Chapter 31

58 8 0
                                    

In the dance of emotions, uncertainty can be a delicate waltz. When feelings towards someone special are a blend of mystery and admiration, it is a beautiful reminder to embrace the one who holds the other piece of you. However, in a situation where competing with feelings occurs, would it be better to accept defeat?



Dalawang araw na ang nakalipas simula nang ipasok ako ni Tito Art sa training kasama ang mga healers ng palasyo. I also found out that their healing ability is different from what I have. Kumbaga, kung sa akin glowing light, sa kanila naman ay green na umiilaw lang kapag itinatapat na sa sugat. As for me, it suddenly glows before I could place it to the wounded part. Mabilis lang din humupa ang sugat kapag healing ko ang ginamit. While it takes 2 to 3 minutes for them to heal.

However, there are some things I couldn't do compared to them. Aminado naman ako ro'n dahil mas may alam sila kumpara sa'kin. Yes, my healing ability is kinda stronger than them, but they can manage to do it properly with great concentration, which I find hard to do.

"Prinsesa, huwag mong madaliin. Hindi naman nangyayari ang pagpapagaling sa madalian lamang," pangangaral sa'kin ng punong tagapagpagaling rito sa palasyo.

Siya ang namamahala sa mga healers. And now she's teaching me basic skills on how to heal big wounds. Hindi naman talaga bampira ang pinapagaling namin kundi isang bagay lang na may buhay. This is what they used to practice healing abilities for beginners.

"I managed to heal a griffins wing. Why can't I do simple healing like this?!" inis kong tanong sa sarili ko.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. "Iba ang pagsasanay mo ngayon, prinsesa. Dinadama ng bagay na 'yan ang kapangyarihan mo. Hindi mo magagawang magpagaling kung wala kang determinasyon na gawin ito."

"Why is that? I am determinated! Kanina ko pa sinasamo na gumaling na ang sugat na 'yan ngunit ayaw naman," I almost sounded surrendering.

"Walang dugong maharlika ang marunong sumuko. Lahat ng gusto mong makamit, pinaghihirapan." She left me here to check for the other beginners like me.

Kung tutuusin, mas malakas naman ako sa kanilang lahat dito. But failing to do just a simple task like this wouldn't prove me as one. May nakita pa akong mas bata kaysa sa'kin at nagawa niya nang maayos ang parehong bagay na ginagawa ko. How is this so hard for me?!

I tried to calm my breathing, feeling everything that surrounds me. 'Yon ang basic na gawin para ipalabas ang kapangyarihang taglay ko. When I felt like my hands were getting heavier as it started glowing like how it used to be, I closed my eyes to concentrate even more. Kapag pumalpak ako sa kalagitnaan nito, makakaramdam ako ng pagkaubos ng enerhiya. And it really happened.

"Magpahinga ka muna, prinsesa. Mamaya mo na ipagpatuloy 'yan. Kung palagi mong ipipilit, unti-unti ring mauubos lahat ng lakas sa katawan mo," payo niya pa sa'kin.

I end up quitting the class because of failure. Sobrang nakakahiya 'yon. Everyone was looking at me doing my healing session and then it didn't work out. Kilala ako ng lahat sa palasyo bilang isang prinsesa kaya ginagawa ko ang lahat para hindi pumalpak. But I did. For countless times already.

"Hindi lahat nakukuha sa madaling paraan," paulit ulit kong bulong sa sarili ko nang makapasok sa silid.

I need to rest for a bit. Kailangan kong bawiin lahat ng lakas na naibigay ko sa pagsasanay na 'yon. I'll consider it as a lesson.

"Mahal na prinsesa, gumising po kayo!"

Naalimpungatan ako nang maramdamang may yumuyugyog sa balikat ko. When I opened my eyes, I saw a servant with her nervous reaction.

The Prophecies RevertWhere stories live. Discover now