Binitawan ko muna ang hawak kong pandilig,ng narinig ko ang doorbell,
nagdidilig ako ng mga gulay na tanim sa likod bahay.
Ng nasa tapat ako ng pinto ,sinilip ko muna sa peep hole.
Bahagya pa akong nagulat ng makita
Si Mr.Roilly .Siya ang dati kong Landlord sa dati kong apartment.Ano kaya ang kailangan niya.?
Binuksan ko ang pinto at hinarap si Mr.Roilly.
"Magandang araw ,Noah."Bati ng dati kong Landlord.
"Mr.Roilly,kayo po pala.Pasok po kayo."ngiti ko ding sabi
Pumasok siya at iginaya ko siya sa sofa.
"Gusto ninyo po ba ng maiinom o pagkain."
"Hindi na ,Noah.
Talagang may dahilan ako kaya ako naparito.Gusto kitang makausap."sa tinig niya,mukhang napakaseryoso ng sasabihin niya.
Hinanda ko ang sarili ko.At parang bad news eh"Ano po iyon?"kinakabahan kong tanong.
"Mag mula ng umalis ka nong mga nakaraang araw,may mga lalaking naka itim ,na parating nakatambay malapit sa apartment na inuupahan mo dati.
Sa itsura nila,mukhang delikado silang tao.May alam ka ba doon.?"Tanong niya hindi ko alam ang dapat kong maramdaman mula sa sinabi niya.
"Ahm..wala po akong ka ide-idea sa mga taong iyon.Baka naman po nagkataon lang po.At tyaka wala naman po akong utang na tinakasan.Kaya imposible po iyon diba."sabay tawa ko ng mahina.
Pero ang totoo niyan sobrang lakas na dagungdong ng tibok ng puso ko."Mag ingat ka bata,kasi kung ganon,wala kang kaalam-alam sa mga ngayon.
May isa kasi akong napag tanongan doon sa atin.Isang beses may nakaitim na lalaki ang magtanong kina Aling Nina.Kung sino daw ang nakatira sa inuupahan mong apartment.
At sinabi niya ang tungkol sa iyo.At simula ng araw na iyon.Parati na iyong naka ali-aligid sa apartment.Ikaw agad ang naalala ko .Baka may masamang mangyari sa iyo."Natahimik ako at napayuko.Sapagkaka alala ko,wala akong nagawan ng masama.Agad pumasok sa aking isip pag kidnap sakin ng lalaki iyon.
Hindi kaya hinahanap niya ako dahil sa pagtakas ko .At papatayin niya ako.Umiling iling ako,para tanggalin ang namumuong idea sa aking sarili.
Pilit na ngumiti ako ..
"Nako,wala po talaga iyon.At tyaka po .Baka nagkataon lang.Nagkakamali lamang po ang mga narinig nyo.
Pero salamat po sa concern.Mr.Roilly,napaka buti nyo.."Nag aalala parin ang expression niya
"Noah...pag may problema,sabihin mo lang saakin, at tutulungan kita.Malapit ka na saaking bata ka.Kahit pa nong una,itinuring na kitang anak.Kaya wag kang mahiyang tawagan ako ."
Nag aalala nito sabi saakin.Panandalian akong napatigil,pero ngumiti ako ng totoo.
"Opo,Mr.Roilly.Salamat po ulit."sabi ng may ngiti sa labi.
Kahit noon pa man ,napakabuti na ni Mr.Roilly saakin.Ng umalis na si Mr.Roilly,nanghihina akong napaupo sa sofa.
Kahit na pinipilitin ko ang sarili kong okay lang ang lahat.Hindi parin maalis saakin ang pangamba mula sa sinabi ni Mr.Roilly.
Anong dapat kong gawin.?
Isa lang naman akong hamak na studyante na gusto mabuhay na simple,pero bakit ako pa.Sa dami ng tao.Ako pa talaga.....
Naglalakad ako ngayon pauwi ng bahay galing sa namimili ng kaunting groceries ,ng may isang babae ang lumapit saakin at nag abot ng papel.
BINABASA MO ANG
My not so Ordinary Stalker(BxB)
FantasyIsa lang akong simpleng tao,na nagustong mabuhay ng normal tulad ng karamihan. Pero sa isang kisap mata ,may isang taong dumating sa buhay ko na hindi ko inaakalang gagawin niyang kakaiba ang magiging takbo ng buhay ko. Ang iniisip kong normal na b...