Kabanata 26: Part 1

1.4K 54 1
                                    


Jayden's P.O.V

Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng bahay ni Nigel. Hapon na at balak ko nang umuwi sa aking apartment, Hinihintay ko nalang siya dahil siya daw na daw ang maghahatid sa akin. Hindi na rin naman ako umangal dahil hindi ko naman dala ang sasakyan ko at naiwan ko sa school dahil nga kinaladkad lang ako ni Nigel dito sa bahay niya.

Well, Hindi naman ako galit o inis. Masaya pa nga ako sa totoo lang na dinala niya ako dito dahil mas nakilala ko siya, Hindi man ang buong pagkatao niya ngunit alam kong hindi niya ako papabayaan. Kita kong sincere siya sa pagpaparamdam niya sa akin ng pagmamahal niya at alam ko naman sa sarili ko na nagugustuhan ko ito.

"Pasensya na natagalan, Tara na?" Napabaling ako sa pintuan at nakita siya na palabas na habang nakangiti sa akin ng matamis. Ngumiti ako pabalik sa kanya at tumango, Ang gwapo at ang hot niyang tignan sa porma niya ngayon. Asul na polo at jeans pero sobrang lakas na ng dating niya, Medyo basa pa ang buhok nito dahil kakatapos niya lang maligo.

"Tara na." Sabi ko nalang at hinayaan siya na mauna sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto sa shotgun seat at pagkatapos ay umikot pa siya para pumunta sa driver's seat.

Pagkapasok niya ay agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan at pinaandar ito. Habang nakatingin sa bintana ay naramdaman ko ang paghawak nito sa aking kamay na nakapatong lang sa aking hita.

Nilingon ko siya at napansing nakatingin lang ito sa daan habang may ngiti na mababakas sa kanyang labi. Hindi ko na rin napansin ang sarili ko na nakangiti habang nakatingin sa kanya. Masama na ito, Mukhang mas lalo pa akong nahuhulog sa kanya sa bawat paglipas ng segundo. Habang tumatagal ay mas na natatanggap ko na sa sarili ko na mahal ko na talaga siya.

Nilingon ako nito ng napansin niyang nakatingin ako sa kanya at nginitian ng pagkatamis-tamis. Napailing nalang ako sa kanya at tumawa ng mahina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito binibitawan ang aking kamay, Sinubukan kong hilahin ito mula sa kanyang kamay dahil baka mabangga pa kami, Pero imbis na bitawan niya ay mas lalo niya lang hinigpitan ito at tila ba wala siyang balak na pakawalan ang aking kamay.

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil nasa harapan pa rin ang tingin nito at may ngiti pa rin na mababakas sa kanyang labi. Napakagat labi na lamang ako upang pigilan ang sarili ko sa pagngiti dahil sa ginagawa niyang pagpisil sa aking kamay.

Sobrang lambot ng kamay niya at di ko alam kung malambot ba yung akin o ano pero kita ko sa kanya na nag-eenjoy siya at masaya siya kahit sa paghawak lang ng aking kamay. Simple things makes him- Us happy.

Isa sa mga bagay na magkaparehas kami, Sa mga simpleng bagay o pangyayari ay masaya na kami. Yun ang isa sa mga nalaman ko habang kasama siya. Parehas kaming dalawa na marunong makuntento sa mga bagay na meron kami at pahalagahan ang mga bagay simple man o hindi, Ay parehas namin itong inaalagaan at hindi pinapabayaan.

"Nandito na tayo." Napabalik na lamang ako sa katinuan ng marinig ang sinabi niya. Pagtingin ko sa bintana ay nasa harapan na kaming dalawa ng apartment ko, Ay teka.

"Paano mo nga pala nalaman kung saan ako nakatira? Eh hindi ko naman tinuro sayo ang direksyon?" Kuryosong tanong ko sa kanya habang halos magdikit ang aking dalawang kilay. Tinitigan ko siya ng maigi at napansin kong medyo kinabahan ito.

Hindi ito makatingin sa akin ng diretso at sa tuwing titignan ko ito sa mata ay iiiwas nito ang kanyang paningin at ihaharap sa ibang direksyon ang kanyang ulo. Mabilis rin ang pagtaas-baba ng kaniyang lalamunan senyales na kanina pa siya napapalunok dahil sa kaba.

"Ano? Sabihin mo ang totoo, Hindi naman ako magagalit." Malumanay na sabi ko sa kanya at marahang hinaplos ang kaniyang braso. Nang makitang tuluyan na itong huminahon ay napangiti na lamang ako ng kaunti lalo na nang tinignan ako nito sa mata.

"Uhmm, Sinundan kita noong pauwi kana  pagkatapos mong matulog dito noong nakaraan." Nahihiyang saad nito at pansin ko ang pagpula ng kaniyang tenga. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napangiti na ako ng wagas.

Hinayaan ko na rin ang sarili ko na lumapit sa kanya upang bigyan siya ng isang mainit na yakap.

| ~ | ~ | ~ |

© RUSSENCE

The Hot Professor | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon