Chapter 22

58 9 0
                                    

Birthdays become special when you find solace and happiness for existing in another year of your lifetime. Despite that, it can be a nightmare for someone who shares the fate of darkness. How can you be happy in your special day knowing that revelations and threats were greeting you undoubtedly.


October 31, year 2003, the princess of Alcarmenia was born. Niane Maliseth Azore Perth, half-vampire and the other half of her blood isn't a pure human but an extraordinary one.

Madalas akong nahihimatay nitong mga nakaraang araw at halos hindi na ako makatulog sa sakit ng balikat ko. Maybe because my birthday is coming, the day after tomorrow. It was the reason why Kuya Seven did not let me attend my remaining classes before my birthday. Hindi kase namin alam kung kailan ulit sasakit ang birthmark ko o kailan ako hihimatayin bigla. I should be more extra careful.

"You saw this coming, right?" tanong ko pagkatapos uminom ng tatlong sipsip ng dugo mula kay Zandrei.

Sumabay din sa mga nangyayari ang pagtatakam ko sa dugo niya halos araw-araw. Kuya Seven told his father about my cravings and he gave us a warning not to drink it more often. Kaya hindi lang ako pati rin si Zandrei nagpipigil kapag bigla akong nauhaw. Sometimes they allowed me to drink his blood three sips equivalent for two days. Mas mabilis kase lumalakas at nagre-response ang katawan ko kapag nakainom ng dugo niya.

And ever since I remembered some of my past with him, I'm slowly getting more comfortable with his presence. Tinatawag ko rin siya minsan sa kung anong nakasayanan ko noon. I don't want to be unfair sa kanila ni Kuya. He's also someone closest to me.

"Yes, Mali. I've forseen what will happen on your day." Bakas ang pag-aalala sa mukha niya, hindi naman nawala 'yon sa araw-araw niyang nasasaksihan ang nangyayari sa'kin.

Dahan dahan akong umupo sa kama niya."What will happen? Mamamatay ba ako? Be honest."

"Ano bang klaseng tanong 'yan Mali?!" That was the first time I saw that expression of him."Syempre hindi! Akala mo ba hahayaan naming mangyari 'yon sa'yo?"

"Fate is something uncontrollable. Hindi nga naiwasan 'yong nangyari kina Mama at Papa, sa'kin pa kaya," mapait kong sambit.

Sinasabi ko sa sarili kong kapag nabuhay pa ako at kinaya kong magbago sa araw na 'yon, ipagpapatuloy ko ang paghahanap ng kasagutan sa mga magulang ko. That's the only thing that motivates me to live. To get the answers and remember everything.

"Hush, stop it! Hindi ko na gusto ang mga naririnig ko, Mali."

Pinayagan ni Kuya Seven at ang tatlong masters na bumisita rito sina Lixe at Heaven. They were my only close friends except Eurisse. Madalas nga rin kaming magkasama kapag wala siyang ginagawa dahil dito naman siya namamalagi. They took care of me and it really touches my heart.

"Tomorrow is the prom night. Ngayon pa lang abalang abala na ang lahat para sa paghahanda sa event bukas ng gabi." It was Heaven's voice in the salas.

Lumabas ako ng kwarto para magpahangin pero nang marinig na may pinag-uusapan sila ay hindi muna ako nagpakita. Kahit naman na alam kong walang silbi ang pagtatago ko dahil ramdam nila ang presensya ko. All of them can sense it.

"Sasali ba si Nia sa event bukas? Alam kong malulungkot siya kapag iniwan natin siyang mag-isa rito. You guys know that our presence are needed to fulfill the vampires excitement for the promenade," Lixe sounded worried.

No one talked to me about the promenade. Baka walang plano si Kuya na isali ako ro'n.

"She'll join the prom, I'll bring her. Gusto kong mapasaya siya bago ang birthday niya." Napangiti naman ako nang sabihin mismo ni Kuya 'yon.

The Prophecies RevertWhere stories live. Discover now