"Noah Pov"
Ilang days na masayang masaya ang araw namin lahat,nagkakasundo at mas Lalo ko pang nakikilala si Fireen.
Isa siyang bata na may mabuting puso, napapansin ko din ang mga kakulangan sa kanya..
Para bang marami siyang hindi pa nauunawaan sa paligid.
Alam kong bata siya at normal lang yon,at tuwing sa oras na nag tatanong siya mas natutuwa akong turuan siya sa mga bagay bagay na dapat niyang malaman.Dati kasa-kasama pumupunta ang dalawa niyang bantay ngunit ngayon ay nag isa nalamang siya .
Nagkaroon narin kami ng usapan na mag aaral kami ng 2-3 oras na ilalaan upang siya maturuan.
Nag eenjoy talaga ako,kung sana lang ay may kapatid akong tulad niya sobrang akong sasaya."Kuya,tingin mo ba tamang pumasok ako sa paaralan?"
Siya nakatutok ang mata sa math problem na kanyang sinasagotan.Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Oo naman,bakit ang hindi?"
"Kasi hindi ako tulad nila,marami pa akong dapat aralin at ugaliin sa tulad ng kanilang paaralan.".
Ang lalim ng salita niya pakiramdam ko hindi bata talaga ang kaharap ko"Ang lahat ng bata ay nagsisimula sa walang kaalam alam,at kaya sila pumapasok sa paaralan upang matuto ."
Ibinaba niya ang hawak niyang lapis saka inangat ang tingin sakin
"Hay.... Mahirap po kasi para sakin lalo na at hindi ko sila katulad"
Napahinto ako
"Anong ibig mong sabihin?"
Sandaling napatitig siya na tila ba pinag aaralan ako.
Pero makalipas lang ng ilang sandali ay bumuka ang kanyang bibig
Na para bang may gustong sabihin ngunit agad ring natitigilan.Huminga ako ng malalim.
"Kong ano man ang iyong iniisip na di mo magawang masabi,ayos lang huwag kang mag alala naiintindihan ko."
Umiling siya
"Kong mag sisinungaling ba ako, magagalit ka ba sakin?""May nagawa ka bang dapat ikagalit ko?,imposible naman iyon hindi ba?kasi napakabait mong bata"nakangiti ko pang sabi
Gusto kong ma relax lang siya at wag mag alala
"May nagawa ako,kaya dapat magalit ka"
Napayuko na siya at mahina sabiNagtataka man ay minabuti kong hindi magpakita ng pagkalito sa mga sinabi niya
"Ano yon?ano yong ginawa mo?"
"Nais kong maibahagi ito ng buo,at makakaasa ba akong hindi ka magpapadalos-dalos? papakinggan mo ba ako ng hindi muna gagawa ng kahit anong desisyon hangga't hindi ko pa natatapos lahat ipaliwanag?"
O--k Anong nangyayari?parang dapat akong maghanda ah.
Parang dapat kabahan na ako dito.. ngunit kong iisipin,bakit nga ba mag sisinungaling ang batang ito na malayo naman sa kanyang kinikilala kong ugali niya?Tumango ako
Muli ay huminga siya ng malalim
"Hindi ako tao ,tulad nila...alam kong maging silang nakakasama mong mga taong lobo."
Nagulat ako sa aking narinig,muntik na akong makapag salita pero pinigilan ko dahil may usapan kami na patataposin ko muna siya.
Pa-paano niya nalaman?at ang mas nakakagulat dito ay ang sinabi niyang hindi siya tao.
Taong lobo din kaya siya?at kaya ba iba nalang ang kinikilos nila ng mga kasamahan nina Diriko at Oenliver.
"Hindi ko ko ninais ang itago sayo.Dahil kakaiba ka at napaka buti mo po lalo na sa sakin kaya naman hindi ko na kayang mag tago pa.
Hi--hindi ako mabuti tulad ng iniisip mo,nag mula ako sa lahi ng mga itim na demonyo"Pakiramdam ko tumigil ang mundo.
Hindi ko nagawang makareak at tila nabingi .Akala ko,ang makilala ang lahi ni Diriko ang pinaka nakakagulat na katotohanan,ngunit may mga bagay pa pala akong dapat pag handaan
"Hindi ko ginusto ang mga ginawa ng aking ama.Dahil sa pamamalakad niya may mga nadamay na inosente sa lahi namin at maging sa mga taong lobo.
Alam kong ako nag hinahanap ng Alpha na iyong Mate,ngunit hindi ko magawang lumayo sayo kahit pa napakapanganib Lalo na mate mo siya.
Ikaw lamang ang nag pakita ng kabutihan sakin at masarap sa pakiramdam ng may taong nag aalaga at nag aalala para sakin.
Ngayon lamang sa tanang Buhay ko na may katulad mong nag pasaya sa pakiramdam ko,ang init ngunit masarap sa puso ko.Maniwala ka sana,hindi ko ginusto na lokohin ka.At lalong wala akong kinalaman sa plano ni ama noong nabubuhay siya,wala din akong galit sa iyong mate o lahi ng mga taong lobo.
Sa totoo lang hindi ko din ginusto ang hakbang na ginawa ni ama,kaya pikit matang nagtatago ako sa dilim upang di ko makita ang kaniyang mga pagkakamali.
Nagbingibingihan ako sa mga sumisigaw , upang manatili ang aming lahi,ngunit ng makilala kita nag bago ang aking pananaw,maling mali si ama,at nag sisisi ako na hindi ako gumawa ng hakbang upang siya ay mapigilan.
Ayaw ko magpatuloy pa ito patawad,patawad sa lahat"
Nakayuko siya bakas ang pag sisisiHindi ko magawang magsalita,parang isang bangungot ang nararanasan ko ngayon,isang malaking masamang biro.
Sa dinami dami ng mga makakasalamuha ko sa mundong ito,hindi ko talaga maisip bakit malapitin ako ng mga katulad nila.
At ngayon,muli ay naiipit ako sa sitwasyong kailangan kong pumili at mag desisyon para sa ikakabuti sa pagitan ng mga taong malalapit saakin.
"Pakiusap, magsalita ka.. sabihin mo ang gusto mong sabihin..Huwag ang ganito,lalo akong nababahala sa pananahimik mo,kuya."
"Hi-hindi ko alam kong anong dapat kong sabihin .Nakakabigla ang lahat ng mga sinabi mo."
"Nauunawaan ko kong magagalit ka,at pagtulungan niyo akong taposin dahil sino bang hindi, pagkakataon na ito para makapaghiganti ang mate mo saakin."
"Ano?!,hindi niya iyon magagawa,hindi siya basta basta magpapataw parusa sayo kahit pa na Isa kang demonyo,ang kasalanan ng iba ay hindi magiging kasalanan mo."
Sandali.....taong lobo sila Diriko.At alam nila na hindi siya normal na bata .
Kaya kakaiba ang kinikilos nila at ang panatili ng iba pang mga pack members dito.Pero bakit hindi nila sinabi sakin..bakit?
May karapatan din akong malaman hindi ba?parte ako ng pangyayaring ito.
Kaya dapat ipinaalam man lang nila .Pakiramdam ko tuloy wala akong halaga.
BINABASA MO ANG
My not so Ordinary Stalker(BxB)
FantasiIsa lang akong simpleng tao,na nagustong mabuhay ng normal tulad ng karamihan. Pero sa isang kisap mata ,may isang taong dumating sa buhay ko na hindi ko inaakalang gagawin niyang kakaiba ang magiging takbo ng buhay ko. Ang iniisip kong normal na b...