"Oenliver Pov"
Hindi ito dapat nangyari?..
Lubos kong sinisisi ang aking sarili dahil naroroon ako at wala akong nagawa .At ngayon,gusto nang umalis na nang mate ko .
Iniiwasan ko siyang makausap .Kong ito lang ang paraan para di niya ako iwan.
Hindi na sila maaaring umalis dito.Dahil kong gumawa na ng hakbang ang mga kalaban namin.Siguradong may nalalaman na sila.
Noon pa man nais na nilang pabagsakin ang aming mga lahi.Hindi namin alam kong anong nilalang ang aming mga mortal na kaaway.Ngunit tinatawag silang lipun ng mga itim na demonyo.
Karamihan sa kanila ay ay may ibat ibang uri ng mga pinaghalo-halong halimaw sa isang katawan lamang.
Ang palasyo ay gumagawa narin ng hakbang,Lalo na hindi lamang ang pack namin ang sinugod nito maging ang palasyo.
Kaya nagbitiw ng utos ang mahal hari na manatili ang mga pinuno sa kanilang pack na kanilang pinamumunuan.Isang mindlink ang natanggap ko bigla
"Oen,pumunta ka sa study room.Kailangan kitang makausap."
Si Uncle"Papunta na,uncle"
Wala akong sinayang na oras,nagmadali akong tumungo roon.Segundo lamang at nakarating ako sa tapat ng pinto.
Kumatok muna ako bilang pagpapaalam na naririto ako sa pinto.
"Pumasok ka"tinig ni Uncle
Agad naman akong pumasok."Umupo ka"dagdag pa niya
Ng magawa kong nakaupo,hinarap ko siya na ngayon ay nakatingin sa saaking kinaroonan,ang lamig ng tingin niya hindi ko tuloy maiwasang kabahan.
Huminga siya ng malalim saka nagsalita
"Tinawag kita dahil sa isang bagay."
Dahil ito sa nangyari"At iyon ay dahil sa gusto kong bantayan mo ang Luna."
Nagsalubong ang kilay ko at gulat na gulat na nakatingin kay uncle
"Uncle,noong huli kong binatayan ang Luna,napabayaan ko siya hindi ko nagawa ang tungkolin ko sa mga oras na iyon.Nakikiusap ako ipagawa niyo nalang sakin ang ibang tungkolin huwag lang ang bantayan siya.Ayaw kong muling maging palpak at mapabayaan sa pangangalaga ko ang Luna.."
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya,sa pamamagitan noon randam ko na doon niya nilabas ang mabigat niyang pinagdadaanan
"Wala kang kasalanan.Ako,...ako ang nagkulang."ang lungkot ng tinig niya
Napayuko nalang ako,ayaw kong makita si Uncle na nag kakaganito na tila pas-an niya ang mundo.
Dumaan ang katahimikan
"Uncle,sabihin mo anong gagawin ,at susundin ko po."
Sa pag kakataong ito,hindi ko na bibiguin si Uncle.
At hindi ko papabayaan pa si Noah.At babaguhin ko ang pananaw ng mate ko tungkol sa pack namin.........
Ilang araw ang lumipas,umalis kami sa pack house.
Kasama ko ang mate ko at si Noah.
Nasa maayos na siya ngayong kalagayan at mabilis lamang na naghilom ang sugat niya maging ang pasa sa katawan dahil sa marka ni Uncle."Bakit biglaan?"tanong ni Noah
Tinatanong niya kong bakit aalis kami ng pack
"Ipapaliwag ko ang lahat pagdating natin sa syudad."
Sabi ko
BINABASA MO ANG
My not so Ordinary Stalker(BxB)
FantasyIsa lang akong simpleng tao,na nagustong mabuhay ng normal tulad ng karamihan. Pero sa isang kisap mata ,may isang taong dumating sa buhay ko na hindi ko inaakalang gagawin niyang kakaiba ang magiging takbo ng buhay ko. Ang iniisip kong normal na b...