The truth

568 31 3
                                    

"Noah Pov"

Mula ng magising ako , nagulat ako ng makitang nasa  loob na ako ng aming room.

Hindi ko maintindihan,paano nangyari ang lahat,pero isa lang ang tumakbo sa isip ko,iyon ang umalis sa lugar na ito.

Kaya nag madali akong tumawag    kay Mr.Roilly  para mag pasundo na.

Sa kalagitnaan ng pag aayos , bumukas ang pinto at iniluwa non si Diriko.

Nakita kong natigilan din siya at nakatingin sa aking mga inaayos na gamit.

"San ka pupunta?"tanong niya

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Pakiramdam ko may mali na naman akong gagawin.

Pero kong mag papadala ako sa aking nararamdaman,siguradong may tyansang ikamatay ko na sa oras na makaharap ko ang mga asong lobo na nagiging tao.

Napalunok akong laway at iniwas ang tingin

"Aalis na ako"tugon ko at muling nag patuloy sa pag aayos

Ang hirap sabihin ng mga salitang aalis na ako  dito at iiwan ko na ang lugar na ito. Pati narin ang mga naging malapit na tao sakin.

Humakbang siya papalapit

"Bakit?"siya na umupo sa harap ko

Pero pinigilan kong tingnan siya

kong sasabihin ko  ang totoong dahilan,at nagkataon na isa din siya sa mga nilalang na iyon,paniguradong hindi na ako makakalabas buhay sa lugar na ito.
Kailangan kong gumawa ng dahilan na hindi niya ako pag hihinalaan na may alam ako.

"Dahil naisip kong  ...namimiss ko na ang bahay ko.Kailangan kong balikan , siguradong marami naring dumi na kailangang linisin."sabay tawa ng nag aalangan ,pilit na pilit din ang aking pagtawa.

Naging tahimik siya sa ilang sandali.

"Itigil mo itong lahat,may gusto akong ipakita sayo"
Siya na may kakaibang tono.

"Pasensya na ha,medyo nag mamadali kasi ako ngayon."pag tanggi ko

Narinig ko ang pag buntong hinga niya

"Isa akong taong lobo tulad ng nakita mo kagabi"natigilan ako sa pag aayos

Napaharap sa kanya na nanlalaki ang mata sa gulat.

Iba parin pala ang pakiramdam kong sa bibig niya nagmula.
"A--anong sabi mo?"
Medyo na utal pa ako ng ito ay aking itinanong

"Makinig ka sakin,gustong kong maging mahinahon ka  ,alam kong mahirap itong paniwalaan.."nanatili akong nakatingin sa kanya at hinihintay ang sunod niyang sasabihin

"Ang totoo ay hindi ko alam ko paano ipapaliwanag ang lahat,dahil magkaibang uri tayo.Isa kang tao at ako naman ay nasa lahi ng mga taong lobo.
Nabubuhay na kami ng matagal na panahon sa mundong ito..noong una nag tatago lamang kami sa gubat at namumuhay ng mapayapa.Umiiwas kami sa mga tao dahil sa oras na malaman nilang nag eexist kami sa mundong ito,hu-huntingin nila kami  at posibling pag experimentohan nila ang uri namin.

Pero hindi nag tagal,natutunan narin naming makisalamuha sa mga tao na hindi nila kami napapansin.

Ngunit may mga taong lobo na hindi sumusunod sa mga alituntunin na itinatag ng aming mga pinuno,mas pinipili nilang maging  diyos ang kanilang sarili.Naging sakim at nagiging halimaw sila,na hindi kinikilala ang alituntunin ng bawat lahi.
Gutom sila sa kapangyarihan at tanging  kasamaan lamang ang kanilang hatid.

Ang tawag sa kanila ang mga rouge,ang mga taong lobo na walang pack o  tirahan  at pamilyao mas kilalang mga rebeldeng ng aming lahi.

Bawat isang pamilya ng mga taong lobo ay may tinatawag na pack.
Kong saan pinamumunuan ng isang leader na handang ipag tanggol ang buong pack na kanyang pinamumunuan.

My not  so Ordinary Stalker(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon