Special Chapter

663 17 2
                                    





"Fireen Pov"




Hindi ko inaasahan na may magiging guro ako.Isa siyang Alpha ng mga taong lobo.

At habang Isa mag aaral niya ako,marami naman akong natutunan,mula sa pagiging isang hunter hanggang sa pagiging isang pinuno.

Inaamin ko na , nagiging interesado ako sa lahat na kanyang tinuturo,marami rami narin akong nalaman sa kanilang lahi,

Nanatili siya dito sa Isla,at tuwing matatapos naman ang pag aaral,bumabalik naman ako sa kweba,kong saan lalo pa akong nag papalakas,..

Malaki laki narin kasi ang kinakain ng lakas ko habang pinipili ko ang anyong pinili ko.

Inilubog ko ang katawan ko sa nag aapoy na tubig .Nagbago ang aking anyo..bumalik sa orihinal na kaanyuan.

Sumandal ako sa bato,at sumalok ng tubig n nag aapoy at marahan na ibinuhos sa mahaba kong buhok.

Hindi na nagiging malungkot ang buhay ko pag nandito siya sa isla,kaya lang.
Hanggang kailan siya dito.?Pag umalis siya,wala na ulit akong makakasama bukod sa mga bantay ko,habang nag hihintay kina Kuya Noah.

"Kamahalan, maaari ka bang makausap?".
Tinig ni Louis
Isa sa bantay ko

Tumingin ako sa kanya

"Ano yon?"tugon habang nakapikit

"Ang taong lobo iyon,tila ba napapalapit ka nasa kanya."

Minulat ko ang aking mga mata

Napakunot ang aking noo

"Wala akong makitang mali don"
Sagot ko

"Huwag niyong masamain..iniisip ko lang po ang  kaligtasan mo ,mahal na Prinsipe."

"Huwag kang mag alala,tulad ni kuya Noah, siguradong Isa siya sa mga taong mapagkakatiwalaan."
Tugon ko

"Pero kamahalan,ayon sa natanggap kong balita,ang alphang iyon isang mapag paslang at tinutugis ang lahi natin.'

Natigilan ako

"Saan mo nakuha ang balita?"tanong ko

"Minsang lumabas ako sa Isla,tumungo ako sa mundo ng mga tao,at doon may napag alaman akong usap usap tungkol sa naganap na pag sugod ng ating lahi muli sa mga taong lobo,at Isa na doon ang taong lobo na ang nagngangalang na Alpha Zivielle o mas kilalang Alpha Ziv na ngayon ay iyong guro kamahalan.

Bawat na matagpuan niyang itim na demonyo ay agad niyang napag lalaruan sa kanyang mga palad na tila isang laruan lamang.
Kaya kamahalan, pakiusap mag ingat ka sa kanya.Nakomperma ko din ito at napatunayan nang makausap ko ang Beta mate na kaibigan ni Luna Noah ."

Napatingin ako sa apoy na tubig,..

pero ....Mali ito

,ano ito...

Bakit ganito ang nalalaman ko tungkol sa kanya.
Paano?naging ganon siya ..pero mabait siya,mabuti siya lalo pag  kaharap,at palagi niya akong itinuturing na isang kanyang mag aaral.
Pinag luluto niya din ako ng mga dessert na favorites ko,binibigyan ng mga makabagong kagamitan.

Galit siya sa lahi namin.....

pero hindi din ugali ng bantay ko ang gumawa lamang ng kwento.

Muli sumalok ako ng tubig,..

Nalungkot ako bigla,..

Sana mali ang nalaman niyang balita,umaasa akong nag kakamali lamang siya,dahil kong totoo ang lahat at pinag lalaruan lang pala niya kaming natitira,..
Hinding hindi ko siya mapapatawad...







My not  so Ordinary Stalker(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon