Kabanata 19: Part 1

2K 65 3
                                    


Jayden's P.O.V

"Jayden, Mag-usap naman tayo oh." Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Alpha at tuloy lang ako sa paglakad. Hindi ko siya tinapunan nang kahit isang tingin manlang at dire-diretso ang tingin sa daan.

Marami na ring tao ang napapatingin sa amin dahil sa ingay niya at nakakahatak talaga ng atensyon ang ginagawa niyang pamimilit sa akin ngayon.

Nagbingi-bingihan lang ako at nang makita ko si Prince na naglalakad ay agad akong tumakbo palapit sa kanya at umakbay.

"Goodmorning." Bati ko dito at tanging tango lamang ang sagot nito. Pansin ko na malungkot ang mga mata niya, May nangyari kaya sa kanya? O baka naman may problema?

"Jayden pansinin mo naman ako." Napapikit na lamang ako ng mata dahil sa kakulitan ni Alpha kaunti nalang at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na kausapin siya, Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako marupok. Slight lang.

"Aga-agang LQ naman nyan." Singit ni Prince na agad kong di sinang-ayunan. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na magsalita kahit pa nandyan pa sa tabi ko si Alpha.

"Anong LQ?! Walang LQ na nagaganap dahil wala naman kami." Iritado kong sagot sa kanya at tinawanan lang ako ng loko.

"Bakit? Gusto mo bang magkaroon ng tayo?" Gulat akong napalingon sa kanya nang bigla niya itong sabihin. Tinignan ko siya nang maigi at napansing walang mababakas na pagbibiro sa kanyang mukha.

Ramdam ko ang malakas na kabog sa aking puso at bigla akong kinabahan ng sobra.

"Anong sinabi mo?!" Gulat na tanong ko sa kanya. Imbis na sumagot agad ay ngumisi ito sa akin at lumapit pa lalo sa akin. Umurong naman ako dahil ayokong madikit sa kanya.

"Oh edi ngayon kinausap mo na ako?" Natigilan ako sa sinabi niya at nang makabawi ay inis ko siyang tinalikuran at mabilis na naglakad paalis.

Padabog akong umupo sa aking upuan. Hindi nagtagal ay pumasok na din sila Prince at Alpha. Nakatitig sa akin si Alpha samantalang masamang nakatingin sa akin si Prince.

"Bakit mo naman ako iniwan huh?" Ramdam ko ang inis kay Prince nang ibinulong niya ito sa akin.

"Pasensya na alam mo namang may baliw na isa dyan eh." Pangangatwiran ko sa kanya at irap lang ang natanggap kong sagot mula sa kanya.

"Bakit kasi hindi nalang kayo mag-usap dalawa? Ako ang napeperwisyo sa inyo." Reklamo niya dahilan para mapangiwi ako. Siya lang naman kasi ang nalalapitan ko kapag nasa paligid si Alpha o kung hindi naman ay si Professor Nigel.

Wala na akong ibang close na kaibigan maliban sa kanya at kay Kriza. Ayaw ko na ring maghanap pa ng iba dahil baka plastic at double-face biatch lang ang makuha ko mahirap na.

"Tama si Prince, Jayden. Pag-usapan natin ito sasabihin ko sayo lahat ng gusto mong malaman." Seryosong saad nito na hindi ko matugunan.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa totoo lang. Papayag ba ako sa kagustuhan niyang mag-usap kami? Sa totoo lang gusto ko na ring malaman ang lahat. Ang kaso lang ay natatakot akong baka isang kasinungalingan lang rin ang isagot niya. Bakit ba kasi hindi ako maubusan ng problema? Kapag natapos ang isa ay madarating agad na bago.

"Sige. Mamayang hapon ay mag-usap tayo. Gusto kong malaman lahat, At tanging totoo at hindi kasinungalingan ang gusto kong malaman mula sayo. Naiintindihan mo?" Seryosong sabi ko at agad naman siyang tumango. Pagkatapos nun ay nilingon ko si Prince ngunit nasa harapan lang ang tingin nito.

Alam ko naman na nakikinig ito sa usapan namin ngunit alam ko ring ayaw niya nang makialam dahil labas siya sa gulong ito.

Muli kong nilingon si Alpha at nagulat dahil nakatingin pala ito sa akin. Umubo ako kunyare at agad na itinuon ang aking atensyon ng pumasok na ang aming guro.

| ~ | ~ | ~ |

© RUSSENCE

The Hot Professor | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon