Epilogue: Part 1

1.3K 43 7
                                    


Clark Nigel's P.O.V

"Uhmm." Rinig kong ungol ng babaeng aking nasa harapan, Marahas ang ginagawa kong paghalik sa kanya. Sa totoo lang ay hindi siya magaling o masarap man lang na humalik. Ang sakit rin sa tenga ng ginagawa nitong pag-ungol ngunit hindi ko na lamang ito pinansin pa.

Halos isang buwan na simula ng nagpalabas ako kaya naman hindi ko maiwasang tigasan sa mga magagandang babae na nakakasakamuha ko swerte nga dahil maganda siya ngunit hindi lang talaga magaling sa ganitong bagay. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang tunog ng sa tingin ko ay pag-ihi na naging dahilan para agad na maputol ang aming halikan at agad inayos ng babae na nasa harapan ko ang kanyang damit. Hindi ito makaangat ng tingin siguro ay natatakot na makilala siya nito kaya naman agad itong tumakbo palabas ng cr habang nakayuko.

"Tsk!" Dahilan para matigilan siya at napako sa kanyang kinatatayuan.

Tinignan ko ang lalaking umabala sa amin at natulala ng makita ang kabuuan niyang itsura. Namumula ang pisnge nito at sa tingin ko ay hanggang ngayon ay gulat pa rin ito sa kanyang nadatnan, Katamtaman lang ang laki ng katawan nito at hindi rin katangkaran ngunit hindi rin pandak. Sakto lang kumbaga.

Napangisi na lamang ako ng mapansin kung saan nakatutok ang kanyang paningin. Nakalimutan kong hubo't-hubad ako, At kita ko ang pagnanasa sa kanyang mga mata. Mukhang alam ko na agad kung ano ang gagawin ko, Sigurado akong gusto nitong hawakan o tikman ako.

"Saan ka nakatingin?" Nakangisi kong tanong sa kanya at naglakad ng bahagya papalapit sa kanya. Hindi ko mapigilang mas lalo pang mapangisi at tumindig ng aking alaga ng makita ang ginawa nitong pagkagat sa kanyang pang-ibabang labi. Sa simpleng galaw niya lang na ganoon ay hindi ko mapigilang mas lalong makaramdam ng libog, May hindi rin ako maintindihan sa puso ko. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon, Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at tila ba kinakabahan ako ngayong nasa harapan ko na siya.

"Bakit nakatayo ka pa dyan?" Tanong ko sa kanya at napapitlag pa ito. Balak na sana nitong lumakad palabas ngunit naunahan ko na siya pumunta sa pintuan upang harangan siya, Napangisi na lamang ako habang humahakbang papalapit sa kanya. Sa bawat hakbang ko papalapit ay siya namang hakbang niya papalayo, Pansin ko na kinakabahan ito kaya mas lalo akong ginaganahan.

Nang wala na siyang maatrasan ay lumapit ako sa kanya at itinukod ang dalawa kong kamay upang mas lalo siyang hindi makawala. Iniyuko ko ang aking mukha na kapantay lang ng sa kanya at ngumisi. Napapikit pa ito sa akin kaya naman hindi ko mapigilang tumawa ng walang nilalabas na ingay.
Ang cute niya sa totoo lang.

"Alam mo bang dahil sayo ay nabitin ako?" Tanong ko sa kanya, Umiwas ito ng tingin sa akin at nakaka-ilang lunok na dahil siguro sa kaba.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at hinayaan kung ano ang gustong gawin ng aking katawan. Hinawakan ko ang kanyang baba at hindi nagdalawang-isip na halikan siya. Ramdam kong natigilan ito at nagulat dahil sa aking ginawa.
Nakaramdam ako ng kakaibang emosyon na hindi pamilyar sa akin. May naiisip na ako tungkol dito ngunit ayoko pang pangalan dahil masyado pang maaga, Kailangan kong patunayan muna ito.

"Your lips tastes sweet." Puri ko sa kanya at napangisi ulit ako ng makitang muli na namang namula ang kanyang mukha. Muli na namang bumilis ang tibok ng aking puso kaya naman minabuti ko nang lumayo sa kanya. Agad kong kinuha ang aking mga damit at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay nilingon ko siya at napansing medyo wala pa ito sa wisyo.

"Alis na ako." Pagpapaalam ko sa kanya at siniguro ko na maririnig niya ito. Dire-diretso akong naglakad palabas at nagdesisyon na umuwi nalang muna sa aking bahay.

***

Umaga ngayon at naglalakad ako sa loob ng campus. Ramdam ko ang mainit na tingin ng mga estudyante sa akin lalo na ng mga babae at mga binabae, Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti dahil sa edad na bente-singko ay malakas pa rin ang charisma sa mga katulad nilang college student o mga mas bata sa akin ng mga ilang taon.

Sa unang naging klase ko ay naging mapayapa ang lahat, Nagtanong lang ng nagtanong ang mga estudyante tungkol sa akin at ang ilan sa mga tanong ay masasabi kong sobrang personal.

Kung pagbabasehan rin ang mga taong nagtatanong ay malalaman mo agad kung sino sa kanila ang may gusto o interesado sa iyo. Karamihan sa mga nagtatanong sa akin ay babae at kapag alam ko naman na maayos ang tanong ay agad ko ring sinasagot.

Ang mga naging sunod kong klase ay naging maayos rin at masaya. Umabot na ng tanghalian kaya naman nagpasya na akong pumunta sa Cafeteria na para lamang sa mga professor. Dalawa kasi ang cafeteria dito at magkahiwalay ang sa estudyante at sa aming mga guro.

Lahat ng nadadaanan ko, Estudyante man o kapwa guro ay napapalingon sa aking direksyon. Hindi naman sa pagiging mayabang ngunit alam ko sa sarili ko kung ano ang mga meron ako na gustong-gusto nila. Una na rito ang aking looks pumapangalawa ang pagiging mapera ko at pangatlo ang pagkakaroon ng malaking alaga.

Mabilis lamang ako ng kumain doon at nakipag-kwentuhan saglit sa aking mga kapwa guro. Ng sumapit na ang ala-una ay agad kong inayos ang aking sarili at mga gamit upang pumunta sa susunod kong klase.

Maingay nang dumating ako doon ngunit agad rin silang natahimik ng makita nila akong pumasok. Nang ilibot ko ng tingin ang buong kwarto ay nagulat ako ng makita ko ang lalaking nakakita sa akin at hinalikan ko kahapon. Agad rin naman akong nakabawi at ngumiti sa kanya. Naglakad ako sa harapan at nagpakilala.

"I'm Clark Nigel Bautista. And I'm gonna be your Calculus Professor this semester."

| ~ | ~ | ~ |

© RUSSENCE

The Hot Professor | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon