Acceptance

577 30 1
                                    

"Noah Pov"

Nakatingin lamang ako sa labas  ng bintana.

Sa totoo lang,aaminin  ko  parang nakalutang ang pakiramdam ngayon.

Paulit ulit iniisip ang mga bagay at mga pangyayari sa buhay ko.

Nagsimula sa isang galit at ngayon ...parang natutunaw bigla dahil sa pag aalala sa kanya.

Gusto kong magalit at gumanti,malaki ang kasalanan niyang nagawa.
Pinaglaruan at inapak-apakan niya ang dignidad ko.
Nakakainis!!....Pero kong iisip,kahit imaginen ko  na dumating sa sitwasyon na makaganti,tingin ko hindi ko rin magagawa dahil hindi ko din kaya sa huli.
Isa akong malaking duwag !!

Idagdag pa itong ,binibigay na responsibilidad sakin,
Ang  ma stock dito sa lugar na ito.Na kong aalis ako,may mangyayaring hindi maganda tulad ng tinutukoy ni Oenliver.

Isang malakas na pag katok mula sa pinto ng silid ang kumuha ng atensyon ko .

Napahinga nalamang ako  ng malalim.
Kaya tumayo na ako at lumapit.

Sa pagkabukas ng pinto,

Nagitla ko ng isang basket ng mga snacks ang sumalubong sakin

At sa likod non,nandon ang may pakana

"Surprise!Tara mag takaw tayo"sabay pasok sa pinto
Na parang kanya ang kwarto.
Sinundan ko lamang siya ng tingin

"Anong mayron?"tanong ko na nag tataka

Sinarado ko ang pinto at sumunod sa kanya.

"Wala lang,na boring na ako sa room namin.
At sawang sawa na ako sa mukha ng roommate ko"

Napa cross arm nalang ako
"At ngayon ,dito mo na pagtripan tumambay at magkalat.?"

"Hindi ha...Dahil kasama kitang kakain ng lahat ng ito.Ibig sabihin non,hindi lamang ako ang nag iisang magkakalat."sabay bukas ng malaking sitsirya

Binato niya lang basta ang pinilas niyang plastic ng sitsirya.

At nag simula ng kumain habang nakatingin sakin

Sinundan ko naman ng tingin na may pang liliit na mata ang binato niya

May inis ko siyang tiningnan

Binuka ko na ang aking bibig para pagsabihan sana siya ng  tinaas niya ang kanyang palad na sinasabing wait lang.

"Wait! bago ka magsalita,alam ko na ang sasabihin mo.Pero mamaya nalang pwede?kain muna tayo dito at mag kwentohan,promise mag lilinis ako mamaya"

Ayaw ko talaga sa nakakalat na lugar.
At hindi ako sanay na mag kalat ,dahil gawain lamang iyon.

"Ikaw ang bahala,pero  sisiguradohin mo lang na mag lilinis ka,kong hindi... hindi ka makakalabas ng lugar na ito."

Sabay upo sa harap niyang upuan ,sa pagitan namin may  isang table.

"Grabe ka naman ,hindi talaga ako makakalabas?Hindi ba isang kalupitang hatol yon?"

Napa irap nalang ako ng wala sa oras.

Nag hanap ako ng maganda kainin sa dala niya ng makita ko ang isang chicharon.

"Nasan ang sawsawan nito?"
Tanong ko

"Hala!oo nga pala, nakalimutan ko"sabay napakamot sa ulo niya

Napatingin ako sa ulohan niya,kumakain siya ng cheese na sitsirya.At ang daming durog na nakadikit sa kanyang mga daliri na ginamit pang kamot sa ulo.

Na pangiwi tuloy ako.

Tumayo ako at kumuha ng tissue.
Ng makita ko ito,inabot ko sa kanya

Nagtaka naman siya.

My not  so Ordinary Stalker(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon