Kabanata 13

2.4K 84 1
                                    


Jayden's P.O.V

"Ano? Masarap ba?" Tanong nito sa akin kaya agad akong tumango bago humigop ng sabaw ng niluto niyang sopas.

May niluto rin siyang ibang pagkain na talaga namang katakamtakam. Ang kwento niya sa akin ay mahilig na daw siyang magluto simula pa noong bata siya. Ang kaniyang Ina daw mismo ang nagturo sa kanya.

May ilang bagay pa siyang ikweninto sa akin tungkol sa buhay niya. Hindi ko alam pero kahit na ngayong araw palang kami nagka-usap at nagkasama ay magaan na agad ang loob ko sa kanya.

Pansin ko rin na makulit siya at mapagbiro hindi katulad kanina habang nasa klase pa siya bilang guro. Minsan ay nakangiti lang ito at minsan ay walang emosyon kaya naman meron iilan sa kaniyang kaklase ang takot sa kaniya. Pero mas marami pa rin ang nagkakagusto at halos ay kababaihan.

"Ikaw? Kamusta naman ang pagiging estudyante mo?" Kuryosong tanong nito sa akin. Nilunok ko muna ang pagkaing nasa loob ng bibig ko at uminom ng tubig bago magsalita.

"Hmm, Maayos naman. Ang kaso nga lang ay mahina ako sa Calculus." Nahihiyang sagot ko sa kanya at hindi rin ako makatingin sa kanya ng diretso. Ayoko namang magsinungaling sa kanya pero nakakahiya pa rin dahil siya na ngayon ang Professor ko sa subject na ito.

"Bakit? Anong problema? Baka matulungan kita." Nakangiting saad nito kaya naman tumango ako at hindi ko namalayang nakangiti na rin ako.

"Nahihirapan kasi ako sa mga numero. Sumpa na ata ito sa akin." Pagbibiro ko sa kanya at tumawa rin siya. Napahinto pa ako saglit habang nakatulala dahil sa kanyang pagtawa. Sobrang gwapo niya, Sobra talaga as in.

"Oh natulala ka? Ang gwapo ko noh?" Pagmamalaki nito kaya naman natauhan ako at sininghalan siya. Inirapan ko siya at tumawa lang siya bilang tugon.

"Hangin mo po." Sabi ko sa kanya at muli siyang inirapan.

"Ang cute mo." Biglaang sambit nito dahilan para matigilan ako. Ramdam ko rin ang pamumula ng mukha ko kaya naman agad kong iniwas ang aking tingin sa kanya.

"Alam ko, Since birth." Saad ko. Napanguso nalang ako nang bigla siyang tumawa ng pagkalakas-lakas.
Hindi ko alam kung nang-aasar ba o ano eh! At ang nakakainis pa, Natutuwa ako kapag kausap siya.

"Sino sa atin ang mahangin ngayon?" Pang-aasar nito sa akin pero hindi na ako nagtangka pang magsalita pa. Tinitigan ko lang siya at pinakiramdaman ang aking sarili.

Sa tuwing titignan ko siya lalo na kapag tumatawa siya ay biglang bumibilis ang tibok ng aking puso. At hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin nun. Pero hindi ko matanggap dahil kahapon lang kami unang nagkita. Atsaka possible ba iyon? Ang magkagusto ka agad sa taong nakita mo lang kahapon at nakilala mo lang kanina?

Alam kong posibleng magkagusto ako sa isang lalaki at naniniwala rin ako na age doesn't matter. Pero alam kong masyadong mabilis na magkagusto dito kay Nigel. And besides he's my professor at mahigpit na ipinagbabawal ang teacher-student relationship.

Ay wait, Kapal yan self? Relationship agad? Di mo nga alam kung may gusto siya sayo tas mag a-assume ka agad? Assumera yarn? Siguro ay friendly lang talaga siya at pa-fall.

Oo pa-fall, Why? Dahil hinalikan niya ako kahapon pagkatapos kong magulo siya sa pakikipag momol niya. Tapos ngayon aarte siya na para bang walang nangyari. O di kaya naman hindi siya umaarte at wala lang talaga para sa kanya ang nangyari kahapon?

