"Good morning,nandito ba si Mr.Noah Alander?"
Tinig ng isang babae na nagpatigil saaking pag babasa.
Bumuntong hininga nalang ako bago tumayo.
Pang ilan na ng beses to sa umagang ito.
At gusto ko ng magalit.
Lumapit ako sa kanya,nakahawak siya ng isang rose.
At may white envelope.Not again.Tch.
"Hello,Ako si Noah,may maitutulong ba ako.?, Miss"
Nakita kong namula ang mukha niya.
At mabilis na Inabot saakin ang hawak niya.Gusto kong mapatampal sa mukha,pero pinipigilan ko,dahil bilang good student.Kailangan kong mag pakita ng magandang asal.
Pilit akong napangiti,at tinanggap ang inaabot niya.
"Para saan ito,Miss?"tanong ko na nakangiti ng fake
"A--ah ano kasi,umh. Ipinabibigay po ng kaibigan ko.Nahihiya po kasi siyang lumapit,iyon po siya oh."
Sabay turo .
Nakita ko ang isa pang babae na Mabilis na nagtago."Ganon ba,salamat dito.Pero pwede ba aking mag request sayo ,Miss?"
"A-ano yun?"nautal niyang sabi ,pulang pula na ang mukha niya
Gusto kong napasimangot."Pwede mo bang ibigay itong Bulaklak sa kaibigan mo.Sabihin mo ,salamat at na appreciate ko ito. Pero nababagay sa isang babaeng tulad niya ang bulaklak."
Natulala siya at inabot ang binibigay kong bulaklak.Nagsalubong ang kilay ko ng may marinig ako.
"Hay grabe ang swerte naman ng girl na iyon.Pinuri siya ni Noah.Bukas mag bibigay din ako ng bulaklak kay Noah.Naiimagine ko na.Ahhy... kinikilig ako sister."rinig kong bulong sa likuran ko na nag mumula sa loob ng classroom pero ang totoo ,hindi na pabulong eh.May pag irit pang nalalaman.
"Nakaka asa ka ,Prince"sabi niya at tumakbo ng mabilis
Nakatingin lang ako sa pag alis niya.
Muli akong bumalik sa loob ng classroom,ng maka upo ako sa aking upuan,kumuha ako ng libro sa ilalim ng table.
Pero nagulat ako ng nanghulog ang mga papel,
Pinulot ko ang mga papel.
Saan naman nanggaling ito?Wala naman akong inilagay dito kanina ah.
Ng binuksan ko , tumambad saakin ang mga letters.Hindi basta Letter,kundi love letter.
Tch.
Bakit ganito nalang parate nangyayari?wala bang bago.Gusto ko lang nanaman ng simple na buhay studyante eh.Yung makakagraduate ng tahimik tulad ng normal na studyante.Pero sa araw araw na nagdaan,parate nalang,
May mag aaway sa harap ko,may magpapagalingan at paligsahan ,may magbibigay ng ng love letters at gifts na hindi ko naman kailangan,nahihirapan na akong mag adjust eh.Sino bang tao ang gustong araw araw nag lilinis ng mga letter nila pag pinupuno nila ng kung ano anong gift at letter ang locker ha.
Hindi ko ito ginusto.Hindi kahit kailan.Pag tinanggihan naman,lalo pang dadami.
"Excuse me,Mr.Noah.May naghahanap sayo sa labas."sabi ng classmate ko.
Ngumiti ako ng fake.At tumango.Agad akong tumayo.
"Yes?may maitutulong ba ako?"
Tanong ko sa lalaking nakatayo sa pinto."Ikaw ba si Noah Alander?"seryoso nitong sabi
Ngumiti ako
"Oo,ako nga?"Napatitig ito saakin.Nanlaki ang mata.
Kaya nagtaka ako."May nasabi ba akong mali?"tanong ko agad baka kasi may nasabi ako,tapos naparambol pa .
BINABASA MO ANG
My not so Ordinary Stalker(BxB)
FantasyIsa lang akong simpleng tao,na nagustong mabuhay ng normal tulad ng karamihan. Pero sa isang kisap mata ,may isang taong dumating sa buhay ko na hindi ko inaakalang gagawin niyang kakaiba ang magiging takbo ng buhay ko. Ang iniisip kong normal na b...