Chap. 12

852 81 3
                                    

Chap. 12

Ilang araw na di nagkita ang dalawa. Nagkakasya nalang sa mga text messages at lihim na pagtatawagan. Bawat araw kulang na lang hilain ni Cydric upang dumating ang Byernes. Samantala si Donna, kampante na hinihintay si Cydric. Hanggang muling dumating ang Sabado ng umaga, lumabas si Donna ng kanilang bahay. Muling nagjogging si Donna. Alam n’yang darating nang maaga si Cydric. Kaya nagmadaling tinungo nito ang talon..

Palinga linga si Donna. Walang katao tao sa paligid. Nang biglang nagulat na lamang s’ya nang may yumapos sa kanya..

“Good Morning..” Bulong ni Cydric.

Napangiti si Donna.

“Ang aga mong dumating..”

“Miss mo na ba ako?” Tanong ni Cydric.

“Oo naman.” Humarap si Donna at hinalikan si Cydric sa labi.

“My morning kiss..” Sabi ni Cydric.

“Of course..premyo mo sa pagiging EARLY BIRD.”

“Ganun...” Hinalikan ni Cydric ang noo ni Donna.

“Don, sumama ka sa akin bahay..paglulutuan kita ng almusal.”

“Cyd, alam mo namang hindi pwede.”

Napatitig si Cydric sa mga mata ni Donna.

“Alam mo, gusto kong maimpress ka sa akin. Gusto ko parati akong perfect sa mga mata mo.” Nakasimangot ang mukha ni Cydric.

“Owww..bakitmo naman naisip ’yon?”

“Baka kasi iwan mo ako.”

“Engot! Ba’t ka nag-iisip ng ganyan?”

“Cause I’m worried. Hindi mo maalis ang pag-alala lalo na kasakasama mo si Ludwig.”

“Ikaw talaga, Cydric. Napaka advance ng utak mo. Chillax! H’wag kang nega.”

“ If incase he will hurt you again..all you have to do is to run and save yourself. Bukas ang bahay ni Lola. Tumakbo ka doon.”

“Cyd, I’ll be fine.”

“Hindi..ayaw kong may masamang mangyari sa ‘yo sa taong ’yon. Donna, please promise me.” Hinawakan ni Cydric ang mga kamay ni Donna.

“I can fight.”

“Alam ko..pero kulang ang lakas mo sa kanya.”

“Shhhh..just trust me.” Pinanatag ni Donna si Cydric.

IWASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon