Jayden's P.O.V"Anak nandito kana pala." Sabi ng papa ko ng makita niya akong bumaba sa kotse, Agad akong lumapit sa kanya at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap. Grabe sobrang namiss ko si Papa, Sobrang tagal na simula ng huli ko siyang makita halos Isa o dalawang buwan na.
Kahit na lagi kaming nag-uusap sa telepono ay iba pa rin ang makita mo siya at mayakap siya ng harapan.
"Nasaan na po si Mama?" Tanong ko kay Papa at tinuro niya naman ang pintuan, Bakit paba ako nagtanong?
"Tara na paniguradong namimiss kana rin ng mama mo." Tumango ako sa kanyang sinabi at sinundan siya. Pagkapasok ay agad akong sinalubong ng mga ingay at mga batang nagtatakbuhan. Grabe mukhang dito talaga nila balak magpasko at halos lahat yata sila ay kumpleto na.
"Anak ko! Mabuti naman at nakauwi ka agad!" Niyakap ako ni Mama ng mahigpit kaya naman yumakap rin ako sa kanya ng pabalik, Galing siya sa aming kusina kasama sina Tita Gina at Tita Melisa na kapwa nakatingin sa amin at nakangiti.
Kumaway ako sa kanila at ganoon rin ang kanilang ginawa, Nang bumitaw sa akin si Mama ay tinignan niya ako mula sa ulo hanggang paa. Grabe naman nakakahiya para akong iniinspeksyon ni Mama katulad noon kung may sugat ba ako o wala.
"Mama naman!" Nakangusong saway ko sa kanya dahil naririnig ko na ang mahihinang tawa nila Tita at ang tawa ni Papa na nasa likuran ko.
Natigilan ako ng makita kong bumaba galing sa 2nd floor si Kuya Eros kasama ang iba pa naming pinsan. Nagtama ang aming tingin ngunit agad rin itong umiwas at muling bumalik sa pakikipag-kwentuhan sa iba pa naming pinsan. Mukhang hindi pa rin siya ayos hanggang ngayon, At mukhang hindi pa rin siya handang kausapin ako.
Naiintindihan ko naman ang bagay na iyon, Kaya bibigyan ko na lamang siya ng sapat na oras at kung ayos na siya ay tsaka ko na lamang siya ulit kakausapin. Lumapit sila sa kinaroroonan namin at binati ako.
"Tumangkad kana ah!" Pang-aasar sa akin ni Kuya Theo, Anak siya ni Tita Gina at malakas ito mang-asar. At syempre ako ang paborito niya laging asarin dahil medyo maliit ako noon, Hindi katulad ngayon na medyo tumangkad na ako pero hindi ko pa rin mapantayan ang tangkad nila.
"Tsk! Mang-aasar ka na naman ba ulit?" Tanong ko sa kanya gamit ang naasar na tono, Tinawanan lang ako nito at nagulat nalang ako ng akbayan pa ako ng isa ko pang pinsan na si Jack.
Si Kuya Jack naman ay anak rin ni Tita Gina, Mas bata siya ng isang taon kay Kuya Theo ngunit mas malaki at mas hulma ang katawan nito kaysa sa kanyang nakatatandang kapatid. Lamang nga lang talaga si Kuya Theo sa tangkad dahil 6 footer ito. Mahilig maglaro ng basketball silang magkapatid at sa tuwing naglalaro ay puro tilian lang ng mga babae ang maririnig. May itsura din kasi silang dalawa. Mula kay Kuya Theo na 6- footer, Medyo singkit ang mga mata at magandang kilay ay maraming babae ang nahuhumali sa kanya. Kung katawan lang din naman ang usapan ay hindi siya magpapatalo, May malalaki siyang biceps at meron ding apat na pandesal kung hindi ako nagkakamali.
Habang si Kuya Jack ay nerdy but hottie type. Nakasalamin ito ngunit hindi ito nagpabawas ng kanyang ka-gwapuhan bagkus ay dumagdag pa ito at mas lalo lang siyang naging hot tignan. Ang katawan niya ay hulmang-hulma at mala adonis ang datingan. Parang hindi katawan ng 21 yrs old ang sa kanya, Dahil sa sobrang ganda at tigas nito.
Marami na rin silang napaiyak na babae lalo na si Kuya Theo na isang playboy."Kamusta kana bunso?" Pangangamusta sa akin ni Kuya Chris, Panganay na anak ni Tita Gina. Sa aming lahat siya ang pinakamatanda at pinakamatino, Well yun ang alam namin. Isa siyang engineer at halos kaedaran niya na si Tito Calix na 25 pa lamang. Malapit na rin kasi siya mag 25 at sa December 29 ang birthday nito.
"Okay lang naman Kuya Chris, Kayo?" Pagsagot ko sa kanya at tinignan silang lahat habang hinihintay sila na sagutin ang tanong ko.
"Ayos lang naman kami bunso, Eto gwapo pa din." Mayabang na saad ni Kuya Theo dahilan para mabatukan siya ni Kuya Chris. Ang ayos-ayos ng tanong ko ayaw niya sagutin ng maayos.
"Wag mong pansinin yang mahangin na yan. Malapit nang sumabak si Theo sa bar exam para maging isa nang Doctor, Ganun din si Eros na malapit na ring maging isang Piloto." Napa-ohh na lamang ako ng marinig lahat ng sinabi niya. Grabe ang galing talaga nila, Palibhasa ay puro honored students at graduate ng valedictorian or may awards. Hindi na nakakapagtaka dahil lahat silang magkakapatid nina Papa at Tito ay nakapagtapos with honor and awards din.
Naipasa sa amin ang katalinuhan nila ang kaso lang ay wala na atang itinira sa akin. Lahat napunta sa kanila kaya siguro mahina ako sa calculus.
"Hello everyone!" Isang pamilyar na boses ang aming narinig dahilan para mapalingon kami sa pintuan. Nakita namin doon si Tito Calix na naka-akbay sa isang magandang babae.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang engagement ring sa kamay nung babae at narealize na siya ang babaeng mahal at balak niyang pakasalan.
"Tito Calix! Kamusta na kayo?" Pangangamusta ko sa kanila at lumapit sa babae niyang kasama at nagpakilala. Grabe ang lambot ng kamay niya at ang bait niya pa!
"Ayos lang kami, Ikaw kamusta kana?" Tanong nito sa akin, Sumagot naman ako na ayos lang at wag mag-alala sa akin. Nakipag-kwentuhan ako saglit kay Mariya, Ang pangalan ng babaeng mahal ni Tito Calix.
| ~ | ~ | ~ |
Senshii Tells: Lutang at sabog ako tonight. Pasensya na I'll edit this pagkatapos kong maisulat ang buong story nito.
BINABASA MO ANG
The Hot Professor | Book 1
RomanceLingid sa kaalaman ng karamihan, Ang binatang si Jayden ay isang discreet bisexual. Maaari siyang magkagusto sa isang babae o hindi naman kaya ay sa kapwa niya lalaki. Tatlong tao lamang ang nakakaalam ng kanyang sikreto, Ang kanyang Tito Calix at...