Jayden's P.O.V"Magandang tanghali." Bati ko kay Alpha at Prince na kasalukuyang kumakain ngayon dito sa cafeteria. Hinihingal na napaupo ako sa tabi ni Alpha at walang paalam na kinuha ang tubig niya at doon na uminom.
Nakakapagod grabe! Akala ko ay hindi na ako makakahabol sa afternoon classes ko buti nalang mabait ata sa akin si MotherEarth sa akin ngayong araw at nakarating ako dito agad.
"Anong nangyari at bakit ngayon kalang?" Kunot-noong tanong ni Alpha sa akin, Hindi ko muna siya sinagot at tumayo. Sumenyas ako doon sa mga pagkain at tumango naman siya. Agad akong bumili ng makakain ko, Kanin at bicol express lang ang pinili ko.
Pagkatapos ay agad akong bumalik sa lamesa namin at agad nagsimulang kumain. Habang kumakain ay ramdam ko ang panaka-nakang pagtingin sa akin ni Alpha pero hindi ko muna siya pinansin at itinoon lang sa pagkain ang aking atensyon. Ayokong pumasok ng walang laman ang tyan ko, Grabe sa sobrang pagmamadali ko ay hindi na ako pumayag na kumain nang niyaya ako kanina ni Nigel.
Ang sabi niya ay wag na daw akong pumasok pa, Ang galing niya noh? Isa siyang teacher pero ini-encouraged niya yung studyante niyang wag pumasok.
Tuloy-tuloy lang ako sa ginagawa kong pagkain at hindi ko na namalayan pa kung ilang minuto na ang nakalipas, Napadighay na lamang ako ng mahina dahil sa pagkabusog.
"Oh!" Rinig kong sambit ni Alpha kaya naman nilingon ko siya at kinuha ang bote ng tubig na inaabot niya. Pagkatapos ay ibinaba ko na ito at muli siyang tinignan.
"Bakit ngayon kalang? Absent kana sa morning classes natin" Tanong nito sa akin.
"Nalate ako ng gising eh! Napasarap tulog ko." Palusot ko sa kanya. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na galing ako sa bahay ni Nigel at doon natulog. Nakipag-seggs sa kanya at ngayon ay nalate dahil sa pagod at medyo nahihirapan ring maglakad dahil sa laki ng alaga niya? Oh diba hindi naman pwedeng sabihin ko ang mga bagay na ito sa kanya.
"Hmmm. Nakausap mo na siya?" Hindi agad ako nakasagot sa kanyang tanong. Alam ko kung sino ang tinutukoy niyang siya. Si Nigel, Mukhang gusto niyang malaman ko o makausap ko si Nigel tungkol sa bagay na iyon.
"Hindi pa. Atsaka wala rin naman akong pakialam sa bagay na iyon." That's the truth, Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa bagay na iyon. Di ko pa nga nasasabi sa kanya na alam ko ang tungkol sa bagay na iyon at sa tingin ko ay hindi niya magugustuhan na malaman ko pa ang tungkol doon.
It's a Lie, Nung sinabi kong wala akong pakialam doon. Kahit gustong-gusto ko siyang kausapin tungkol sa bagay na iyon ayoko namang pangunahan siya at gusto kong siya mismo ang magsabi nito sa akin. Ayokong pilitin siya lalo na at alam kong sa huli ay sasabihin niya rin sa akin ang bagay na iyon.
Call me assumera or what, Pero malakas talaga ang pakiramdam ko na siya mismo ang magsasabi sa akin ng bagay na iyon. Not now but maybe soon.
Napakunot ang noo ko at tsaka ko lang napansin na wala na pala dito sa lamesa namin si Prince.
"Nasaan na si Prince?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Kanina bago ako magsimulang kumain ay nandito pa siya ah? Nasaan na yun?
"Nauna na sa room. May tumawag sa kanya kanina, Nagpaalam pa sayo kaso busy ka sa paglamon." Walang buhay at para bang bagot na bagot nitong sabi habang nakatingin sa akin. Inirapan ko siya at tumayo na rin.
Kasalanan ko bang gutom ako at mas napagtuonan ko ng pansin ang pagkain kesa sa kanila?
"Tara na." Yaya ko sa kanya at sabay na kaming naglakad papunta sa room. 10 minutes nalang din kasi at magsisimula na ang next subject, Which is ang subject ni Nigel.
Hindi ko lang alam kung may klase ba dahil hindi ako sigurado kong pumasok ba iyon dahil iniwanan ko siya sa bahay niya kanina. Ayaw niya kasi talaga akong papasukin, Mabuti na nga lang at may extra akong uniform sa kotse ko eh! Dahil kung hindi baka hindi rin talaga ako makakapasok ngayon.
Nang makarating kami ay agad naming narinig ang ingay nila, Paniguradong wala pa si Nigel or baka wala talagang balak pumasok.
Nang makaupo sa upuan ko ay napansin kong nakatulala lang at nakayuko si Prince, Tila ba malalim ang iniisip nito kaya naman hinayaan ko na lamang siya dahil pakiramdam ko ay wala akong karapatan na tanungin siya kung ano ang kanyang problema.
Oo chismoso ako pero alam ko naman ang limit ko, Hindi katulad ng iba dyan na walang pinipili at hindi iniintindi ang nararamdaman ng iba basta makakuha lang ng chismis.
"Magandang tanghali sa inyong lahat." Lahat kami ay natigilan at napalingon sa pintuan. Nakita ko ang seryosong mukha ni Nigel habang papasok sa aming silid.
Anong nakain nito at bakit parang sobrang seryoso niya naman ata?
Napansin kong tulala pa rin si Prince kaya naman tinapik ko siya ng mahina at ilang saglit pa ay bumalik na rin ito sa katinuan."Salamat." Bulong nito sa akin at tumango na lamang ako bilang sagot.
Itinuon ko ang atensyon ko kay Nigel na serysosong nagsasalita sa harap.| ~ | ~ | ~ |
© RUSSENCE
BINABASA MO ANG
The Hot Professor | Book 1
RomansLingid sa kaalaman ng karamihan, Ang binatang si Jayden ay isang discreet bisexual. Maaari siyang magkagusto sa isang babae o hindi naman kaya ay sa kapwa niya lalaki. Tatlong tao lamang ang nakakaalam ng kanyang sikreto, Ang kanyang Tito Calix at...