Jayden's P.O.V"Gusto mong pumasok muna?" Pagyayaya ko sa kanya. Tila nagdadalawang-isip pa ito kung papayag ba siya o hindi pero sa huli ay pumayag rin siya.
Agad na kaming pumasok sa aking apartment at pagpasok palang namin ay napansin kong agad niya nang pinasadahan ng tingin ang paligid. Mabuti nalang talaga at hindi marumi ang paligid dito. Walang kalat at malinis lahat.
Hindi rin kasi ako ang tipo ng tao na hindi marunong mag-ayos o maglinis ng bahay. Gusto ko laging maayos bat malinis lalo na at laging nandito noon sina Tito Calix at Kuya Eros. Pero ngayong lagi nalang akong mag-isa dito hindi ko pa rin pinapabayaan na magkaroon ng kalat o magulo manlang ang bahay. Ang sakit rin kasi sa mata sa tuwing madadatnan mo ang bahay mo na makalat.
Yung tipong pagod kana nga galing sa school tapos pag-uwi mo ng bahay ay madumi kaya kailangan mo pang maglinis kaya doble ang pagod mo. Mabuti nalang at medyo clean freak ako pagdating sa bahay kaya kapag may bisita ay hindi nakakahiyang patuluyin sila dito sa loob.
Nag-paalam muna ako sa kaniya saglit na pupunta sa kwarto ko at iniwan ko muna si Nigel sa sala. Sinabi kong magbibihis muna ako saglit at tinanong siya kung ano o may gusto ba siyang kainin.
Pero ang sagot niya ay wag na daw, Busog pa daw kasi siya. Well kahit naman ako, Kakatapos lang namin kumain noon ng snacks bago kami umalis sa bahay niya kaya busog kami parehas. Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit at magbihis ay agad na akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa sala kung nasaan siya ngayon.
Nakita ko siyang nakatayo sa isang wooden drawer at nakatingin sa mga picture doon. Karamihan sa mga nakalagay doon ay picture ko kasama ang aking pamilya, sila Tito Calix at Kuya Eros at syempre si Alpha. Meron din kaming isang picture na magkasama ni Prince at nasa taas kami ng ferris wheel noon nakasakay, Nangyari iyon noong may field trip kami.
"Ang cute mo dito." Sambit niya habang nakatingin sa isang picture kung saan nakasuot ako ng pikachu na pajama. Tapos ang pang-itaas ko ay si Bulbasaur na malaking T-shirt. Kahit na medyo matangkad ako ay nagmumukha akong maliit sa picture na iyon kaya naman lahat ng nakakakita ng picture kong iyan ay sinasabihan ako ng cute o di kaya ay inaasar dahil para daw akong babae lalo na at mahaba ang pilikmata ko na mas lalo daw nagpaganda sa akin kahit na lalaki naman ako.
"Alam ko!" Taas-noo kong sagot sa kanya dahilan para tumawa ito ng malakas. Grabe mukha ba akong nagpapatawa?
"Yea, Sobrang cute at ang ganda mo pa." Hindi na ulit ako nakasagot pa ng sinabi niya iyon. Magpapanggap nalang ako na di ko narinig na sinabi niya iyon. Pero gahd! Hindi makalimutan ng utak ko ang sinabi niya! Kyahh! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at alam kong namumula na ang mukha ko ngayon dahil sa kilig at dahil sa nahihiya ako ng slight sa kanya.
"See? You're cute and adorable especially when you are blushing." Sigurado akong mas lalong namula ang mukha ko ng makatanggap ulit ng papuri mula sa kanya. Kalmahan mulang Nigel ako lang to! Grabe niya bumanat sa akin ngayon, Sobra niya akong pinapakilig.
"E-Ewan ko sayo!" Sabi ko na lamang at tinalikuran siya dahil hanggang ngayon ay nahihiya at kinikilig pa rin ako sa mga pinagsasabi niya.
Narinig ko ang mga yapak nito sa aking likuran at nagulat na lamang ako ng yumakap ito sa akin mula sa likod. Ipinatong pa nito ang kanyang baba sa aking balikat. Hindi na ako makagalaw dahil di ko alam kung anong gagawin ko at kahit medyo gulat ay komportable ako sa kanyang yakap.
Ilang minuto pa siyang nakayakap sa akin at bumitaw rin siya at iniharap ako sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at nakaramdam ng dobleng kaba ng mapansing nakatitig siya sa aking labi, Palipat-lipat ang tingin niya sa aking labi at sa aking mata. Tila sinisipat niya kung papayag ba ako na halikan niya ako o hindi.
Dahil na rin sa kaba ko kaya di ko na pinigilan pa ang sarili ko at ako na mismo ang lumapit sa kanya at humalik sa kanyang labi. Nagulat pa ito ng bahagya dahil sa aking paghalik ngunit hindi nagtagal ay agad rin itong tumugon at hinawakan niya ang aking beywang gamit ang kanyang dalawang kamay.
Habang ang aking braso at kamay ay nakapulupot sa kanyang leeg. Ilang minuto pa ang lumipas ngunit hindi pa rin kami natatapos sa aming halikan, Naramdaman ko na ang pagsisimulang mag-init ang paligid at alam kong ganun rin ang kanyang nararamdaman.
Ako na ang tumapos sa aking halikan at parehas kaming naghahabol ng hininga. Malalim kaming nakatitig sa isa't isa at ramdam ko ang tila ba kuryente na dumadaloy sa aming balat na magkadikit.
Napapikit pa ako ng aking mata ng maramdaman ang paghalik niya sa aking leeg. Hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko na mapaungol dahil sa ginagawa niyang paghalik sa akin. Nakakaramdam ako ng kakaibang kiliti na hatid ng kaniyang labi.
Naramdaman ko na lamang ang pag-angat ko at ang pagbuhat nito sa akin. Muling umangat ang kaniyang labi papunta sa aking labi at muling nagkasugapaan ang aming mga bibig. Napapapikit na rin ako at ang alam ko lang ay naglalakad siya habang buhat ako patungo sa kung saan.
Narinig ko pa ang pagbukas ng pinto at ang pagsarado nito. Nang maramdaman ang malambot na bagay sa likod ko ay tsaka ko lamang nalaman na nasa loob na pala kami ng kwarto ko.
Nang muling naghiwalay ang aming mga labi ay muli kaming nagkatitigan. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya at tila ba magnet ito at inaatract ang aking mata.
Sa muling paglapit ng kaniyang mukha sa akin ay alam ko nang ito ang araw na ibibigay ko ang sarili ko sa kanya. Ibibigay ko ang sarili ko sa taong mahal ko.
| ~ | ~ | ~ |
© RUSSENCE
BINABASA MO ANG
The Hot Professor | Book 1
RomanceLingid sa kaalaman ng karamihan, Ang binatang si Jayden ay isang discreet bisexual. Maaari siyang magkagusto sa isang babae o hindi naman kaya ay sa kapwa niya lalaki. Tatlong tao lamang ang nakakaalam ng kanyang sikreto, Ang kanyang Tito Calix at...