"Noah Pov""a--anong nangyayari? nababaliw na ba ako,imposible ito."
Lahat ng buong parte ng katawan ko ay kinilabutan.Nasaksihan ko ang hindi kapani-paniwalang tanawin..
Ng makita nila ako ay agad na silang tumigil.
Tulad ko ay mukhang nagulat rin silaPero kumpara sa nasa likuran kong asong lobo mas kapansin pansin na hindi ko maramdaman ang takot na tulad ng una kong naramdaman doon sa lumapit sakin.
May umangil sa likod ko,agad akong lumingon .
At saktong paglingon ko patakbo na itong papalapit sakin na handa na akong sakmalin.Napatakbo narin ako,dahil ayaw kong salubongin ang mga nasa unahan kong kanina lang tao na ngayon ay mga asong lobo ,paliko akong tumakbo .
Napunta ako sa parteng magubat na lugarTakbo lang ako ng takbo na hindi lumilingon
Dahil may posibilidad na pag lumingon ako,madadapa ako at pag nangyari iyon.
Sure nang katapusan ko na tulad ng palaging nangyayari sa isang horror movie.Napunta ako sa madamo at nag lalakihang punong kahoy.
Wala akong naririnig na pag takbo mula sa likod ko.Kailangan kong makalayo mahirap na kong titigil ako para tingnan at hahayaang maabutan niya ako.
Grabe halos naliligo na ako ng sarili kong pawis,at ang tibok ng puso ko nakikisakay sa bilis ng pag takbo ko.
May nakita akong isang malaking kahoy na kaya kong akyatin.
Kailangan kong makahanap ng lugar na mapag papahingahan at mapag tataguan..At isa pa ,kanina pa ako napapagod kakatakbo,baka bumigay na ang mga paa ko pagod.
Mabilis kong ginawa ang plinano ko.Agad na inakyat ko ang puno hindi ako tumigil hanggang sa hindi ko pa nasisiguradong hindi niya ako maaabot.
At swerte ng may makita akong pwesto na sanga kong saan may space na flat sa gitna at napapaligiran ng tatlong malaking sanga na maaaring pantabon ,kong magtatago ako.Ng magawa kong nakapwesto sa gitnang bahagi,maingat kong sinilip ang baba.Sinuyod ko ng tingin ang paligid,
Wala kong nakikitang pag galaw o ano mang pag ingay.Nakahinga ako ng maluwag at napasandal na nanghihina sa pagod.
Pagod ang aking isip pati narin ang buong katawan.
Grabe ang takot ko kanina,labis akong kinabahan at pakiramdam ko.Oras ko na .
Napatingala ako,at inisip ang lahat...
Ang mga pamilyar na mukha kanina ay biglang nag palit anyo sa mismong harap ko,alam kong nakita ko na ang ilan sa kanila at ang isa doon ay si Leonardo.
At yung guard na parating bumabati sakin tuwing papasok ako sa paaralan.
Nandon rin ang janitor at isang technician noong nasira ang appliances sa room namin.Halos lahat ng nandon ay nakikita ko sa lugar na ito.Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito??at Paanong nangyari ang bagay na iyon.
Nasa libro at mga gawa gawang storya lamang sila ,at minsan nakikita ko pa sa mga movie.
Impossible din na may ginaganap na isang movie or rehearsal sa harap ng school hindi ba.At lalong mahirap gawin ang pag papalit anyo nang tulad sa kanila kong isang effects lamang ang lahat ng iyon.
Napahawak nalang ako sa aking ulo,maharan na hinilot.
At pumikit.
Kailangan kong makaalis na sa lugar na ito.Sa oras na magawa kong makabalik sa dorm.Mag papatransfer ako sa ibang school.Ayaw ko na sa lugar na ito,baka pag tumagal ako dito,mabaliw na ako.
Napamulat ako ng mata ng may naisip,
Kong lahat ng bantay dito ay asong lobo na nag papalit anyo tulad ng kaninang nagyari...paano pa kaya kong hindi sila lamang. Paano kong halos lahat ng naririto.???
BINABASA MO ANG
My not so Ordinary Stalker(BxB)
FantasyIsa lang akong simpleng tao,na nagustong mabuhay ng normal tulad ng karamihan. Pero sa isang kisap mata ,may isang taong dumating sa buhay ko na hindi ko inaakalang gagawin niyang kakaiba ang magiging takbo ng buhay ko. Ang iniisip kong normal na b...