Chapter 36

57 6 0
                                    

Amidst the ordinary, lies the extraordinary; for in the hands of the unnoticed, a unique skill can illuminate the path to salvation. Life's salvation lies not in grand gestures, but in the quiet courage of ordinary hearts. Just as destiny whispers through the chaos, the girl in the prophecy carries the burden to save everyone.



"Ano 'yong narinig ko, Mali?! Did you tried to kill yourself?! For goodness sake, why would you do that?!"

Napapikit ako sa galit na boses ni Kuya Seven nang bigla siyang pumasok sa silid ko. Hindi na siya napigilan pa ng kawal na nagbabantay sa labas kahit pa ang mga tagasunod ay takot na lumapit sa kanya. His expression says it it all. Galit siya.

I let out a deep sigh. "Kuya, wala. Hindi ko ginawa. Just calm down."

"How can I calm down knowing that my cousin almost killed herself just because of a guy?!"

"Hindi naman ganoon 'yon, Kuya. He's out of it. Wala na akong pakialam sa kanya."

Liar, Mali. Kahit ilang beses ko pang gustuhin na mawalan ng pakialam sa kanya, he suddenly pops up in my mind. That's really annoying! I distracted myself to forget him. I avoided doing things that could make me remember him. And the hell, I even broke the bond between us just to lessen the pain.

Hindi ko talaga siya tuluyang makakalimutan lalo na't nasa iisang school lang kami at nagkikita pa.

"He's married to Mavis, Mali. Tandaan mo 'yan. He cheated. Hindi pa kayo hiwalay no'ng sinabi niyang ikakasal na siya sa best friend niya. He lied when he said he loves you. Kung totoong mahal ka niya, bakit niya gagawin sa'yo to?!" He couldn't control his emotions anymore.

Kung nandito lang sana si Eurisse, hindi siya aabot sa ganito. He won't calm down unless his match will be the one to do it.

"K-Kuya tama na.. Sinasaktan mo na ako." Umiwas ako ng tingin para pigilan na maiyak.

"I-I'm sorry, princess. Hindi sinasadya ni Kuya." Lumapit kaagad siya sa'kin para yakapin ako. "Just don't make me worried anymore. Huwag na huwag mong uulitin ang ginawa mo kanina."

"Yes, I won't."

Saktong pagkalabas ni Kuya ay biglang sumakit ang bandang tiyan ko kaya umupo muna ako sa kama saglit. I was breathing heavily, closing my eyes while my other hand was holding my belly. What's happening?

Hindi naman siya gaanong masakit pero hindi muna ako gumalaw. What now? I don't want to have this child but now here I am, hoping there's nothing wrong. Napagtanto ko lang na takot lang akong magkaroon ng anak ngunit wala akong planong ipalaglag o patayin man ito. This is also my flesh, my blood. Hindi ako nagawang pagtangkaan ni Mama ng masama no'ng dumating ako. Why would I even do it to my own child?

Kaso lang, ang bata ko pa. Pa'no na to?

I decided to go back to the Academy after that. Kasama ko si Kuya na bumalik at dumeretso rin ako kaagad sa dorm para magpahinga ulit. That was my life cycle. Magpapahinga. Kakain. Papasok sa gabi.

"Hindi ka ba nayayamot d'yan sa kwarto mo? Daig mo pa ang kinulong."

Napaigtad ako nang biglang pumasok si Red galing sa balcony kong nakabukas. He's wearing a formal attire. Saan ba siya galing? Ang tagal na no'ng huli ko siyang nakita at nakausap.

"Where did you go? Huling kita natin no'ng promenade at pagkatapos ng birthday ko hindi na tayo nagkita ulit." Kumunot ang noo ko.

He smiled at me horribly. "Ikaw ah, namimiss mo'ko no? Syempre naman, baka Red 'to. I'm so handsome."

The Prophecies RevertWhere stories live. Discover now