Wahh ang sakit sa ulo isipin. Pinanood ko lang siyang iligpit ang pinagkainan namin. Nakangiti ito habang nagliligpit at pag minsa'y magtatama ang aming mga tingin ay mas lalo siyang ngingiti sa akin.

Hindi na ako muling nagsalita pa at itinuon ang aking atensyon sa kanya. Hindi naman niya ako napapansin dahil nakatalikod siya sa akin habang hinuhugasan ang aming pinagkainin.

Pagkalipas ng ilang minuto ay lumingon ito sa akin at doon ko lang rin napansin na tapos na pala ito. Niyaya niya ako sa sala kaya naman tumango ako bilang tugon. Nauna na rin siyang lumabas nang kusina at nakasunod lamang ako sa kanya.

"Pasado alas-otso na, Baka nag-aalala na ang mga magulang mo." Saad nito kaya naman napalingon ako sa orasan. Umiling lang ako sa kanya at pumunta sa upuan kung saan nakalagay ang aking cp.

"Pinsan ko lang ang kasama ko. Tatawagan ko lang saglit siya." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang ulan. Kaya naman niyaya ako kanina ni Nigel para daw dito na ako matulog sa bahay niya.

Tumanggi ako noong una pero mapilit siya at sobrang lakas rin talaga nang ulan. Ayaw ko namang magkasakit, Gustuhin ko mang magpasundo kay Kuya Eros ay hindi na pwede. Baha na rin kasi sa ilang kalsada kaya baka maipit lang kami kung sakali.

Pagbukas ko ng cp ay agad na tumambad sa akin ang di lalagpas sa sampung miss calls at ang lahat ng ito ay galing kay Kuya Eros. Paniguradong nag-aalala na ito sa akin dahil hindi pa ako nakakauwi.

"Hello Kuya." Bungad ko sa kanya nang sagutin nito ang tawag ko.

"Saan kaba ngayon huh?! Bakit di kapa nakakauwi?!" Ramdam ko ang pag-aalala niya sa tono ng kanyang pagsasalita. Kaya naman napatawa ako nang mahina.

"Nandito ako sa bahay nang kaibigan ko Kuya, Dito muna ako magpapalipas ng gabi dahil malakas pa rin ang ulan at baha na rin sa ibang kalsada." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Sinong kaibigan?" Tanong nito na ikinatigil ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi.

"Ah basta sa kaibigan ko Kuya, Bukas ng umaga na ako uuwi." Ilang segundo pa ang itinagal bago siya sumagot.

"Sige, Basta mag-iingat ka diyan. Ibaba ko na ang tawag." Kaya naman nagpaalam na kami sa isa't isa bago niya ibaba ang tawag.

"Tara hatid na kita sa magiging kwarto mo." Saad ni Nigel kaya namab napalingon ako sa kanya at tumango bilang sagot. Ibinalik ko na ang cp ko sa bag at dinala ito.

Sinundan ko siya sa itaas at tumigil kami sa pinto ng katabi niyang kwarto. Binuksan niya iyon at tumambad sa akin ang kwartong kulay asul at malinis na kwarto.

Pumasok siya kaya naman pumasok na rin ako at inilibot ng tingin ang kabuuan nito.

"Eto muna ang suotin mong damit at kung may kailangan kapa ay puntahan mo lang ako sa kabilang kwarto." Litanya niya kaya naman tumango ako at kinuha ang inabot niyang mga damit.

Ngumiti siya sa akin at tumalikod na. Bago pa siya makalabas ay nagulat na lamang siya nang bigla ko siyang yakapin mula sa likod. Kahit ako ay nabigla rin sa aking nagawa kaya naman agad akong bumitaw rito.

"S-Salamat." Nahihiya kong saad at nang makalabas siya ay agad kong isinara ang pintuan at nag-lock.

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil hanggang ngayon ay mabilis la rin ang pintig ng aking puso.

| ~ | ~ | ~ |

© RUSSENCE

The Hot Professor | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon