worried

673 25 0
                                    



Hindi ko alam kong bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon.
Parang nasa hot seat ako,na kong hindi ako magsasabi ng totoo parang naka salalay ang aking buhay.
Napalunok ako ng laway sa kaba.

At  hininga ng malalim bago magsalita
"Nitong mga nakaraang araw,may napapansin ako.May isang lalaking napansin ko at  pakiramdam ko  pinapanood lahat ng kilos ko."
Pag sisimula ko.

May distance naman sa pagitan namin.Pero ang pakiramdam na kailangan kong lumayo pa dahil nakakaramdam ako  hindi maayos na paghinga.

Parang may lumalabas na kong ano sa man kanya nagpapakaba at lakas na nakakatakot.

Hindi tuloy mapigilang isipin kong si Diriko pa ba ang kasama ko ngayon.

Wala akong mabasang emosyon sa kanya,nanatili malamig  kanyang mata.
Hindi rin niya inaalis ang tingin saakin.

Kaya iniiwasan ko talaga ang tumagal mata ko sa kanya.

"Iyon ba ang dahilan ng pag alis mo?"
Tanong niya

"O-oo."nauutal kong tugon

"Naalala mo ba ang mukha niya?"

Tumango ako.

"Bukas sa pag pasok mo,sasama ako.Para makita ang sinasabi mong nagmamatyag sayo."

Akala ko tapos  na siya sa kanyang sasabihin , akmang magsasalita na ulit ako ng siya ay nagsalita

"Pero ,anong  dahilan at tumagal ka ng isang buong magdamag sa pinuntahan mo.
Hindi ba sinabi mo,dito mo napansing may sumusunod sayo.Kaya anong ginawa mo doon?"pag uulit niya

Kailangan ko bang ipaliwanag pa..Pero kong sasabihin ko ang lahat.Hindi kaya magkaproblema pa.Dahil kahit ngayon,kailangan ko rin nalaman ang sagot bakit  nandoon si Oenliver,pamangkin niya sa dati kong apartment na tinutuluyan.

"Naisip kong balikan ang bahay ko,matagal narin kasi na hindi ko nauwian.At isa pa namiss ko lahat ng doon..may ilang gamit din akong kinuha at mga halaman na inayos "
Paliwanag ko

Sa ngayon,akin na muna ang nalaman ko..at isa pa labas na siya sa problema ko.Hindi na niya pa kailangan madamay pa sa aking problema.

Nagkaron ng katahimikan sa  pagitan namin,kaya ako naman ang gumawa ng bagong pag uusap,para ilipat ang topic sa iba.

"Kamusta ka  dito??nakakain ka ba?"
Tanong ko

Inikot ko ang aking mata sa paligid..
Isang gabi lang akong hindi nakauwi pero hindi na maayos ang paligid.

"Hindi"maikli niyang sagot na parang masama talaga ng loob

"Anong gusto mong pagkain,ipagluluto kita"

"Anything"
Hay.... ano bang gagawin ko para sumigla na ulit siya,nakaka bother sa loob kong magiging ganito siya eh.

Nang bigla kong naalala ang dati niyang ni- request na pagkain...
Sa pagkaka alam ko dessert iyon.

Tumayo na ako at dumiretso sa kusina.Iniwan siya

Siguro mainit lang talaga ang ulo niya kaso hindi nakakain ng tama

......

Habang nanonood kami sa TV ng movie,hindi ako makapag concentrate sa pinapanood.
Nakikiramdam ako sa kasama kong walang imik.
Normal naman iyon sa kanya,pero ngayon pansin na pansin.
At alam kong may mali..

"Umh..Ang ganda ng story noh?"sabay kuha ng popcorn

Pinilit kong tumingin sa TV.

"Oo"sagot niya na parang walang buhay

My not  so Ordinary Stalker(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon