End

594 20 3
                                    



Nakabalik na  ang lahat sa dating buhay,ang mga taong lobo ay malaya na ulit sa bawat galaw .

Dahil natapos na ang laban sa pagitan ng mga taong lobo at mga demonyo.

Lumipas ang araw  at taon naging maganda ang pagsasama ng bawat isa.

Nang makapag tapos sa pag aaral Sina Noah at Kinno ay tuluyan na nilang pinili ang buhay kasama ang kanilang mate ..

Bawat araw na lumilipas ay nagiging mas mahusay siyang Luna sa kanyang nasasakupan.

Si Kinno ay nanatiling narin sa pack kasama ang kanyang mate na si Oenliver na official nang beta ng pack.

Si Fireen,nanatili parin sa Isla.At tulad ng pangako nina Noah ay binibisita nila ito.


"Noah Pov"

Maya't maya  napapaangat ang tingin ko sa makulit na bulinggit sa harap ko.

Habang kasi ay may ginagawa ako ay   may pinapakita itong dinu- drawing  .

"Ang ganda niya,anak."puri ko dito

Gumuhit naman ang ngiti nito sa labi.

Siya si Niriko,anak namin ni Diriko. Limang taong gulang,sa murang edad nito ay talagang hindi makikitaan ng kahinaan.
Kaya lang ang pinuproblema ko,ayaw niyang mag salita.

Hindi naman talaga ,wala siyang kakayahan.Kami lang kasi ni Diriko ang kinakailangan niya at bukod don wala na.

Noong una nag alala ako ng sobra kakaiba yon,alam kong hindi sakin iyon nag mana dahil obviously,nag sasalita ako ng madalas .
Siguradong nakuha niya iyon kay Diriko.

Naalala ko pa noong panahon na wala sa tabi ko si Diriko ng kailangan ko siya sa tabi ko.
grabe pala ang nangyari sakin.
Wala akong kamalay malay na muntik na akong mamatay.

Good thing,nakaabot si Diriko nong mga oras na iyon.Naisalba pa ako.

Kong iisipin na muntik na akong mamatay,parang  medyo hindi maganda sa pakiramdam.

Binitawan ko muna ang hawak ko,at lumapit sa anak ko.

Hindi ko talaga naisip na magkakaroon ako ng ganitong gwapong anak.
I mean,tao ako..At namuhay ako bilang isang tao ng ilang taon.
Noong una kong matuklasan ito,natawa ako na para bang malaking kalokohan lamang .Parang joke na bigla nalang lumitaw at tatawanan.

Pero dahil sa kakaibang pamumuhay nila,na talagang kakaiba sa kinalakihan ko,naipakita nila sakin ang lahat,namulat ako na mas malaki pa pala ang dapat malaman ng mga normal na tao...

Habang nasa sinapupunan ko si Niriko,kabang kaba ako ..daming pumasok sa utak ko na napaka impossible ang lahat,at may mga pag babagong nangyari saking katawan na hindi ko talaga aakalaing mangyayari sakin.

"Papa"tawag niya sakin

Hinawakan niya ang mukha ko

Hindi talaga ako pumayag na mama ang itawag niya sakin.
.aba ,eh parang Ewan eh..

At daddy naman tawag niya kay Diriko.

Napangiti naman ako,at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.

Nag tataka siguro siya kong bakit nakatingin ako sa kanya.

Medyo nakakainis nga eh,bakit ganon.Walang namana sakin.Lahat kay Diriko.

"Anak,gusto mo bang lumabas tayo,tapos ipapasyal kita?"
Tanong ko

Ilang araw narin kasi na hindi ko siya naipapasyal.

My not  so Ordinary Stalker(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon