Jayden's P.O.VMuli akong napalingon sa harap at magbaba agad nang tingin kapag nagkakasalubong ang aming mga tingin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang unting hiya dahil nga nakahalikan ko siya kahapon. Gusto ko siyang makita ulit sa totoo kaso di ko alam na kinabukasan agad ay didinggin agad ni Lord.
Tapos malalaman ko pang Professor ko siya sa pinaka-iinisan ko na subject. Well baka good na rin yun para may inspiration sa pag-aaral at ganahan ako pumasok. Sino ba namang tatanggi sa gwapo hindi ba?
Minsan lang maka encounter nang gwapo at hot na tulad nitong si Prof. Plus mayaman pa. ( LOL sinabi niya kanina habang nagpapakilala siya. ) Bonus pa na medyo Pervy siya hihihi.
( Dahil sa nangyari kahapon. )"Hoy Gaga ikaw na!" Tapik sa akin ni Prince dahilan para mabalik ako sa wisyo. Napatingin ako sa paligid at napansing lahat sila ay nakatingin na sa akin at naghihintay. Kaya naman tumayo na ako at nagpakilala. Bukod tanging siya lang ang nagpagawa nito since bago lang daw siya at gusto niya kaming makilala.
"I'm Jayden Ryle Damon." Pagpapakilala ko at umupo agad. Nakatingin lang ako kay Prof. Nigel at nakatingin din ito sa akin habang nakangisi sa akin. Inirapan ko lang ito at idinukduk ang mukha. Grabe kung makatingin. Parang kakainin ako nang buhay.
Nagsunod-sunod na ang pagkakakilala at nang matapos na ang lahat ay tumayo siya sa harapan.
"I want you all to be ready. Madali lang ang Calculus kung aaraling mabuti. Tiyaga at pagsisikap ang unang sangkap para maging successful. Understand?" Mahabang litanya nito at tumango naman kaming lahat. Naiintindihan ko ang sinasabi niya, Pero mahirap talaga ang Calculus para sakin. Ewan ko ba kung bakit mahina ako sa mga numero.
Nagpatuloy ang pagsasalita niya sa harap at talagang di ko mapigilang mapatitig sa kanya. Ang cool niya kasi at the same time ang hot niya. Medyo fitted sa kanya ang suot niyang polo kaya naman sobrang bakat ang mga muscle nito sa katawan. Isang tingin ko palang ay alam ko nang batak ito sa gym o sa pagbubuhat.
Hindi ko na namalayan pa ang oras at natapos na pala ang klase niya. Isang oras na pala ang lumipas pero parang sampung minuto palang. O sadyang masyado lang akong tutok sa kanya?
"Next week na magsisimula ang lessons natin. It's better kung mag-advamce reading kayo nang topic natin para hindi kayo mahirapan." Sabi nito sa amin at tumango naman kami. Bago siya lumabas ay nilibot niya muna nang tingin ang room at tumigil ito sa akin.
Saktong pagtingin nito sa akin ay ngumiti ako sa kanya at kinagat ang pang-ibabang labi at kinindatan siya.Mukhang nagulat naman ito ngunit nakabawi rin agad dahil tinawag siya nang isa kong kaklase at tinanong kung bakit di pa siya nalabas. Napatawa tuloy ako nang mahina nang sinamaan ako nito nang tingin bago lumabas.
"Hoy anong tinatawa-tawa mo diyan?" Nagpatigil ako sa pagtawa nang mapansing nakatingin si Prince sa akin at para bang sinasabi nito na 'Naka singhot kaba prend?'
Kaya naman pinalo ko ang balikat nito at tinawanan siya. Nalukot ang mukha nito at tinalikuran ako. Bago yun ay muli siyang humarap sa akin at nag fuck-you sign. Mukhang naasar sa akin.
Nang dumating na ang sunod na professor ay agad na akong umayos at nakinig.
***
"May sundo kaba ngayon?" Tanong ko kay Prince at tumango naman ito. Sabay na kaming tumayo at lumabas nang classroom.
"Sayang sabay sana ako sayo eh! Wala kasing susundo sa akin." Sambit ko habang patuloy kami sa paglalakad. Tinawanan lang ako nito at tinanong kung bakit hindi daw ba ako susunduin ni Kuya Eros at Tito Calix. Kilala niya ang dalawang yun dahil nasanay na siya na silang dalawa ang maghahatid sundo sa akin maliban kay Alpha. Speaking of Alpha, Hindi pa rin natawag sa akin ang mokong.
Bahala siya sa buhay niya hmmph. Kapag siya ang tatawag di ko rin sasagutin."Mauna na ako." Paalam ni Prince at agad naman akong tumango sa kanya.
"Ingat ka." Sabi ko at tumango din ito bago tinahak ang daan papunta sa parking lot. Ako naman ay dumiretso sa main gate upang mag-abang nang taxi o kahit jeep.
Nang makarating doon ay marami ring tao at estudyante na mukhang naghihintay din nang masasakyan. Napatingala ako sa kalangitan at napansing kumukulimlim na. Nagbabadya pang umulan badtrip. Wala pa nama akong dalang payong.
Ilang minuto rin akong nag-abang nang masasakyan pero nakakainis lang dahil laging punuan. Nag-uunahan rin ang mga tao sa pagsakay at ayoko namang makipagsiksikan pa. Ang kaso eto at nagsisimula nang umambon.
Tumakbo ako papunta sa waiting shed at doon muna sumilong. Hindi nagtagal ay lumakas ang ulan at ang ibang tao ay wala nang ibang nagawa kung hindi ang tumakbo sa gitna nang ulan.
"Kainis." Naiinis na sabi ko dahil mas lalo lang lumalakas ang ulan. Mukhang gagabihin pa ako dito. Bwisit naman kasi eh! Wala namang binalita kung may bagyo ba. Ang lakas pa naman.
Nagulat na lamang ako nang may humintong itim na kotse sa harapan ko at nang ibinaba nito ang salamin nang kotse ay bumungad sa akin ang nakangiting si Professor Nigel.
"Malakas na ang ulan. Sumabay kana sa akin." Nakangiting pagyayaya nito sa akin ngunit umiling ako. Nahihiya pa rin kasi ako sa kanya. Atsaka nakakahiya ring sumakay sa kotse niya dahil basa ako.
"Hindi na po Sir. Salamat nalang po." Pagtanggi ko sa alok niya at may kasama pang iling. Ngumiti naman ito sa akin at binuksan ang pintuan.
"Tara na." Sabi nito sa akin kaya dahilan para mapangiwi ako at napilitang sumakay. Mababasa kasi ang loob kung hindi pa ako papasok.
"I didn't know that you are hardheaded." Ani nito dahilan para mapataas ang kilay ko sa kanya. Aba ako pa ang matigas ang ulo. Eh di niya ba alam na nahihiya akong sumakay sa kotse niya?
"I didn't know that you are a persistent person Professor Nigel." I said. Kailangan syempre english din ang pagsagot natin.
Tinawanan lang ako nito. May kinuha ito sa likod at binigay sa akin. Napataas muli ang kilay ko sa kanya bago iyon abutin. At may nakaready pang tuwalya huh?
"Drop the Professor. Wala tayo sa loob nang school." Sambit nito at kumindat sa akin. Inirapan ko siya at tumingin sa labas nang bintana. Hindi dahil sa naiinis ako kung hindi dahil ayokong makita niyang namumula ako. Bwisit paniguradong namumula ako ngayon. Bakit ba ako kinikilig eh kinindatan lang naman ako?
Bumuntong-hininga ako habang nakatingin pa rin sa labas. Tsaka ko lang napansin na hindi ito ang daan sa condo ko. At hindi pa rin siya nagtatanong tungkol sa address ko!
"Saan tayo pupunta?!" Tanong ko sa kanya pero para itong walang narinig kaya inulit ko muli ang tanong.
"Sa bahay ko." Kalmadong sagot nito pero ako ang kinakabahan!
"WHAT?!"
| ~ | ~ | ~ |
© RUSSENCE
BINABASA MO ANG
The Hot Professor | Book 1
RomanceLingid sa kaalaman ng karamihan, Ang binatang si Jayden ay isang discreet bisexual. Maaari siyang magkagusto sa isang babae o hindi naman kaya ay sa kapwa niya lalaki. Tatlong tao lamang ang nakakaalam ng kanyang sikreto, Ang kanyang Tito Calix at...