Chap. 6

892 89 0
                                    

Chap. 6

Naisipang pumunta nina Cydric at Donna sa Santa Catalina. Pumunta sila sa isang Jazz Bar na pag-aari ni Vic/ Vicky. Isang matalik na kaibigan ni Donna. At isa ring lesbiana.

"Victoria.." Tawag ni Donna sa kanyang kaibigan na kasalukuyang nagpupunas ng mga wine glass.

"Oh, himala at napadalaw ka dito sa kaharian ko. Wala si Ludwig ano?" Lumapit si Vicky at niyakap ang kaibigan.

"Oo..kaya nakapuslit ulit. By the way, this is Cydric Madrigallanes. Cyd, this is Vicky." Pakilala ni Donna sa kaibigan.

"Kilala ko na s'ya Donna. Isa sa mga Prinsipe ng mga Madrigallanes ng Assuncion." Agad nakapamaywang si Vicky. Sabay inabot ang kamay kay Cydric.

"Nice to meet you, Vicky." Nakipagkamayan din si Cydric.

Nagulat si Vicky sa boses ni Cydric. At hindi napigilan ang..

"Holy Cow! LGBT ka rin? I thought you're a straight guy..." Napatakip pa ng bibig si Vicky. Ngumiti lang si Cydric.

"So, ba't kayo magkasama?" Tanong ni Vicky.

"Ahmm..magkakilala na kami noon pa man. Bago lang kaming muling nagkita kaya..napag-isipan naming magkaroon ng bonding." Sagot ni Donna; ngunit napakunot ang noo ni Vicky.

"Ganun?"

"Yup."

"Ba't wala kang naikwento sa akin tungkol sa kanya?" Pagtataka ni Vicky.

"Ahh..kasi hindi naman s'ya parating nasa San Isoldor. Tuwing Summer lang s'ya napupunta doon." Paliwanag ni Donna.

Biglang napatingin si Cydric kay Donna. Umalis si Vicky dahil kumuha ng makakain ng dalawa.

"Paano mo alam na umuuwi ako tuwing summer sa San Isoldor?"

"Ahmmm..bakit hindi ba?Totoo naman."

"Lagi akong umuuwi sa San Isoldor dahil nagbabasakali akong magkita tayong muli."

"Ha ha ha ha ha..bakit inisip mo ba baka sakaling maulit muli ang ginawa natin? Cydric, minsan lang 'yon."

"Hindi 'yon ang punto ko. Gusto kong makilala natin ang isa't isa."

"Cyd, tama na. Okay?"

Napabuntong hininga si Cydric. Ang hindi alam ni Cydric..

"Oo, Cyd. Alam kong umuuwi ka ng San Isoldor tuwing bakasyon. Dahil nakikita kita kapag dumaraan sa tapat ng bahay at pupunta ng talon. Iniwasan talaga kita dahil ayaw kong makagawa muli ng kalokohan sa 'yo noon." Nakatitig si Donna kay Cydric habang kumakain si Cydric ng ice cream na binigay ni Vicky. Tinawag sandali ni Vicky si Donna..naupo sila sa counter.

"Dude, sabihin mo nga sa akin..Kumusta ang tarantado mong asawa?"

"Vic, wala paring pinagbago eh."

"Kung ako sa 'yo kalasan mo na 'yan. Walang kwenta eh."

"No..this is not the right time. Humahanap ako ng pagkakataon."

"Dude, magtitiis ka ng mahabang panahon. Haler, pano kung may mangyari sa 'yo? Kung ako sa 'yo iparating mo na sa mga magulang mo."

Huminga ng malalim si Donna.

"He's obsess with you. Mabuti na nga lang isinilang kang may lakas at kaya mo paring pigilan s'ya. Pero paano kung lumampas sa limit ang obsession n'ya sa 'yo? At hindi mo kayang pigilan ang lakas..DOON LIGWAK KA!"

IWASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon