"Good morning"masiglang bati ni Kinno
Hindi pa man ako nakakahakbang papasok sa room ko.
Narinig ko agad ang boses niya sa pinto."Ang saya mo yata ngayon,morning by the way"
Sabi ko
At pumasok naSumunod siya saakin,sa loob.
"Wala ka yata sa mood,something happened?"
Pag uusisa niyaMuli kong naalala ang nakita ko kanina..
"Nope,nothing happened.Wait,ano nga pala ang ginagawa mo dito?"
Tanong ka sa kanya"Start from now on.Classmate na tayo."
"Paano nangyari yon?"
"Sa tulong ni Oenliver of course.At isa pa ayaw ko talaga doon sa dati kong batch.
Nakakainis at walang kasiyahan.Kaya naisip kong mag palipat para magkasama na tayong tatlo ni Oenliver.""Good for you.Welcome to our class,classmate."sabi ko na may ngiti sa labi.
Mapapadali nalang talaga ang sitwasyon nila ni Oenliver.
Kaya siguro nag approve agad si Oenliver.......
Tulad ng araw araw ko dito sa school,Same as before parin
Walang bago,matapos ang klase dumiretso ako sa likod ng school.
Kong saan nakita ko daan patungo sa gubat.Hindi na ako lumayo,at pumunta papasok sa gubat.
Baka panganib lang mapagdaan ko ulitIbinaba ko ang aking bag,at humiga ako sa damo,sa lilim ng puno
Nakakarelax talaga ang ganitong buhay.
Ewan ko ba ,hindi ko rin maintindihan ang aking sarili.Alam kong peace ang buhay ko.
Pero pakiramdam ko may kulang at may gumugulo sa aking isipan.
Parang may mali,pero di ko lang din malaman kong ano iyon.
Nag hahanap parin ako ng kapayapaan ,at kasagutan, tila gusto kong mapag-isa at isipin anong gumugulo saaking sarili.Pinapanood ko ang mga ulap.Ang ganda nilang pagmasdan.
Ang gaan gaan nilang tingnan.Kong ang tao ba ,tulad ng ulap ang pakiramdam at damdamin,magiging madali rin ba ang lahat ng pinagdadaanan ng bawat isa??
Ulap?...Kong ganon nga ang mga tao.May posibilidad na maging magaan talaga sila.
Imagine, bigla nalang lilipad ang tao,dahil sa ihip ng hangin.
Hindi ko mapigilang mapatawa ng mahina.Ano ba itong naiisip ko.Nababaliw na yata talaga ako
Pero agad ding nawala ang masaya kong ngiti ng may maalala ako.
May lalaki kaninang umaga,simula ng lumabas ako ng room sa dorm namin.
Sinusundan ako.Ayaw kong mag assume pero mukhang sumusunod talaga.Maingat siya,pero nahuhuli ko siya ang mga galaw niya.
Mapagmasid akong tao sa paligid.Kaya alam ko ang pakiramdam na sinusundan.
Nalaman ko nalang na sinusundan niya ako,dahil sa Cafeteria at Cr.At ang kahina-hinala niyang galaw.
Nandoon din siya sa lahat ng pagkakataon na lalabas ako ng classroom naminNg natapos na ang klase,kaya ako nakatakas ay dahil sa nagtago ako ,at nauna itong umalis kaysa saakin.
Nakita ko pa ang palinga-linga nito ng nagtago ako.
Doon palang nahuli ko na siya.Ano ba talaga ang kailangan niya?may masama ba siyang intensyo saakin.
Napaupo ako sa pagkakahiga ng maalala ang minsang sinabi ni Mr.Roilly.
May taong naghahanap sa akin sa dati kong apartment.
Kinabahan ako bigla.Konektado ba ang lahat?
Ano ibig sabihin nito,na wala na akong takas,walang silbi ang aking pagpapakalayo, at ang lalaking iyon ,hindi ko pa siya kayang muling makaharap.
Hindi ko pa alam paano at kong kakayanin ko ba.
BINABASA MO ANG
My not so Ordinary Stalker(BxB)
FantasiIsa lang akong simpleng tao,na nagustong mabuhay ng normal tulad ng karamihan. Pero sa isang kisap mata ,may isang taong dumating sa buhay ko na hindi ko inaakalang gagawin niyang kakaiba ang magiging takbo ng buhay ko. Ang iniisip kong normal na b...