Chap. 13

835 80 6
                                    

Chap. 13

Nagpasyang umuwi sina Donna at Ludwig. Nakikita ni Donna na tila umiba rin ang timpla ng mukha ni Cydric. Nagtama ang kanilang mga titig. Nababakas sa mukha ni Cydric ang pagkabahala. Iniwas na lamang ni Donna ang sarili dahil nangangamba s’ya at baka may anong gawin si Darson kay Cydric. Lumapit si Donna kay Darson.

“Kuya, h’wag kang magkakamaling saktan si Cydric..”

“Binabalaan kita Donna, tigilan n’yo itong ginagawa n’yo ni Cydric.” Diinang sinabi ni Darson.

“H’wag kayong makialam.”

“Kung may problema kayo ni Ludwig..ayusin ninyo. H’wag kang gumawa ng kamalian.”

“Pagod na ako sa kanya Kuya..dahil..”

Sasabihin na sana ni Donna sa kapatid ang ginagawa sa kanya ni Ludwig ngunit..

“Hon, let's go.” Agad hinawakan sa braso ni Ludwig ang asawa. Sabay inilayo kay Darson.

Naunang sumakay sina Donna at Ludwig sa sasakyan..uuwi narin sana si Cydric nang pinigilan ni Darson.

“Cydric, nakita ko kayo ni Donna.”

“Anong pinagsasabi mo?”

“H’wag ka nang magmaang maangan..nakita ko kayo ni Donna sa loob ng silid kanina.”

Napataas ang kilay ni Cydric.

“Ibig sabihin sinumbong mo kami kay Lola?”

“Dapat lang. Mali ang ginagawa ninyo ni Donna.”

“At paano ka nakakasigurado na mali ang ginagawa namin? Paano ka nakakasigurado na masaya si Donna kay Ludwig?”

“Kahit sabihin mo pang walang kaligayahan si Donna kay Ludwig..H’wag kang manghimasok sa buhay nila.”

“Mahal ko ang kapatid mo.”

“Tumigil ka! Maghanap ka ng iba..H’wag ang kapatid ko.”

“And if I don’t?”

“Hindi lang ako ang makakalaban mo..maging sina Kuya Nick at Gregory ang makakaharap mo. Gagawing pulbos ni Ludwig ang mga buto mo sa oras na matuklasan n’ya ang kataksilan n’yo.”

“I’m not afraid of him. Gusto kong lumaya si Donna sa kanya.”

“Tarantado ka pala eh!”

BOG

BOG

Sunod sunod na suntok ang tumama kay Cydric.

IWASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon