA?”

Napalunok ng laway ang 3. Sa isip nina Nick, Gregory at Darson wala pang alam si Ludwig.

Nang umalis ang magkapatid sa bahay nina Donna...

“Gusto kong malaman kung sino ang ama ng dinadala mo Donna. Kung sino man ang lalaking ‘yon ----MALAS N’YA AT NAKIPAGRELASYON PA S’YA SA ‘YO. Ipapakita ko sa kanya kung paano kita dudurugin ng dahan dahan..MAGSASAMA SAMA TAYO SA IMPYERNO. At kung sakaling tama ang kutob ko na may namamagitan sa inyo ni Cydric..SUSUNUGIN KO KAYO NG BUHAY HANGGANG MAGING ABO.”

------------------------------------------

Patuloy ang paghahanap ng mga kapatid ni Donna sa kanya. At maging si Ludwig ay ganun din. Nakarating ang balita kay Cydric tungkol sa paghahanap.

“Nawawala si Donna?”

( Yes, Sir. ‘Yon po ang nasagap naming balita. )

“Bakit n’ya ginawa ‘yon? Pero imposibleng umalis s’ya na walang dahilan.”

( Wala pong nakakaalam kung bakit. Ang balita po namin pinarating na nila sa mga awtoridad ang pagkawala ni Donna. )

Matapos malaman ni Cydric ang balita tila nanghina ang kanyang buong katawan.

“God, saan pumunta si Donna? kailangan makabalik ako ng Pilipinas. Baka sakaling sinaktan s’ya ni Ludwig at tinatago kung saan saan.”

Nagiging negatibo na rin ang iniisip ni Cydric dahil sa pangyayari.

IWASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon