Chapter 24

64 9 0
                                    

When faced with sudden changes in life, it can be challenging to determine whether they are good or bad. Nevertheless, acceptance is the key to move forward amidst the uncertainties that lies ahead. When you let go what you are, you become who you want to be.


—————————————

"Pwede niyo po ba akong samahan dito na maglaro? Umalis pa kase si Kuya Seven."

Tiningnan lang ako ng tatlong babaeng palaging nakasunod sa'kin dahil sa utos ni Papa. Sabi niya kase hindi ako pwedeng maglakad sa palasyo na ako lang mag-isa. At dahil hindi ako marunong sumuway ng utos, sinusunod ko palagi ang sinasabi niya.

"Ang utos lang sa amin ng iyong ama ang dapat naming sundin. Hindi gawain ng mga tagasunod ang makipaglaro sa paslit na kagaya mo," taas-noong sagot ng babaeng nasa gitna.

Agad naman akong tumango bilang pagsang-ayon. "Sige po, ako na lang ang maglalaro."

"Bakit hindi mo na lang siya sundin? Prinsesa siya ng ating kaharian."

Nagpatuloy ako sa paglalaro ng ginagawa kong bahay bahayan. There are so many parts to complete the puzzle. Matagal ko itong matatapos kung walang tutulong sa akin na buuin ito.

"Isa lang siyang sampid, and hindi inaasahang bunga ng kasalanan. Hindi siya tanggap ng hari lalo na ng mga councils sa labas."

Hindi ko maintindihan ang mga pinag-uusapan nila kahit na rinig na rinig ko dahil nasa likuran ko lang naman sila. Patuloy pa rin ako sa paglalaro ng binigay sa'kin ni Tito Arthemis na nakakamanghang mga bagay.

"Iwan na natin siya rito. Limang taong gulang na siya, kaya na niyang mag-isa."

"Baka mapagalitan tayo rito! Paano kung may mangyari sa kanya?" Tiningnan ako no'ng isa bago sumama sa dalawang tagasunod kong nauna.

Baka may iba pa silang dapat na gawin bukod sa pagbabantay sa'kin kaya hinayaan ko na lang sila. Kaya ko na rin naman ang sarili ko at sinanay ako ni Papa na matutong tumayo sa sariling mga paa. Hindi kagaya ni Kuya Seven ay kaya ko nang paliguan at bihisan ang sarili ko, kumuha ng sarili kong pagkain sa mesa, at matulong nang walang nagbabantay.

Hindi na rin naman bago sa'kin 'yon sa tuwing may inaasikaso si Papa at kasama niya rin si Mama. Okay lang din at naiintindihan ko naman.

"Nasaan ang mga tagasunod mo, Niane? Hindi ba't ibinilin kita sa kanila?" Hinawakan ni Papa ang magkabilang balikat ko.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Umalis sila kanina, Papa. Narinig ko kase silang nag-uusap kanina pero hindi ko naman maintindihan. Hinayaan ko lang dahil baka may importante pa silang gagawin."

"What's more important than just following you around? Isa lang ang utos na binigay ko sa kanila at hindi pa nila magawa ng tama."

Hinawakan ko ang magkabilang mukha niya para hindi na siya magalit. "Wag mo na po silang pagalitan, wala naman silang ginawang masama. At saka maayos lang naman po ako ditong naglalaro kaya wala kayong dapat na ipag-alala."

"Prinsipe Aries, n-nandito na po kayo. I-Iniwan lang po namin saglit ang prinsesa—"

"Pumasok kayo sa silid ng pagtitipon, may pag-uusapan lang tayo," tukoy ni Papa sa tatlong tagasunod ko.

Agad naman silang napatingin sa'kin na animo'y humihingi ng tulong. Kahit naman ako ay walang alam kung ano ang gagawin sa kanila. Pero natatakot ako na baka pagalitan sila ni Papa sa ginawang pag-iwan sa'kin ng mag-isa.

"P-Papa..." Napalingon naman siya sa'kin at ginulo ang buhok ko.

"Kaya mo bang bumalik mag-isa sa kwarto mo? Pupuntahan kita mamaya." Hinalikan niya ang noo ko kaya napatango na lang ako bago sumunod.

The Prophecies RevertWhere stories live. Discover now