Kabanata 16

2.2K 77 1
                                    


Jayden's P.O.V

"Nandito na po tayo Sir." Biglaang sambit ng taxi driver dahilan para mabalik ako sa katinuan. Hindi ko man lang napansin na nandito na pala ako, Sobrang gulo ng isip ko dahil sa nangyari kanina.

Agad ko nang inayos ang aking sarili at ibinigay ang bayad tsaka bumaba na sa taxi. Naglakad na ako papasok sa aking apartment at napansing nandito ang sasakyan ni Tito Calix, Bakit kaya siya nandito?

Pagkabukas ko nang pinto ay nakita ko ang tsinelas ni Tito Calix at ni Kuya Eros, Agad akong pumunta sa sala nagbabakasakali na nandoon sila at hindi nga ako nagkamali. Parehas silang tahimik at seryoso ang pagmumukha.

Naglakad na ako palapit sa kanila at agad kong nakuha ang kanilang atensyon. Ngumiti ng marahan sa akin si Tito Calix at ginulo ang aking buhok saktong pagka-upo ko sa kanyang tabi.

"Bakit parang sobrang seryoso niyo naman dito? At sobrang tahimik niyo din? May problema ba?" Pagtatanong ko sa kanila ngunit tipid na ngumiti lamang si Tito Calix habang si Kuya Eros ay nakatitig lang sa akin at tahimik pa din hanggang ngayon.

"May sasabihin ako sa inyo."

***

Tito Calix's P.O.V

"Ano yun tito?" Kita ko ang pagtataka sa mata ng aking pamangkin habang itinatanong iyon. Binigyan ko ito ng tipid na ngiti at ginulo ang kanyang buhok bago bumaling sa isa ko pang pamangkin na si Eros.

Seryoso lang itong nakatingin sa akin at tila ba hinihintay ang aking pagsasalita. Malalim akong napahinga at muli silang pinasadahan ng tingin dalawa. Mamimiss ko sila ng sobra, Pero buo na ang desisyon ko. Kailangan ko nang ayusin ang pagkakamali ko.

Pagkakamaling sobrang pinagsisisihan ko ngayon, Inaamin kong nagustuhan ko ang naging relasyon namin sa tatlong taon naming pagsasama tatlo. Ngunit hindi lahat ng bagay ay pang matagalan.

Lalo na kung mali ang inyong ginagawa, Masyado akong nagpabulag sa aking kalibugan at nakalimutang mali ang aming ginagawang ito.

"Gusto ko nang itigil ang relasyon nating tatlo." Sambit ko at napansin ko ang pagkabigla sa mukha ni Jayden, Habang si Eros naman ay seryoso pa din at mukhang inaasahan niya na mangyayari ito.

"Nagkamali ako, Hindi ko na dapat kayo idinawit sa gulong ito. Masyado akong nagpadala sa aking kalibugan at pati kayong dalawa ay pinatos ko." Dugtong ko pa habang malungkot na nakatingin sa kanilang dalawa. Ayaw ko nang magpatuloy pa ang gawain naming ito. Matagal ko na itong pinag-isipan, Hangga't kaya ko pang itigil ito ay gagawin ko na. Hindi ko kayang patuloy na mapariwara ang kanilang buhay dahil sa akin. Dahil lang sa aming kalibugan.

"Bakit!? Bakit mo ngayon sinasabi iyan? Hindi kana ba nasasarapan huh?" Napapikit na lamang ako nang biglang galit na sumigaw si Eros, Nilapitan naman agad ito ni Jayden at pinakalma.

Masama na ang titig nito sa akin, Inaasahan ko na rin na mangyayari ito. Alam kong hindi siya papayag na tapusin ang ganitong relasyon sa pagitan namin, Lalo na sa kanya at ni Jayden.

"Dahil mali itong ginagawa natin." Matigas na saad ko habang nakatingin sa kanya. Si Jayden ay nasa gilid ko nang muli at tahimik, Mas mabuti na rin munang hindi siya sumabat dahil baka siya lang ang mapagbuntungan ng inis at galit ni Eros.

"MALI?! Hindi ito mali dahil pare-parehas naman natin itong gusto!" Galit at malakas na bulyaw nito sa akin. Napailing na lang ako, Masyadong mahirap ipaintindi ang isang bagay sa isang taong simula palang ay wala nang balak makinig sayo. Sa isang taong sarado na ang isipan.

"Ano po ba talagang dahilan?" Sabat ni Jayden dahilan para mapatingin ako sa kanya. Marami akong dahilan para itigil na itong kahibangan na ito, Pero may dalawa akong pinaka dahilan.

"Dahil ayaw kong patuloy na mapariwara ang buhay niyo. Gusto kong habang maaga pa ay maayos na ang gulong ginawa ko, Ang f*ck-buddy relationship na ito ay walang patutunguhan kung hindi kaguluhan. At-" Malalim akong napabuntong-hininga at ipinikit ang aking mga mata.

"Ano pa Tito?"

"Gusto ko nang bumuo ng sarili kong pamilya, Nakita ko na ang babaeng gusto kong pakasalan at gusto kong makasama habang buhay." Serysosong saad ko at hinintay ang sagot nila.

Isang taon na ang lumipas simula ng makilala ko siya, Ang babaeng nagpatibok sa aking puso. Mabait siya at maalagain. Hindi rin maitatanggi na maganda siya at matalino pa.

Simula nang makilala ko siya ay lagi na akong lumalapit sa kanya at kinukulit siya. Isa itong nurse kaya naman madalas kaming magkasubong nito sa ospital. Siya lang ang natatanging babaeng nakakapagpatibok ng aking puso.

Gusto ko siyang seryosohin kaya naman ginagawa ko ito. Ayokong maglihim sa kanya kaya nais kong putulin na ang ganitong ugnayan namin ng aking mga pamangkin.

"GUSTO MONG BUMUO NG PAMILYA?! OH EH BAKIT PATI KAMI KASAMA?! KUNG GUSTO MONG UMALIS SA GANITONG RELASYON NATIN, NAMIN. UMALIS KA AT WAG MO NA KAMING PAKIALAMAN PA!" Malakas na sigaw ni Eros dahilan para mapailing ako, Hindi ko akalaing aabot kami sa ganitong punto.

Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Bilang nakatatanda dapat ako ang gumagabay sa kanila ngunit ako pa ang naging dahilan upang sila'y mapariwara.

"PWEDE BA? Tumigil kana Kuya Eros!" Sigaw ni Jayden dahilan para mapalingon sa kanya si Eros. Namumula na ang kanyang mga mata at tila ba anumang oras ay babagsak na ang kanyang mga luha.

"Matagal ko na ring pinag-iisipan ito. Gusto ko na ring matapos ito ngunit hindi ko alam kung paano at saan sisimulan." Nanlambot na lamang ako ng makita siyang dahan-dahang mapaupo at nagsimula nang humikbi.

Naging tahimik ang paligid, Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Si Jayden ay patuloy pa rin sa pag-iyak habang si Eros ay nakatingin sa kanya at bahagya nang kumalma sa ngayon.

"Bakit? Alam mo namang m-mahal kita hindi ba?" Iniwas ko ang akong tingin sa kanilang dalawa. Matagal ko nang napapansin ito.

Kaya ayaw matapos ni Eros ang ganitong relasyon at ugnayan dahil kay Jayden. Simula nang mangyari ang mga bagay na hindi naman dapat mangyari, Napansin kong nagkakaroon na ng pagkagusto si Eros sa kanyang pinsan.

At hindi ko akalaing madedevelop ang kanyang nararamdaman. Mahal niya bilang tao si Jayden at hindi lang bilang pinsan niya.

"Mali ito, Maling-mali na mahalin mo ako." Sambit ni Jayden at umiiling pa. Hindi na ako sumubok pang magsalita, Gusto kong malaman kung anong mangyayari at sa kahihinatnan nito.

"Mali!? Mali bang mahalin ka? Kung age is just a number then pinsan is just a word!" Pangangatwiran nito. Napatampal na lamang ako sa aking noo. Hindi ko alam kung seryoso ba ito o nagpapatawa.

"Naririnig mo ba ang sarili mo?! Magkadugo tayo! Dapat hindi nangyari ito! Mali ang ginagawa nating ito!" Sigaw ni Jayden habang nakatingin sa mata ni Eros. Patuloy pa rin ang kanyang pagluha, Naaawa na ako sa pamangkin kong ito.

"Gusto ko na ring magbago Kuya, Sana maintindihan mo ako, Kami." Dagdag pa nito.

Ramdam ko ang bigat at sakit sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.

"Sige, Papayag ako sa gusto niyo sa isang kundisyon?" Natigilan ako sa sinabi nito. Kundisyon?

"Ano iyon?" Seryosong tanong ko sa kanya. Nilingon ako nito at kita ko sa kanyang mga mata ang sakit. Namumula na rin ang kanyang mata, Senyales na kanina pa siya nagpipigil ng luha.

"Gusto kong may mangyari sa ating tatlo sa huling pagkakataon. Please huli na ito at pagkatapos ay ako na mismo ang lalayo." Natigilan ako sa sinabi nito at agad akong tumingin kay Jayden. Gulat rin siya sa kanyang narinig ngunit hindi nagtagal ay tumango ito.

Muli akong napabuntong-hininga at tumingin kay Eros. Dahan-dahan akong tumango bilang senyales ng pagpayag. Ito na ang huling gabi ng maiinit naming pagtatagpo.

At sisiguraduhin kong ito na nga ang huli.

| ~ | ~ | ~ |

© RUSSENCE

The Hot Professor | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon