Jayden's P.O.V"That's all for today. Tandaan niyo lahat ng itinuro ko sa inyong lahat ngayong araw, We have a quiz in friday." Lahat naman kami ng mga kaklase ko ay sumagot ng yes sa aming huling professor sa araw na ito. Mabuti na lang talaga at tapos na, Makakapagpahinga rin sa wakas.
"Malapit na pala ang sembreak. Halos dalawang linggo nalang." Napalingon ako kay Alpha ng marinig ang kanyang sinabi at napaisip. Paniguradong uuwi ako sa bahay namin at magpapasko kasama ang aking pamilya.
"Siguro ay uuwi muna ako sa amin. Alam mo naman na laging nagtitipon ang angkan namin tuwing pasko at bagong taon." Tumango ito sa aking sinabi at kinuha ang kanyang bag at tumayo na.
Taon-taon kasi sa tuwing sumasapit ang pasko at bagong taon ay nagtitipon-tipon ang buo naming angkan para sa isang malaking salo-salo. Paniguradong nandoon sina Tito Calix at Kuya Eros. Miss ko na sila sa totoo lang, Matapos ang gabing iyon ay naputol na ang connection ko sa kanila at nawalan na ako ng balita sa kanila. Kamusta na kaya sila? Maayos na kaya si Kuya Eros? Sana naman ay oo, Ayokong mas lalo siyang mahirapan na makaalis sa kakaibigang relasyon namin noon kapag tumagal pa kaya naman talagang pumayag ako sa sinabi ni Tito Calix noon.
Speaking of Tito Calix, Kamusta na kaya sila ng babae niyang mahal? Narinig ko kay Mama noong tumawag siya sa akin ay nagpro-pose daw si Tito sa kanyang fiancee at next year na ang magiging kasal. Isa ring doctor ang magiging asawa niya at sa isang ospital lang rin sila nagtatrabaho. Masaya ako para sa kanya, Lalo na at nakita na ni Tito ang babaeng papakasalan niya at makakasama niya panghabang-buhay. Maaari na rin siyang magkaroon ng anak at sisiguraduhin kong magiging spoiled ang batang iyon sa akin.
"Tara na." Agad akong tumango sa kanya at nalipat rin agad ang aking tingin sa kanina pang tahimik na si Prince. Dahil na rin sa kuryosidad ay kinalabit ko siya.
"May problema kaba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito ng tipid sa akin at hindi sumagot. Naramdaman ko ang paghawak ni Alpha sa balikat ko kaya naman napalingon ako sa gawi niya. Umiling lang ito sa akin na tila pinapabatid na wag na daw akong makialam pa.
"Basta kung may kailangan ka or may gusto kang sabihin ay tawagan mo lang ako. Alam mong maasahan mo ako hindi ba?" Seryoso at puno ng sinceridad kong sabi dahilan para mapaangat ang tingin nito sa akin.
Nagulat na lang ako ng mahigpit itong yumakap sa akin at narinig ko ang mahina nitong paghikbi, Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan siyang umiyak sa aking balikat. Niyakap ko na lamang siya at hinimas ang likod nito. Nasa likuran niya ngayon si Alpha at tahimik na nakatingin sa amin. Hindi ko alam ang sasabihin ko at sa tingin ko ay ganoon rin si Alpha dahil tahimik lang din ito sa amin.
"Pasensya na sa drama ko huh?" Tumango lang ako sa kaniyang sinabi at hinayaan siya na ayusin ang kaniyang sarili. Halata ang pag-iyak nito dahil namumula ang kanyang mata at ang kanyang ilong. Kung ano mang problema niya ay sana makayanan niya itong lagpasan. Hindi ko siya pipilitin na sabihin sa akin kung ano ang problema niya pero ipaparamdam ko sa kanya na nandito lang ako sa tabi niya sa ano mang oras at handang makinig sa kanya.
Tinanong lang namin siya ni Alpha kung ayos lang ba siya at ang sagot niya ay oo. Dahil doon ay nagsimula na ulit kaming maglakad papunta sa parking lot.
"Mauna na ako. Kasama ko kasi yung pinsan ko at siya ang maghahatid sa akin." Paalam nito sa amin. Tumango ako bilang sagot sa kanya at bumeso.
Tumango lang din bilang tugon si Alpha at pinanood namin siyang maglakad papalayo at salubungin ang pinsan niya. Si Ace, Yung lalaking mahal at kinababaliwan ng isa ko pang kaibigan.Sumakay na ang dalawa sa sasakyan at dumaan pa ito sa mismong harap namin, Bumaba ang bintana nito at mula sa loob ay kumaway sa amin si Prince. Kumaway ako pabalik sa kanya samantalang si Alpha ay tahimik pa rin sa aking tabi.
"Ikaw? Uuwi kana rin ba?" Tanong ko kay Alpha at agad naman itong tumango.
"Osiya, Mauuna na ako." Sambit ko sa kanya at nagpaalam na. Yumakap ako sa kanya at humalik sa pisnge bago pumasok sa aking sasakyan. Balak kong dumiretso pauwi sa bahay at magpahinga. Dahil ramdam na ramdam ko ang pagod ko ngayong araw at kailangan ko na talaga ng pahinga.
Habang tinatahak ang daan papunta sa aking apartment ay hindi ko mapigilang mapahikab. Inaantok na rin ako, Mukhang matutulog muna ako bago magluto ng aking kakaining hapunan mamaya.
Pagkarating na pagkarating ko sa bagay ay agad akong dumiretso sa kama at ibinagsak ang aking sarili.
Hinayaan ko na lamang ang aking sarili na mapapikit at tuluyan nang lamunin ng kadiliman.
| ~ | ~ | ~ |
© RUSSENCE
BINABASA MO ANG
The Hot Professor | Book 1
RomansLingid sa kaalaman ng karamihan, Ang binatang si Jayden ay isang discreet bisexual. Maaari siyang magkagusto sa isang babae o hindi naman kaya ay sa kapwa niya lalaki. Tatlong tao lamang ang nakakaalam ng kanyang sikreto, Ang kanyang Tito Calix at...