Clark Nigel's P.O.VHindi ko maiwasang mapatitig sa maamo niyang mukha. Namalayan ko na lang ang aking sarili na para bang tanga na nakangiti.
Rinig ko ang mahihina nitong mga hilik. Mabuti na lamang ang hindi ito malikot matulog at hindi rin siya mabilis magising. Kaya naman libreng-libre akong titigan siya buong magdamag.
Pinagmasdan ko ng maigi ang maamo nitong mukha hanggang sa tumigil ang aking tingin sa kanyang mapupulang labi. Tila ba tinatawag ako nito at inaakit. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok ng sarili kong laway at nagsimula na namang mag-init ang paligid.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at mabilis na nagnakaw ng halik sa kanya. Mabuti na lamang ang tulog ito dahil alam kung magagalit o magwawala ito pag nalaman niya ang ginawa kong paghalik sa kanya. Ang maamo nitong mukha kapag tulog ay siyang kabaliktaran naman kapag siya ay gising.
"Ang sarap mo talagang pagmasdan." Mahinang bulong ko habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha. Napaubo na lamang ako ng gumalaw ito at yumakap sa aking katawan.
Hindi ko tuloy mapigilang tigasan lalo na at ang init ng kaniyang katawan, Idagdag pa na nakadikit ang kaniyang tuhod sa aking gitna. Hindi ko alam ang gagawin ko, Kung tatanggalin ko ba o hahayaan nalang siya.
And I chose the latter. Pipigilan ko na lamang ang sarili ko. Dahil alam kong kahit na mahirap magpigil, Gusto ko ang pakiramdam na nasa malapit lang siya sa akin at yakap-yakap ko. Hindi ko alam kung kailan pa ito muling mangyayari kaya naman susulitin ko na ito.
Simula noong una ko siyang makita, Ipinangako ko sa sarili kong hindi ko na siya papakawalan. Sa kaniya unang tumibok ang aking puso, Sa loob ng mahabang panahon. Sa kanya ko lang naramdaman ito.
Sa kanya ko lang naramdaman at wala na akong balak na pawalan pa, Pakasalan pa siya ay baka gawin ko na agad-agad. Pero ang pakawalan siya kahit na alam kong gusto siya ng aking pamangkin ay malabo. Ngayon lang ako nagmahal kaya naman gagawin ko rin ang lahat para mahalin niya ako pabalik.
Sisiguraduhin kong magiging akin siya. Wala akong pakialam kung sino at ano pa siya, Wala akong pakialam kung parehas kami ng kasarian. Noong una ay nagtataka pa ako, Bakit sa kanya? Paanong nangyari na sa kanya tumibok ang puso ko?
At doon ko lang narealized na ang pag-ibig, Walang pinipili iyan. Hindi sa kasarian nasusukat ang pag-ibig. Love is not about the age nor gender. Love is love. Nakakabakla mang pakinggan pero kahit na ganoon ang maging tingin sa akin ng karamihan ay wala na akong pakialam.
Ang lalaking nasa tabi ko at nakayakap sa akin ng mahigpit ay ang taong gusto kong pakasalan at makasama habang buhay. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin, At hindi rin ako sigurado na kapag nawala siya sa akin ay muling tumibok ang aking puso para sa ibang tao.
At kahit na tumibok pa ito sa para sa ibang tao, Isa lang ang gugustuhin, mamahalin at pipiliin ko. At walang iba yun kung hindi si Jayden.
Napahikab ako at napatingin sa orasan, Alas-singko pa pala ng umaga. Hinawakan ko ang noo niya at napansing hindi na ito mainit. Mabuti naman dahil alalang-alala ako sa kanya lalo na noong mahimatay siya kahapon.
At dahil maaga pa naman ay napagpasyahan kong matulog na ulit muna. Niyakap ko siya pabalik at ipinikit na ang aking mga mata. Hindi rin nagtagal ay agad akong nakatulog ng mahimbing.
***
"Uhmm." Ungot ko ng may maramdamang humahawak ng marahan sa aking pisnge. Sa pagmulat ko ng aking mata ay hindi ko mapigilang mapangiti ng ang maganda niyang mukha ang bumungad sa akin.
Ang sarap namang gumising! Lalo na kung isang magandang katulad ni Jayden ang bubungad pagbukas pa lamang ng iyong mata. Kung ganito araw-araw ang magiging paggising ko ay baka hindi na ako pumasok sa trabaho at titigan nalang siya buong maghapon.
BINABASA MO ANG
The Hot Professor | Book 1
RomanceLingid sa kaalaman ng karamihan, Ang binatang si Jayden ay isang discreet bisexual. Maaari siyang magkagusto sa isang babae o hindi naman kaya ay sa kapwa niya lalaki. Tatlong tao lamang ang nakakaalam ng kanyang sikreto, Ang kanyang Tito Calix at...