Kabanata 15

2.3K 77 3
                                    


Jayden' P.O.V

Tulala at naguguluhan, Lahat kaming nasa loob ng silid ay iyan ang nararamdaman.

Pagkatapos ng maikling sagutan nila ay pinalabas ni Professor Nigel si Alpha at sinabing mag-uusap sila. Hindi naman nagdalawang-isip si Alpha at nauna pa itong lumabas.

Napakatahimik at walang nagsasalita sa amin. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa totoo lang, Alam kung hindi ko pa nasasabi kay Alpha na kay Professor Nigel ako tumuloy kahapon. Pero bakit ganun na lamang ang reaksyon niya?

At siya ba talaga ang nanakit kay Alpha? Sobrang daming tanong ang nabubuo sa utak ko at sa dami nun ni isa ay wala akong masagot.

"Okay kalang Jayden?" Bakas sa tono ni Prince ang pag-aalala kaya naman tumango ako at tipid na ngumiti. Sumulyap ako sa pintuan at napabuntong-hininga.

Napansin ko rin ang kakaibang tingin na ibinibigay sa akin ng mga kaklase ko, Mukhang may iba silang iniisip tungkol sa sinabi kanina na meron akong naiwang bagay sa bahay ng professor namin.

Ayoko nang isipin pa sila o magbigay manlang ng paliwanag dahil dadagdag lamang sila sa mga iniisip ko.

Limang minuto na ang lumilipas, Ngunit wala pa ring bumabalik dito. May ilan na ding lumapit sa akin na kaklase ko at nagtatanong ngunit hindi ko na pinapansin.

Kapag ganun ay si Prince na ang sumasagot at nagpapaliwanag. Kanina nga ay sinabihan ko siya, Hindi niya naman Kailangang ipaliwanag dahil wala namang ibang nangyari. Masyado lang silang malisyoso.

Muli akong bumuntong-hininga at sumulyap sa pinto, Bakit ba ang tagal nila? Hindi kaya nagsuntukan na yung dalawa? Ano bang problema nila sa isa't isa?

"Wag ka nang mag-alala dyan nag-uusap lang naman yung dalawang yun." Sambit sa akin ni Prince habang tinatapik ang aking balikat, Ngumiti lang ako sa kanya at nag 'thank you.'

Natahimik muli ang lahat ng bumalik na silang dalawa. Naunang pumasok si Alpha at dire-diretsong umupo sa aking tabi, Pansin kong madilim ang ekspresyon ng mukha nito at sigurado akong hindi naging maganda ang kanilang pag-uusap.

Huminga ako ng malalim bago ko itinuon ang aking tingin sa harapan, Natigilan pa ako saglit nang makita kong nakatitig sa akin ng mariin at para bang nakakatunaw ang mga tingin ni Professor Nigel.

Napabuntong-hininga pa ito bago inalis sa akin ang paningin niya at nilibot ng tingin ang buong silid.

"Marahil marami sa inyo ang nagtataka kung bakit may naiwang gamit sa bahay ko si Jayden." Matigas at seryoso nitong sabi, Wala akong ibang nagawa kung hindi yumuko dahil lahat ng atensyon at tingin nila ay lumipat sa akin.

"Alam niyong kahapon ay malakas ang ulan at baha na ang ilang daanan sa kalsada. Mahirap na ring sumakay sa oras na iyon." Pagpapatuloy niya pa kaya naman muli ko nang itinaas ang aking tingin sa kanya at pansin ko ring pasulyap-sulyap ito sa akin.

"Bilang isang guro niyo ay nais ko lamang ang inyong kaligtasan, Kaya naman nang makita ko kahapon si Jayden na walang masakyan at na-istranded ay tinulungan ko siya..." Mahabang pagpapaliwanag niya at tumango-tango naman ang aking mga kaklase. Bilang guro, Ano pa bang dapat i-expect ko? Estudyante niya ako kaya naman tinulangan niya ako at pinatuloy sa bahay niya.

Pero bakit, Bakit pakiramdam ko dismayado ako? May unting lungkot akong nararamdaman, Hindi ko iyon itatanggi dahil iyon naman talaga ang totoo.

"Kahit kayo ang malagay sa sitwasyon niya ay ganun rin ang aking gagawin at tutulungan ko rin kayo. Gusto ko lang itong linawin dahil ayokong magkaroon ng issue na makakasira sa aking pangalan." Litanya niya dahilan para matauhan ako. Bakit ko ba nakalimutan yun?

Imposibleng magkagusto siya sa isang tulad ko, Guro ko siya at ako'y estudyante niya lamang. Bakit ba ako umaasa na may nararamdaman siya para sa akin dahil lang sa tinulungan niya ako at pinatuloy sa bahay niya?

May reputasyon siyang iniingatan bilang guro at alam kong ayaw niyang madungisan iyon. Kaya niya siguro nililinaw ito ngayon, Hindi para sa akin kung hindi para sa kanya.

Pagkatapos niyang magsalita ay tahimik lang ang lahat. Kahit ako ay hindi na nagsalita at nakayuko lamang, Hindi ko siya magawang tignan dahil may iba akong nararamdaman. Sumisikip ang aking dibdib at kumikirot ang aking puso.

Ramdam ko rin ang pamamasa ng aking mga mata, Crush ko lang siya. Ni hindi ko pa nga siya gusto o mahal pero ito, Kung makapag-react ako ay parang niloko ako ng boyfriend ko. Nakakatawa lang dahil nasasaktan ako sa sarili kong katangahan.

Umaasa sa isang bagay na simula palang ay wala nang patutunguhan.

***

"Lumayo ka sa kanya." Seryoso at matigas na sabi ni Alpha, Hindi ko siya nilingon at pinanood lamang ang paglabas ng aming mga kaklase mula sa silid.

Tapos na ang klase ngayong araw at ang lahat ay nagbabalak nang umuwi, Tatayo na rin sana ako kaso lang ay pinigilan ako nito at may pag-uusapan daw kami.

"Kahit anong mangyari ay wag kang lalapit sa kanya." Pagpapatuloy niyang saad kaya naman nilingon ko na siya ng nakakunot ang noo. Ano bang gusto niyang iparating? Na iwasan siya? Imposible ang hinihingi niya dahil isang Professor iyon at araw-araw naming makakasalamuha.

"Bakit mo ba sinasabi iyan? Kilala mo ba siya? May problema ba kayo?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya ngunit iniwas lamang nito ang kanyang tingin sa akin. Alam kong may ugnayan silang dalawa, Sigurado ako doon.

Ngunit hindi ko lang alam kung ano iyon at bakit tila ba mainit ang dugo na sa isa't isa. Bakit ba hindi nalang siya magsabi ng totoo?! Bakit kailangan niyang maglihim?! Hindi ba't kaibigan niya ako? Pero bakit-

"Basta. Wag kanang madaming tanong at gawin mo nalang ang sinasabi ko." Saad nito. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napahampas ng malakas sa desk. Nagulat naman ito at napatingin sa akin.

"Kung gusto mong gawin ko ang sinasabi mo, Sabihin mo lahat ng nangyayari." Matigas na sabi ko at tinitigan siya ng masama. Pinaka-ayoko sa lahat ay yung pinagmumukha akong tanga.

"Sasabihin ko sayo ang lahat pero hindi muna sa ngayon." Malamlam ang mata nitong sabi sa akin. Tinitigan ko muna siya saglit at bumuntong-hininga.

Tumayo na ako at kinuha ang aking mga gamit. "Sa susunod ko na rin gagawin ang iniuutos mo, Kapag nasabi mo na sa akin ang lahat."
Sabi ko sa kanya ng hindi siya tinitignan. Pagkatapos ng ilang segundo ay wala siyang naging reaksyon kaya naman naglakad na ako palabas at hindi na siya nilingon pa.

Dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili na tumakbo pabalik sa kanya at yakapin siya.

| ~ | ~ | ~ |

© RUSSENCE

The Hot Professor | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon