Chapter 6

72 11 0
                                    

Apologizing is admitting your mistake. We're not always right. In every good things we do, there's always one thing we made wrong. It's just that, we have to lower down our pride to make things better.


Gabi na at may pasok ang lahat pero ako ay hindi pinayagan. They let me go back to my room to continue resting na talaga namang nakakasawa na. Simula umaga ay nagpapahinga ako tapos pati naman sa gabi? Para naman akong may malalang sakit sa lagay na 'to.

Sinabi lang ni Lixe na magpahinga ako pero hindi niya naman sinabing hindi ako pwedeng lumabas. I know that they already told me not to get out kapag gabi especially when I'm alone. Maraming klaseng kapahamakan ang haharapin ko.

I know that. As always. Wala eh. Pinasok ko ang mundo nila kaya ano pa bang aasahan ko?

I'm just feeling so guilty for what I've done earlier. Si Lixe, nakapag-sorry na ako sa kanya dahil palagi niya naman akong dinadalaw. Wala naman sa kanya 'yon kase alam niyang naninibago pa ako. But Heaven, I never seen her after I throwed those hurtful words to her. Hindi na siya nagpakita sa'kin pero sabi ni Lixe ay hindi naman daw siya galit.

I don't want to be alone here without doing anything. Gusto kong lumabas para kumain sa dining hall. I haven't eaten there every night because neither of us will cook for our dinner. Wala naman na sigurong bampirang kumakain do'n ngayon dahil 8:00 na at syempre may klase sila.

Dala ang librong kinuha ni Red kanina para basahin ko ay lumabas ako ng dorm suot pa rin ang pajama at saka jacket. It just suits the weather because it's really cold at night.

P-Parang... umuulan ng nyebe dahil sa lamig.

"Why are you walking here in this hour? Hindi ba dapat nasa klase ka ngayon?"

Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa paligid para hanapin ang nagsalita. When my eyes stopped in front, I saw the Black Zythe walking towards my direction. 'Yong nagsalita.. I remember his name Xian. Hindi naman nila ako sasaktan 'di ba?

"Ah... K-Kase... H-Hindi ako pinapasok ng leader ko para magpahinga." Mahigpit ang hawak ko sa librong dala ko at nakatungo lang.

"Eh, bakit nandito ka? You're supposed to be on your room, right?" That Aiko said with authority on his voice.

Jusmeyo! Gusto ko lang naman kumain pero ba't ganito?!

Napalunok naman ako at nag-angat ng tingin."Nagugutom po ako. Bawal po bang kumain?"

"Eating while reading a book? Seriously?" T-Their leader... Jyron, looks so annoyed.

Pinagtutulungan ba nila ako?! Argh.

"Isasauli ko lang po 'tong librong pagkatapos kong kumain."

Para naman silang mga tanod na sobrang strikto kapag may naabutan ng curfew. Hmp!

"Go back to your dorm right after you eat. Delikado pa dito sa labas lalo na't hindi ka pa masyadong sanay." Good thing Kuya Seven has a kind heart.

Hindi talaga ako papabayaan ni kuya kahit na anong mangyari. He's the best savior ever!

"Ah, gusto ko pa munang magbasa sa library. I've been staying in my room for the whole day. It's kinda boring at ako lang mag-isa sa kwarto ko."

Lahat sila tiningnan ako ng nakakunot ang noo."Boring o natatakot ka lang na mag-isa? Sabihin mo lang, matatakutin daw ang mga tao eh."

Kaya pala mukhang naiinis si Lixe kay Aiko. He's so mayabang.

"Takot? Sino? Ako?" Pagak akong natawa at hinipan ang bangs ko."I'm not afraid of anything. Totoo namang boring talaga mag-isa. Hindi naman kase ako kagaya ng ibang mga bampirang tamad magbasa," I added and smiled at him widely.

The Prophecies RevertWhere stories live. Discover now