Cake

462 16 0
                                    



"Diriko Pov"

Napapangiti na nakatingin ako sa kanya mula dito sa malayo.

Natapos na namin ang misyon nang mas mabilis ,nagtagumpay kami .Ngunit dahil sa mga nakatakas na mga myembro nila di ko magawang makabalik agad.Sandali ko lamang siyang napupuntahan sa araw araw.

Hanggang di pa ako nakakasigurado na ligtas ang paligid hindi ako mapapanatag

"Alpha  may bakas kaming nakita ,ngunit ipinahihiwatig lamang nitong isa itong bata na may kasamang dalawang babae tingin ko bantay nito"

"Ang tinutukoy mo ba ang prinsepeng nakatakas?"tanong ko

"Ganon na nga"tugon ng Alpha  na aking kasamahan

"Nasaan ang lokasyon?"tanong ko gamit ang mindlink

"Patungo ito sa mundo ng mga tao.At tinutumbok nito ang syudad."

Nagsalubong ang kilay ko.

"Ako na ang bahala,naririto ako ngayon sa syudad."
Saka pinutol ang mindlink

Kong ganon,kailangan ko na munang magpakita sa Luna ko.

Tumungo ako sa bahay nang mate ko.Walang ingay na lumapit.

Susupresahin ko siya.

Pero ng makapasok ako narinig ko ang kanilang pag uusap ng kanyang kaibigan at ako pa ang na supresa  sa aking mga narinig.

Nakita ko ang pag tingin sakin ng kaibigan niya..sumimyas ako na tumahimik at bilis siyang umalis

Umalulong ang wolf ko sa saya .Gusto nitong lumabas na agad ko namang pinipigilan.

Malamig man ang panlabas niyang anyo sa labas,ngunit alam kong mahiyain siya.

Gusto ko man na hindi magpakita pero ang mga paa ko ayaw nitong umalis.

Pagharap niya nagkasalubong ang mga mata namin.
Nanlaki ang mata niya at mabilis na tumalikod.
Ang pula ng mukha niya na lalong bumagay sa kanya.Ni record ko na ito sa isip ko.Paulit ulit kong iisipin kong saan umamin siya

Narinig ko pa ang mga bulong niya at mga tumatakbo sa isip niya.

Natatawa ako ko ngunit agad naman na pinigilan ko kumawala.

Ng nilapitan ko siya,muntik pa siyang mahulog dahil wala na siyang nasandalan.
Mabilis naman akong kumilos.

Lalo ko siyang napagmasdan ng sobrang lapit.Napangiti ako ng bumalik sa isip ko ang lahat ng aking narinig kani-kanina lang.
Ang puso ko muntik ng tumalon.

Pero mabilis niya akong nahampas sa balikat.Na ikinatawa ko pa lalo.

Mahiyain siya ngunit ang mga ganitong kilos niya ay hinding hindi ko pag sasawaan makita.Para sakin isa itong malaking karangalan na makita ang side niya.
Hindi siya ganito sa iba at sa akin lamang.

........

"Hindi mo ba ako haharapin?"tanong ko

"Sa tingin mo mahaharap kita matapos kong masabi ang lahat ng iyon.Anong tingin mo sakin hindi marunong mahiya?"

Natawa nalang ako sa pagiging straight forward niyang sagot

"Nang aasar ka ba?"naiinis nitong tanong

Napa-iling ako
"Syempre hindi,hinding hindi ko magagawa iyon."

"Ano ba talaga ang ginagawa mo dito?, diba may misyon ka pa?"tanong pa niya ulit

"Mayron,ngunit sa ngayon...nandito sa syudad ang misyon ko"

Napaharap siya sakin.
Na nakakunot ang noo

My not  so Ordinary Stalker(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon