Chap. 14 CYDRIC AND DONNA

889 82 5
                                    

Chap. 14

Dumating sina Donna sa Davao Airport. Muli na naman silang sumakay ng van. Malayo sa syudad ang bahay bakasyonan ni Cydric. Wala mang kaalam alam si Donna sa paligid ngunit hindi s'ya nangangamba. Hanggang sa marating nila ang 300 sq. foot na Bungalow na nakatayo sa isang burol.

"Wow, ayos ang bahay mo. Ang ganda ng location. " Sabi ni Donna habang nakahawak sa braso ni Cydric.

"Yeah, dito ako madalas pumunta tuwing gusto kong makalimutan ang stress ko sa buhay."

Hinawakan ni Cydric ang kamay ni Donna at sabay silang pumasok sa loob ng bahay.

"Maayong adlaw, Sir." ( Magandang araw po. )

Binati agad si Cydric ng mga katulong.

"Pakidala na lang ang gamit namin sa aming mga silid." Utos ni Cydric .

"Cyd, salamat ha. Akala ko kasi iisa ang silid nating dalawa."

"Dios mio! Hoy, ayaw ko nga. Malay ko ba kung may balak kang pagsamantalahan ang katawan ko."

PAK

Isang mahinang batok ang ibinigay ni Donna kay Cydric.

"Ulol! Ako na ang nakauna sa 'yo..Tsaka, wala ka namang biceps para sabihing macho."

"Gaga! Pumupunta ako ng fitness gym. And I have my personal instructor."

"Owww..talaga? Mmmm..sige pakita mo sa akin ang abs mo. Ilang pandesal ang meron sa tiyan mo?"

"Six."

"Ang pangit tignan, Cyd. Macho ang dating mo tapos meron kang anim na pandesal. Yon pala BINABAE ka."

"Anong magagawa ko? This is who I am. Eh, ikaw hour glass ba ang katawan mo?"

"Hoy, Bakla..34- 23 -34 ang katawan ko."

"Talaga...Can I squeeze you?"

"Um!"

"Aray!" Pinitik ni Donna ang noo ni Cydric.

"Tarantado ka! Sinabi ko lang vital statistic ko; nangati ka na naman."

"Hindi naman..Slight lang."

Walang magawa si Donna kundi guluhin ang buhok ni Cydric.

-------------------------------------------

Unang gabi...Naisipan ng dalawa ang mamasyal sa tabing dagat.

"Cyd, ang ganda pala dito. May sinama kana ba na mga babae sa lugar na 'to?"

"Oo."

"Magaganda ba sila?"

"Oo. Mga Dyosang katulad ko."

"Ibig sabihin Dyosa rin ako. Kasi isinama mo ako dito?"

"Honey, you're my Goddess.."

"Chosss! Ang sweet mo naman."

"Eh, ako naman? Ano ako sa buhay mo?" Tanong ni Cydric.

Hindi sumagot si Donna. Kinabahan si Cydric.

"Donna, I'm asking you. Ano ako sa buhay mo? Kung may pagbabago sa nararamdaman mo sabihin mo sa akin..I understand everything."

Napahinto si Donna sa paglalakad. Hinarap nito si Cydric at hinawakan ang mukha. Hinalikan nito ang labi ng bakla at sinabing..

" MY EVERYTHING.."

At muling kinulong ni Cydric si Donna sa yakap at halik. Halos kinapos sila sa hangin nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

IWASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon